IMPRASTRAKTURA DAPAT DISASTER PROOF NA -PBBM

DAPAT nang gawing disaster proof ang mga itatayong imprastraktura sa bansa. Ito’y upang matiyak na matatag ang mga imprastrakturang itatayo sa hinaharap. Ani Pangulong Marcos, importanteng maging disaster proof na ang mga bagong gagawing kalye at iba pang gusali gaya ng ospital maging ng mga bahay. Kasama rin aniya rito ang heritage sites. Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na kailangang ma-restore ang mga makasaysayang istruktura na winasak ng nagdaang 7 magnitude quake na yumanig sa Ilocos region at CAR. Kabilang dito ang cathedral sa Vigan, ang kalye Crisologo at…

Read More

Basehan sa pagtatalaga ng Marcos admin officials KAKAYAHAN HINDI PALAKASAN

(CHRISTIAN DALE) WALANG palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang public managers ng gobyerno. Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin officials ay base sa merito at kakayahan na magampanan ang kanilang government functions. Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor Rodriguez na, “public managers must enhance their strategic thinking skills, practice foresight, act with agility, behave with integrity, and “unite as one public servant with purpose”. “The President yearns for a decent future for all…

Read More

Form ng DSWD pinuna ni PBBM PAG-CLAIM NG AYUDA SIMPLEHAN LANG

NAPUNA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tila masyadong maraming kailangan sagutan sa form na ginagamit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagke-claim ng 10 thousand peso financial assistance ng mga pamilyang nabiktima ng lindol. Magugunita na noong nagpunta si Pangulong Marcos sa Abra ay personal nitong tiningnan ang galaw ng ginagawang pamamahagi ng tulong at nakita rin umano nito ang claim form sa pagbibigay ng ayuda. Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, hindi rin niya nagustuhan ang masyadong maraming impormasyon na dapat ilagay sa form…

Read More

Kasunod ng Northern Luzon quake ROTC REVIVAL DINIINAN NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) MULING isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuhay sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga eskwelahan. Para sa Chief Executive, kailangang matuto ang mga kabataang Pilipino ng disaster-preparedness skills bunsod na rin ng kamakailan lamang na magnitude 7 earthquake na umuga sa ilang bahagi ng Northern Luzon. Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa quake-hit provinces, sinabi nito na nakita niya ang pangangailangan na mas maraming kamay para sa disaster zones. “Mas marami rin tayong maihahanda na sibilyan sa ganitong disaster response sa pamamagitan ng…

Read More

US SEC. OF STATE BIBISITA KAY PBBM

KAABANG-ABANG ang nakatakdang pagkikita nina US Secretary of State Antony Blinken at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong linggo. Darating sa Pilipinas si Blinken para sa isang pagbisita na ang pangunahing layunin ay mas palakasin pa ang long-time alliance ng Washington sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang biyahe ni Blinken sa Pilipinas bilang US Secretary of State. Ito rin ang kauna-unahang pagbisita ng isang US Secretary of State to the Philippines sa loob ng tatlong taon matapos ang pagbisita ni Mike Pompeo noong Pebrero 2019. Bukod kay Pangulong Marcos, makikipagkita rin si…

Read More

Sa halip libreng tuition fee SCHOLARSHIP HINIRIT KAY PANG. MARCOS

HINIKAYAT ng advocacy group na Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition sa state universities at colleges. Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinanukala ni FEF president Calixto Chikiamco sa administrasyong Marcos ang ilang structural reforms kung saan maaaring malagay ang bansa sa “sustainable growth track.” Isa na rito ang rebokasyon o pagbawi sa Universal Access to Quality Tertiary Education…

Read More

PAG-VETO SA IBA PANG PANUKALA, IIWASAN NG 19TH CONGRESS

SISIKAPIN ng liderato ng 19th Congress na maiwasan ang pag-veto pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga susunod nilang aaprubahang panukalang batas. Ito ang ipinangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng pagsusulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting para talakayin ang mga priority bills ng administrasyon. Sinabi ni Zubiri na nakausap na niya sina Executive Secretary Vic Rodriguez at Special Assistant to the President Anton Lagdameo para sa pulong at kapwa nangako na itatakda ito sa lalong madaling panahon. Bukod dito, inihayag ng lider…

Read More

LOTILLA NANUMPA NA BILANG ENERGY CHIEF

OPISYAL nang uupo bilang Kalihim ng Department of Energy (DOE) si Atty. Raphael Perpetuo Lotilla. Ito’y matapos manumpa si Lotilla bilang bagong Energy Secretary sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang. Nauna rito, inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na si Lotilla ang napipisil ni Pangulong Marcos para pamunuan ang Department of Energy sa ilalim ng administrasyong Marcos. Nagbigay linaw naman si Cruz-Angeles na ang appointment ni Lotilla ay depende sa status ng kanyang employment bilang independent director sa Aboitiz Power at Enexor. Tinukoy nito ang Section 8…

Read More

JOSE ACUZAR, BAGONG HOUSING CZAR

PORMAL nang nanumpa si Jose “Jerry” Acuzar bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang oath of office ni Acuzar bilang DHSUD ay isinagawa sa Study Room ng Malacañan, Palace batay sa short video clip na in-upload ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa kanilang official Facebook page. “President Ferdinand R. Marcos Jr. administers the oath-taking ceremony of Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose ‘Jerry’ Acuzar at the Study Room in Malacañan Palace on July…

Read More