WALA pang nakikitang problema si Senador Christopher “Bong” Go, miyembro ng Commission on Appointments (CA) sa mga itinalagang Cabinet members ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kasalukuyan ay hindi pa nakatanggap si Go ng official list ng appointees subalit base sa kanyang obserbasyon, ang gabinete ni Pangulong Marcos ay ‘nagtatrabaho’. “Hindi pa dumating sa amin ‘yung listahan formally pero so far, nakikita ko na nagtatrabaho naman sila,” ayon kay Go sa isang panayam sa Barangay Maliksi 2, Bacoor City, Cavite, nitong Linggo. “Kung qualified naman po ay susuportahan natin…
Read MoreCategory: BBM
PBBM ‘VERY WELL’ SA 1ST 100 DAYS
IPINAGMALAKI ng Office of the Press Secretary (OPS) na “doing very well” ang performance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito’y base sa survey na nagsasabing 68% ng mga Pinoy ang naniniwalang magiging well o very well ang performance rating ng Pangulo sa kanyang 1st 100 days. Ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles, maaaring hindi agad pansin kung ano ang istilo ng trabaho ng Presidente subalit ito aniya’y deliberative, science-based at very professional. Bukod dito, sabi ng Kalihim ay systematic din magtrabaho si Pangulong Marcos habang inaalam din nitong…
Read MorePara iwas ‘exodus’ ng HCWs LADDERIZED PROGRAM SA HEALTH SECTOR SUPORTADO NI PBBM
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ipatupad ang tinaguriang “ladderized” program para sa health sector sa gitna ng kinakaharap na hamon ng bansa na may kinalaman sa patuloy na nababawasang medical workforce ng Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Marcos, nagustuhan niya ang nasabing programa na ipinresenta sa kanya sa isinagawang pulong sa Malakanyang ng mga miyembro ng Private Sector Advisory Council. Sadya aniyang magagaling ang Pinoy health workers na hindi naman kayang pigilan sa kanilang pag-alis. Bukod pa aniya sa kayang tapatan ang magandang oportunidad na alok sa…
Read MoreHindi lang asukal IMPORTASYON NG ISDA PINATATABLA RIN KAY PBBM
PARA protektahan ang lokal na mangingisda, hiniling ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil din ang importasyon ng isda, partikular ang galunggong dahil sa pinsalang dulot nito sa maliliit na mangingisda. Reaksyon ito ng grupo kasunod ng pagtabla ng Pangulo sa planong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal. “Kasunod ng pagharang niya sa importasyon ng asukal, dapat ding ipatigil ni Marcos ang importasyon ng isda, partikular ng galunggong, dahil sa pinsalang dulot nito sa lokal at maliliit na mangingisda,”…
Read MorePRES. MARCOS MASAMA ANG LOOB SA SUGAR MESS
MASAMA ang loob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nangyari sa loob ng Sugar Regulatory Administration makaraang lumabas na “illegal” ang resolusyon para makapag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, lumalabas kasi na tila gustong i-mislead ng SRA officials si Pangulong Marcos. Gayunman, patuloy na binabalanse ni Pangulong Marcos ang lahat dahil may ibang mga bagay pa itong dapat ding tutukan. Aniya, nanatiling objective at patas ang Chief Executive kaya hinahayaan niyang gumulong ang imbestigasyon sa naturang usapin nang hindi ito nakikialam. At…
Read MorePalusot ‘di ubra kay Pres. Marcos ULO GUGULONG SA NILAGDAANG SUGAR IMPORTATION
(CHRISTIAN DALE) NAPIPINTONG humantong sa sibakan sa pwesto ang paglagda ng ilang opisyal sa planong pag-angkat ng nasa 300,000 metriko toneladang asukal. Nasa ‘hot seat’ ang mga opisyal kabilang sina Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo R. Serafica at Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian na di umano’y pumirma sa ilegal na Resolution No. 4 na nai-upload sa website ng SRA na may kinalaman sa gagawing pag-angkat ng pamahalaan ng asukal. “They are under investigation. There is no preventive suspension issued as of right now,” ayon kay Press Secretary…
Read MoreABOT-KAYANG FERTILIZERS HIRIT NI PBBM SA DTI
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng mga plano upang gawing abot-kaya ang fertilizers para sa mga magsasaka para mapabuti ang productivity ng mga ito. Nakipagpulong ang Pangulo sa mga magsasaka sa Malacañan Palace base na rin sa mga larawan na naka-upload sa Office of the President’s (OP) official Facebook page. Nais ni Pangulong Marcos na tiyakin ng DTI na ang murang pataba o abono ay maging available sa mga magsasaka. “President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with DTI to iron…
Read MoreSPECIAL COMMITTEE BINUO PARA SA NUCLEAR ENERGY
BILANG tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kolektibong pagkilos sa kinakaharap na problema sa kapos na supply ng kuryente at mataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, bumuo ang Kamara ng isang special committee na ang tanging tututukan ay paglikha ng enerhiya. Partikular na tinukoy ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang sapat at abot-kayang enerhiyang posible lamang aniya kung may mekanismong magbibigay katiyakan sa bisa at kaligtasan ng isang plantang nukleyar. Sa inihaing manifestation ng batang Marcos, binigyang diin ng batang kongresista…
Read MoreInihatid na sa huling hantungan PAALAM, FVR
INIHIMLAY na kahapon si dating pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Metro Manila. Nanguna sa mga nagsipaghatid sa ika-12 Pangulo ng Pilipinas na nagsilbi noong 1992 hanggang 1998, si Armed Forces of the Philippines Commander in chief, President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. at ang bagong talagang AFP chief of staff na si General Bartolome VO Bacarro. Matapos ang seremonya, tinanggap ng pamilya Ramos ang labi ng dating lider na isa ring military man at inilagay sa karwaheng tradisyunal na pinaglalagyan ng labi ng mga…
Read More