(CHRISTIAN DALE) SINIMULAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte kasama ang ilang miyembro ng gabinete ang unang araw ng kanilang opisyal na panunungkulan sa pagdalo sa banal na misa, Biyernes ng umaga sa National Shrine of St. Michael the Archangels sa Malacañang Compound. Humingi si Pangulong Marcos Jr. ng “divine guidance” o banal na patnubay para sa kanyang gagawing pagsisilbi bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ang misa ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa San Miguel Parish Church sa loob ng Malacañang compound.…
Read MoreCategory: BBM
CAREER DIPLOMAT BAGONG DFA CHIEF
KINUMPIRMA ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang career diplomat na si Enrique Manalo bilang Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA). Pinalitan ni Manalo si dating DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. Sa isang text message, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na “Hi. Yes it is confirmed. But he asked for a few days to wind up affairs in his previous post.” Nanumpa si Manalo sa harap ni Pangulong Marcos sa Malakanyang, nitong Biyernes, Hulyo 1. Si Manalo ang unang career…
Read MoreApela ni Duterte sa publiko BUONG SUPORTA IBIGAY KAY PBBM
(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL) NANAWAGAN si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino na suportahan ang liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Let us give all our support to the new administration…tulungan natin sila,” ayon kay Duterte sa isang video na kuha ni dating Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Nagtapos nitong Huwebes, Hunyo 30 ang termino ni Duterte. Pinuri naman nito ang kanyang gabinete bilang “one of the best.” “I am a student of government. I have been in the government for so long. I assembled one of the…
Read MoreMGA MIYEMBRO NG GABINETE NI MARCOS JR. NANUMPA NA
NAKATANGGAP si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng military honors sa Malacañang Palace matapos ang kanyang inagurasyon sa National Museum of Fine Arts, araw ng Huwebes. Kasama ng Pangulong Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kanilang mga anak na sina Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, Simon Marcos, at Vincent Marcos. Kasunod nito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang oath-taking ng kanyang Cabinet members na magsisilbi sa ilalim ng kanyang liderato kabilang na si Vice President Sara Duterte na pamumunuan ang Department of Education. Ang mga personalidad na hahawak ng…
Read MoreBANKING VETERAN VELOSO HINIRANG NA GSIS HEAD
PINILI ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’ si veteran banking executive Jose Arnulfo “Wick” Veloso para pamunuan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng incoming administration. Si Veloso ang kauna-unahang Filipino CEO para sa HSBC Philippines, kung saan siya nagtrabaho ng 23 taon simula 1994. Taong 2018, pinalitan niya si Reynaldo Maclang bilang pangulo ng Philippine National Bank (PNB). Sa tatlong dekadang karanasan sa “banking and capital markets sectors,” si Veloso ay naging pangulo ng Bankers Association of the Philippines (BAP). Si Rolando Macasaet ang kasalukuyang pangulo at…
Read MorePara sa ligtas at masaganang Pilipinas MARCOS JR. NANUMPA BILANG 17TH PRESIDENT
(CHRISTIAN DALE) MATAPOS tatlo’t kalahating dekada, ganap nang nakabalik sa Palasyo ng Malakanyang ang mga Marcos, sa katauhan ng 64-anyos na si Ferdinand Jr., sa hudyat ng kanyang panunumpa bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa panunumpang pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, muling nagpasalamat si Marcos Jr. sa mahigit 31 milyong Pilipinong naniwala sa kanyang kakayahang muling ibangon ang bansang pinagwatak-watak ng labis na pamumulitika. “I’ve listened to you and this is what I have heard. We all want peace in our land. You and your…
Read MoreCONCEPCION: MARCOS INAUGURAL ADDRESS, TAGOS SA MGA PINOY ENTREPS
“President Marcos spoke of the people’s dreams being his own dreams, of wishing for a better life in a safer, more prosperous country. I think that resonated deeply with our country’s small entrepreneurs,” sabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion nang batiin niya si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. “Labis akong naantig sa inaugural address ng Pangulo,” ani Concepcion. “Ibinahagi niya ang isang komprehensibong pananaw para sa ating bansa, at ang katungkulan ng pamahalaan para sa mga mamamayan nito.” Sinabi ni…
Read MoreDUTERTE PINASALAMATAN NG KAMARA
“THANK you for your outstanding and excellent service to the Philippine nation.” Ito ang mensahe ni House Majority Leader Martin Romualdez kay President Rodrigo Duterte na bababa na sa puwesto ngayong tanghali ng Hunyo 30 at papalitan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bilang tradisyon, sasalubungin ni Duterte sa Palasyo ng Malacanang si Marcos bilang kanyang kapalit bago pumunta sa National Museum ang huli para manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay Romualdez, mula rito ay magiging private citizen na si Duterte na uuwi na sa kanyang tahanan sa…
Read MoreSa pagbasura ng SC sa DQ petitions WALA NANG BALAKID KAY PRES. MARCOS
NANINIWALA ang dating opisyal ng Commission on Elections na maayos ang magiging takbo ng anim na taong termino ni President Ferdinand Marcos Jr. Ito ay bunga ng pagbasura ng Supreme Court sa disqualification cases na inihain laban sa bagong Pangulo. Si Marcos Jr. ay manunumpa ngayong araw bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay dating Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, pinagtibay ng desisyon ng SC sa disqualification cases ni Marcos Jr. ang kanilang naunang desisyon na nagbabasura sa mga nasabing petisyon. “I personally view the Supreme Court’s concurrence to our legal…
Read More