NADISKUBRE ng Department of Health (DOH) na may bagong kaso ng “United Kingdom variant” at mayroon na ring anim na kaso ng South African variant ng COVID-19 kung saan dalawa sa mga ito ay residente ng lungsod ng Pasay. Natunton ng DOH ang dalawang pasyente na aktibo sa bagong uri ng COVID-19 sa Pasay nang pag-aralan nito ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit. Bunga nito, 77 barangay na ang inilagay sa istriktong localized lockdown ng pamahalaang lungsod. Pinaniniwalaang ang pagkakaroon ng bagong uri ng COVID-19…
Read MoreCategory: COVID-19
EUA NG SINOPHARM HIHINTAYIN NI DUTERTE
HIHINTAYIN pa rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use authorization para sa COVID-19 vaccine ng Chinese state firm Sinopharm na mas pinili niya sa ibang vaccine brands. “Moot and academic na po iyang tanong na iyan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang hingan ng update sa naging pag-aaral ng Malakanyang kung magpapabakuna ba o hindi si Pangulong Duterte mula sa 10,000 Sinopharm doses na inaprubahan para sa kanyang security detail na binigyan ng “compassionate use”. “Maghihintay na lang po siya (Duterte) ng approval ng Sinopharm,” ayon kay…
Read MoreSEC. DIZON ‘NAMANHID’ SA CORONAVAC
HINDI pa batid kung may kinalaman ang napaulat na pagtaas ng presyon ng dugo o namanhid na sa dami ng suliraning dala ng COVID-19, si National Task Force Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon kaya’t wala umano siyang anumang naramdaman nang tarakan ng Coronavac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech, noong Lunes sa pagsisimula ng rollout ng vaccination program ng pamahalaan. Ayon kay Dizon, na binakunahan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Hospital (dating Tala Hospital) sa Caloocan City, mas masakit ang bakuna laban sa trangkaso kaysa…
Read MoreHOUSE HEALTH PANEL CHAIR SUMALANG SA PAGPAPABAKUNA
UPANG maipakita ang suporta sa vaccination program ng pamahalaan, sumalang si Quezon Representative Angelina “Helen” Tan, chairperson ng Committee on Health sa mababang kapulungan ng Kongreso, sa pagpapabakuna ng Sinovac mula sa China-based Sinovac Biotech Limited. Dalawang araw matapos dumating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac na donasyon ng China, nagpaturok ang mambabatas sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) gamit ang alokasyon sa kanilang pamilya ng anak na surgeon sa nasabing ospital. “Huwag tayong matakot magpabakuna, protektahan natin ang isa’t isa upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemya,” pahayag ni…
Read MoreAGARANG PAGSISIMULA NG PILOT F2F CLASSES, PANAWAGAN SA SENADO
INIHAYAG ni Senador Win Gatchalian na pitong senador ang lumagda sa isang resolusyon na nanawagan para sa agarang pagsisimula ng pilot test ng localized at limitadong face-to-face classes sa low risk areas upang mapigilan ang pinsalang sanhi ng pagsasara ng paaralan sa kalusugan, pagkatuto at kapakanan ng mag-aaral. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na nakatakda sa Senate Resolution No. 668, inirerekomenda na dapat simulan ang pilot testing sa 1,065 na pampublikong paaralan na mapipili ng Department of Education (DepEd) sa risk assessment nito. Ayon din sa naturang resolusyon, ang mga…
Read MoreSUSI SA PAGBANGON NG EKONOMIYA
NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na kapag napabakunahan ang lahat ng manggagawa, tuluyan nang makababangon ang ekonomiya at susulong muli ang bansa sa bagong normal. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor na dapat nasa priority lane ang pagbabakuna sa manggagawa dahil hindi makababangon ang ekonomiya kundi sila makababalik sa kanilang trabaho. “We believe that we will be able to recover only if our workers are protected,” ayon kay Villanueva. “Protected workers equals jobs,” aniya. Base sa datos ng pamahalaan, umabot sa 17 milyon ang nawalan…
Read MoreTRANSGENDER WOMAN NAGING ‘PANDEMIC HERO’
TINAGURIANG pandemic hero ang isang transgender woman mula sa Calamba, Laguna dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa bago pa man pumutok ang pandemya sa COVID-19. Nang mag-alburoto ang Bulkang Taal noong isang taon, marami ang lumapit kay Nancy Dimaranan at nagpasaklolo. Makaraan ang ilang linggo, dumating sa bansa ang corona virus 2019 o COVID-19. Nagdulot ito ng pagsasara ng maraming negosyo at kawalan ng trabaho dahilan para lalong maghirap ang maraming mamamayan. Hindi naman nagkait ng tulong si Nancy kaya namigay siya ng pagkain at tulong pinansyal. Tinulungan din niyang makauwi…
Read MoreSINOPHARM PINAG-AARALAN KUNG PWEDE KAY DUTERTE
MASUSING pinag-aaralan na ngayon ng legal team ng Malakanyang kung ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinopharm ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng special permit for compassionate use. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mas pinili ng 75-anyos na pangulo ang Sinopharm’s vaccine. Bago gamitin ang isang bakuna ay kailangan makakuha muna ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) para maging legal sa bansa. Giit ni Sec. Roque, hindi pa nag-a-apply ang Sinopharm ng EUA sa FDA. Magkagayunman, papayagan ng FDA na…
Read MorePFIZER VACCINE INAASAHAN SA 2ND QUARTER NG TAON
SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na may kabuuang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility ang maaaring dumating sa bansa sa second quarter ng taon. “Ang nakikita po natin, mga second quarter [darating sa atin]. Ito iyong galing sa COVAX na Pfizer na makukuha natin,” ang pahayag ni Sec. Galvez sa Laging Handa public briefing. Aniya pa, ang supply naman ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na babayaran ng pamahalaan ay mahuhuli subalit darating ito sa loob ng taong kasalukuyan. “Iyong procurement [natin ng Pfizer], mga third…
Read More