Para mapawi ang pangamba ng publiko GALVEZ, DUQUE PANGUNAHAN ANG PAGPAPABAKUNA VS COVID-19

HINAMON ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Presidential Adviser Carlito Galvez na unang magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa sandaling maging available na ito sa publiko. Ito ay upang mapawi aniya ang pangamba ng mamamayan hinggil sa kaligtasan ng naturang bakuna at mabuo ang kanilang kumpiyansa sa bisa at pagiging epektibo nito. “May mga nag-aalangan pa kaya dapat unahin natin ang safety ng vaccine na ito. That is why I’m challenging Secretary Galvez once safe…

Read More

80% nabili na ng mayayamang bansa – Sec. Galvez MAHIHIRAP AGAWAN SA 18% COVID-19 VACCINE

TINATAYANG nasa 80% ng malilikhang COVID-19 vaccine ang nauna nang nabili ng mayayamang bansa, habang 2% naman nito ang nakuha na ng covax facility at World Health Organization o WHO. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, kung titingnan ang world global supply and demand, talagang limitado na lamang ang suplay ng vaccine pagdating sa mahihirap na bansa. Batay aniya sa report, tanging 18% na lamang ang natitira na maaring makuha ng mga bansa na katulad ng Pilipinas, at wala na aniyang iba pang mapagkukunan ng bakuna. Nangangahulugan lamang aniya…

Read More

‘WAG UMASA SA BAKUNA – SOLON

HINDI pabor si Senador Richard Gordon na asahan ang vaccine bilang pangontra sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Gordon, hindi dapat magkaroon ng pagmamadali sa pagbili ng bakuna na hindi syento porsyentong epektibo sa ngayon dahil nangangailangan pa ng mahabang panahon na maidebelop ito. “Mauna na yung first world. Bago lang ang mga vaccine. Mag-ingat sa mga tests,” babala pa ng senador. Sa halip, pinapaboran ni Gordon ang pagpapalakas sa proteksyon ng mamamayan laban sa COVID-19. Mas dapat aniyang bigyan ng face mask at faceshield ang mamamayan para ligtas na makapagtrabaho.…

Read More

3 NADAGDAG SA NAVOTAS COVID DEATHS

WALO ang nadagdag na aktibong kaso at tatlo ang namatay sa Navotas City noong Disyembre 2 dahil sa COVID-19 pandemic. Bukod dito, dalawa ang nadagdag sa talaan ng mga nakarekober na pasyente sa nasabing sakit sa nasabi ring petsa. Umakyat na sa 5, 310 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod. Sa bilang na ito, 5,080 na ang gumaling, 160 na ang namatay dahil sa pandemya at 67 ang active cases. (ALAIN AJERO) 340

Read More

2 gumaling muling nagpositibo 2 PA PATAY SA COVID SA MALABON

MULING nakapagtala ng dalawang bagong COVID-19 casualty ang Malabon City at dalawa ang gumaling ngunit muling nagpositibo sa nasabing sakit sa unang araw ng Disyembre. Ayon sa City Health Department, tig-isa ang namatay sa Brgy. Panghulo at Brgy. Potrero. Sa nasabi ring dalawang barangay ay nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling dahil muling nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa mga ito. Mula 220 ay 219 na lamang ang recoveries sa Panghulo habang mula sa 669 ay 668 na lamang sa sa Potrero. Kaugnay nito, 11 ang nadagdag na…

Read More

COVID-19 RESPONSE EXERCISES ISINAGAWA NG PPA

NAGSAGAWA ng COVID-19 Response Exercise ang Philippine Ports Authority (PPA), sa tulong ng stakeholders at kanilang partners, sa TMO-Pasig River Terminal Building sa Maynila nitong Miyerkoles. Ang pagsasanay na tinawag ding Inter-Agency Exercise (IEX), ay kabilang ang COVID-19 Response with Bomb Threat and Hostage Taking. Kasama sa mga nakiisa ay mga kinatawan mula sa Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard (PCG), K9 Group, Baseco Police Station 13, stakeholders and partners. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Eligio Fortajada, Port Manager, PMO NCR South, Maynila, sinabi niyang maganda at…

Read More

Hindi nakatala sa Local Health Office KAMARA PUMIYOK SA 98 COVID CASES

KINAILANGAN pang kalampagin ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa kanilang late reporting ng covid cases ang House of Representatives bago ito ma-pressure at umamin na mayroong 98 confirmed cases ang Kamara mula pa noong Nobyembre 10. Sa press release na inilabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco ay inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara, ang mga ito ay base sa resulta ng kanilang isinagawang mass testing. Gayunpaman, hindi nito idinetalye kung ilan ang mga apektadong kawani at ilan ang mga mambabatas. Ang 98…

Read More

NCRPO: Hangga’t walang COVID-19 vaccine MINORS ‘WAG PALABASIN

NAKIUSAP si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/Brigadier General Vicente Danao Jr. sa mga magulang na huwag munang palabasin ng bahay ang mga kabataan ngayong Kapaskuhan hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19. Ito ay sa kabila na pinayagan nang makalabas ang mga 15-anyos basta may kasamang ‘adult’ para makadalo sa iba’t ibang aktibidad. Ang pahayag ay ginawa ni General Danao nang magpunta ito sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa United Nation Avenue sa Ermita, Manila para sa turn-over of office ceremony/ Tiniyak ni Danao na…

Read More

SAFETY NG BAKUNA VS COVID-19 PINATITIYAK NG SOLON BAGO BUMILI

NAIS ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na tiyakin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang safety ng bakuna kontra COVID-19 bago bumili nito. Ayon kay Go, nakausap niya sina Health Secretary Franciso Duque at Vaccine Czar Carlito Galvez na sisiguruhin nilang safe na iturok sa mga Pilipino ang bakuna kasama ang affordability, availability, accessibility at efficacy nito. Muling iginiit ni Go na uunahin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahihirap at vulnerable sector kasama ang mga frontliner, sundalo at mga pulis na mabigyan ng bakuna.…

Read More