HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na magbabawal muna sa pag- karaoke/videoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season. Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng COVID-19. Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging handa public press briefing, ang parusa sa mga lalabag sa pagbi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinomang susuway sa ordinansa. Subalit, ang paglilinaw ng opisyal, tanging sa pampublikong lugar o maramihang pagbi-videoke ang ipinagbabawal at hindi sa loob ng…
Read MoreCategory: COVID-19
Gobyerno hinikayat ni Defensor TOLL OPERATORS HAYAANG UMANGKAT NG COVID VACCINES
UMAPELA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa gobyerno na payagan ang mga tollway operator na mag-import ng COVID-19 vaccines para sa kanilang toll collectors sa lalong madaling panahon. Ginawa ni Defensor ang panawagan bilang suporta sa mungkahi ni House Speaker Lord Allan Velasco na iurong ang cashless payments sa mga expressway hanggang sa Marso dahil sa mga aberyang idinulot nito sa mga motorista. “During the three-month period of postponement, the government should allow the two big multi-billion-peso companies running our expressways to import COVID-19 vaccines for their toll collectors…
Read MoreDTI SEC LOPEZ COVID POSITIVE
SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahigit 2 linggo na ang nakararaan nang makasama ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa isang pulong. Inanunsyo ito ng kalihim matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Sec. Lopez. “Sec Lopez last attended a meeting with PRRD on November 20, 19 days ago. FYI,” ayon kay Sec. Roque. Nauna rito, sa inilabas na pahayag ni Sec. Lopez, sinabi nito na siya’y asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng virus. Agad namang sumailalim si…
Read MoreHOSPITAL BEDS SA COVID PATIENTS, SAPAT
TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa covid patients. Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% ang available sa mga isolation bed. May 72% naman na available para sa ward beds habang pati ventilators aniya ay wala nang nakikitang kakapusan dahil nasa 81% ang availability nito. Subalit, sinabi ni Sec. Roque na hindi naman…
Read MoreDAHAS VS COVID-19 LAW VIOLATORS BINATIKOS
IGINIIT ni Senadora Leila de Lima na hindi karahasan ang solusyon upang umiwas ang mamamayan sa COVID -19. “Violent measures to implement health protocols have failed to curb the pandemic, and instead resulted in human rights violations, and even death. It also highlighted the extent of the oppression the government can inflict against the struggling poor,” paliwanag ng senadora sa kanyang press statement. Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP). Ikinatwiran ni Duterte na yantok ang gagamitin ng mga pulis upang…
Read MoreCALABARZON 5,521 PA ANG ACTIVE COVID CASES
PUMALO na sa 64,106 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon ng CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Mayroong 328 bagong kaso, 56,821 ang nakarekober at 1,764 ang namatay sa virus. Ayon kay Department of Health 4-A, OIC Regional Director Paula Paz Sydiongco “We only have 5,521 active cases and are currently undergoing treatment in various health facilities in the provinces”. Ang lalawigan ng Laguna ang may pinakamaraming kaso sa bilang na 17,242; sumunod ang Cavite, 17,160; Rizal, 13,286; Batangas, 10,905, at Quezon, 5,513. Dagdag nito, “We…
Read MoreDuterte: Sorry, pero .. FAMILY GATHERINGS, PARTY BAN MUNA
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino kaugnay sa pagbabawal sa family gatherings at iba pang party sa panahon ng Kapaskuhan bunsod ng COVID-19 pandemic. “Would you be kind enough just to skip the festivities? Iwasan muna ninyo. You avoid it because it is for your own good and for the good of the community and eventually for the good of the country,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi. Aniya, ang pagbabawas ng mga bagay naa nakagawian na ng publiko tuwing holiday…
Read MoreContact tracing app pinag-ugnay VALENZUELA, PASIG SANIB-PWERSA VS COVID
SIMULA nitong Lunes, Disyembre 7, ang ValTrace App ng Valenzuela City at PasigPass QR codes ng Pasig City ay maaari nang gamitin para makapasok sa mga establisyemento sa dalawang lungsod sa paglalayong pag-isahin ang digital contact tracing solutions ng dalawang lokal na pamahalaan. Ayon sa pahayag ng Valenzuela City, sa panahong ang krisis sa kalusugan ay pambansang alalahanin, ang pamahalaan ng Pasig at Valenzuela ay magkatuwang sa pagpapadali ng mga solusyon para pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ito ay sa pamamagitan ng pinagdugtong na mga sistema at pinakamainam na mga…
Read MoreDOH TIKOM SA 98 COVID CASES SA KAMARA
WALANG naging aksyon ang Department of Health (DoH) sa naitalang 98 confirmed covid cases sa House of Representatives gayundin sa naiulat na paglabag sa quarantine protocol ng matataas na opisyal nito sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Mikee Romero. Kinumpirma ni Quezon City Health Department-Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na naisumite na nila sa DOH ang kanilang Event-Based Surveillance and Response (ESR) report patungkol sa ginawang late reporting ng Kamara sa confirmed covid cases nito gayundin ang resulta ng kanilang isinagawang…
Read More