VCO MALAKING TULONG VS COVID-19 – MALAKANYANG

PARA sa Malakanyang, malaki ang potensiyal na lumawak pa ang merkado ng virgin coconut oil sa gitna ng mga nagiging development sa isinasagawang clinical study bilang panlunas sa COVID 19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy ang clinical studies ng DOST at maganda ang itinatakbo nito. “Ongoing po ang clinical studies ng DOST, and ang preliminary data po shows very encouraging results ‘no lalung-lalo na parang may preventive at parang nakakatulong po iyan sa early symptoms ng COVID,” ayon kay Sec. Roque. Kapag nagkataon aniya ay tiyak na makikinabang…

Read More

Kampanya natabunan ng COVID-19 KASO NG HIV SA PINAS SASARGO – DEFENSOR

NAGBABALA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na posibleng sumargo pa ang bilang ng mga biktima ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa matapos maudlot ang kampanya laban dito dahil sa pandemya sa COVID-19. Ginawa ng mambabatas ang nasabing babala habang naghahanda ang buong mundo para sa paggunita sa World AIDS Day na isang kampanya para makontrol ang HIV-AID sa buong mundo. “Our fight against AIDS has been set back by the COVID-19 crisis, leaving thousands of Filipinos living with HIV undiagnosed and untreated,” pahayag ni Defensor, vice chairman ng…

Read More

Paglobo ng kaso ng COVID-19 binubusisi ng QC-CESU LATE REPORTING NG KAMARA BINIRA

SINITA ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives sa late reporting nito sa kanilang covid cases na maaaring naging dahilan ng biglang paglobo ng kaso na umabot na sa mahigit 40 cases. Ayon kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, nasa 40 ang confirmed cases na kanilang naitala sa mababang kapulungan subalit kanilang bineberipika ang ulat na may mga hindi na-report. Ito ay dahil nasa 96 na umano ang kabuuang bilang ng positive cases sa Kamara sa nakalipas na 10 araw. Dahil dito, maaaring may mga…

Read More

COVID VACCINE TINIYAK NA HINDI MAHAHALUAN NG PULITIKA

TINIYAK ni vaccine czar at NTF chief implementer Sec. Carlito GaLvez na hindi magagamit sa darating na 2022 elections ang gagawing pagbabakuna ng pamahalaan kontra COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Sec. Galvez, na ito ang dahilan kung bakit nagtalaga si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga opisyal na walang halong pamumulitika ang pagbibigay serbisyo sa bayan lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Aniya, walang ibang gusto ang Chief Executive kundi ang makatulong sa kapwa at tuluyang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa bansa.…

Read More

3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS AT VALENZUELA

BINAWIAN ng buhay ang dalawa sa anim na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City noong Nobyembre 28, habang lima naman ang gumaling. Dahil dito, umakyat na sa 159 ang COVID casualties ng lungsod. Sumipa na sa 5,290 ang tinamaan ng COVID sa Navotas at sa bilang na ito ay 5,066 na ang gumaling at umalagwa muli sa 65 ang active cases. Sa Valenzuela City naman ay nadagdagan ng isa ang COVID casualties na 249 na ang bilang nitong Nobyembre 28 mula sa 248, dalawang araw ang nakalilipas. Sumampa na…

Read More

COVID cases patuloy sa pagsirit 26 SAF MEMBERS KONTRA PASAWAY SA DAVAO CITY

DAVAO City – Dalawampu’t anim na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police ang ipinakalat sa iba’t ibang parte ng lungsod. Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO), ito ay dagdag-pwersa upang makatulong sa pagpapatupad ng mga protocol ng Inter-agency Task Force on COVID-19 lalo pa’t isinailalim sa kasalukuyan sa general community quarantine (GCQ) ang buong lugar. Bukod sa 26 SAF members, may 48 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ang tumutulong sa pagbabantay sa lungsod. Sinabi ni DCPO Director Police Col. Kirby John Kraft, magtutulungan…

Read More

50K KATAO SUMAILALIM SA SWAB TEST SA MAYNILA

UMABOT na sa mahigit 50,000 katao ang naisalang sa libreng swab test na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Maynila, nitong nakalipas na dalawang buwan. Ito ang pinagmamalaking inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos maitala sa 114,820 ang sumailalim sa serology na inialok ng libre sa publiko sa pamamagitan ng drive-thru centers, walk-in centers o  city mobile clinic na umiikot sa mga barangay na nairehistro na may mataas na kaso ng COVID-19. Sa kabuuan, umabot na sa 50,330 ang na-swab test kaya nakatipid ng P3,000 hanggang P5,000…

Read More

2 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA MALABON

DALAWANG pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Lungsod ng Malabon, ayon sa ulat ng City Health Department noong Nobyembre 27. Ang dalawang binawian ng buhay ay mula sa Barangay ng Dampalit at Panghulo kaya’t umabot na sa 222 ang namatay sa lungsod dahil sa naturang sakit. May nadagdag naman na 31 confirmed cases. Sa kabuuan ay nasa 5,822 ang positive cases sa lungsod at 30 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Concepcion (1), Dampalit (2), Longos (12), Maysilo (1), Muzon…

Read More

Higit P217-B napunta sa DSWD P486-B PONDO SA COVID INILABAS NG DBM

UMABOT sa P486.07 bilyon na ang inilabas na pera ng administrasyong Duterte para sa coronavirus disease (COVID-19). Batay ito sa rekord ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang nitong Nobyembre 20. Binigyan ng DBM ng P217.41 bilyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang pinamalaki sa lahat ng kagawaran. Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DSWD na siyang mamahagi ng bilyon-bilyong pondong inilaan ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) sa Social Amelioration Program (SAP). DSWD din ang inatasang mamahagi ng ayuda na…

Read More