HUNYO, PINADEDEKLARANG NATIONAL FRONTLINERS MONTH

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang panukala para sa pagdedeklara ng buwan ng Hunyo bilang ‘National Frontliners Month.’ Layon ng Senate Bill No. 1775 o ‘The National Frontliners Month Act’ na kilalanin ang ambag at kabayanihan ng mga frontliners sa pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at iba pang uri ng pinagdaraanang krisis. Kabilang sa frontline workers ang mga healthcare worker, food delivery drivers, mga empleyado sa supermarket at mga kainan, gwardya, kawani ng mga lokal…

Read More

MOLECULAR LAB SA PASIG PWEDE NANG MAG-OPERATE

BINIGYAN na ng go-signal para makapagsimula o mag-operate ang molecular laboratory ng Pasig City para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests. Kinumpirma ito ni COVID-19 testing czar Vince Dizon. Ang Pasig City Children’s Hospital ang siyang tumatayong molecular laboratory. Kaya nitong idaan ang polymerase chain reaction (PCR) testing at enhanced chemiluminescence immunoassay (ECLIA) testing. Ginawa ang pulong kaugnay dito ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team at mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Pasig, kung saan ay inihayag ni Dizon na mabilis na nakapasa sa laboratory certification ang…

Read More

Kahit muling isinailalim sa MECQ ILIGAN, LANAO SUR BOKYA SA CASH AID

HINDI tatanggap ng Social Amelioration Program ang mga taga Iligan city at Lanao del Sur ngayong isinailalim silang muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa pagtaas ng kaso doon ng COVID-19. Sinabi ni Department of Social Welfare & Development Usec Glen Paje na maaari silang makapag-avail ng iba pang programa ng ahensya maliban na nga lamang sa SAP. Paliwanag ni Usec Paje, ang Bacolod lamang na pasok din sa MECQ ang kasama sa 2nd tranche ng SAP base sa nakasaad sa Executive Order No. 112 na may petsang…

Read More

HIGIT 8% NG MAY COVID SA PINAS, ASYMPTOMATIC

WALANG nararamdamang sintomas ng COVID-19 ang tinatayang 8.6% ng mga tinamaan ng nasabing virus sa bansa. Lumitaw sa isang ulat na mga asymptomatic ang karamihan sa mga nagpositibo sa COVID-19. Bumaba naman ang kaso ng mild patients sa 88.3 % habang 1.3% ang severe at 1.8% ang critical cases. Sa huling ulat mula sa Department of Health, umaabot na sa 245,143 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan  ng 3,176. 55,614 naman ang active cases. Ang bilang ng mga gumaling ay nadagdagan ng 376 kaya ang total recoveries ay…

Read More

Covid test funds naman ang puntirya PHILHEALTH MAFIA TULOY PA RIN?

HINDI pa rin tumitigil ang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso at maging ng binuong Task Forces ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pagkakataong ito ay ang pondo umano sa COVID-19 test ang pinupuntirya ng mga tiwali sa state insurer. Ito ang isiniwalat ni House deputy majority leader Bernadeth Herrera sa kanyang privilege speech kaugnay ng natuklasang bagong anomalya sa PhilHealth kasabwat ang mga tiwaling pagamutan. “I have received numerous reports about this systematic anomaly whereby PhilHealth members who have not availed of the…

Read More

LAS PINAS COVID-19 TESTING LAB, BINUKSAN SA PUBLIKO

MARAMING pasyente sa Las Piñas City ang inaasahang mapagsisilbihan sa pagbubukas ng operasyon ng COVID-19 testing laboratory na makatutulong din upang mapabuti ang testing capacity at recovery rate ng coronavirus 2019 (COVID-19) disease sa bansa. Sa pahayag, isang grupo ng mga dalubhasa ang nagtungo sa COVID testing facility sa Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGH-STC) upang tulungan ang pasilidad at sa pagsagawa ng proficiency testing. Parehong pumasa sa ginawang assessment ang GeneXpert at RT- PCR machines. Pasado rin sa proficiency exam ang mga laboratory personnel at napatunayang…

Read More

DOH KONTRA NA I-BAN ANG HOME QUARANTINE

KINONTRA ng Department of Health (DOH) ang binabalak ng pamahalaan na huwag nang payagan ang home quarantine sa mga mild at asymptomatic na kaso ng COVID-19. Tugon ito ng DOH matapos sabihin ni Interior Sec. Eduardo Año na target na nilang ipa-ban ang pagpapagaling sa bahay ng coronavirus patients. “The DOH has always been consistent in saying facility-based quarantine/isolation is preferred. However, as we are ramping up establishments or conversion of more facilities to TTMFs, the option for HQ (home quarantine) needed to be considered,” ayon sa Health department. Binigyang…

Read More

ROQUE MULING MAGPAPA-SWAB TEST

NAKATAKDANG muling sumalang bukas, araw ng Huwebes sa PCR o swab test si Presidential spokesperson Harry Roque na kasalukuyang naka-self quarantine. Kasunod ito ng pagkapopositibo ng isa sa kanyang mga security detail na sumalang sa COVID test kamakailan lamang. Subalit, bago ang pagpapa swab test ni Sec. Roque bukas, una nang sinabi nito na magpapa-antigen siya kahapon. Ganunpaman, wala pang impormasyong inilalabas si Sec. Roque ukol sa naging resulta ng antigen test niya. “On the fifth day of contact po which is on Thursday, magpapa-PCR po tayo bagamat bukas mag-a-antigen…

Read More

Nabitag sa pain na P500 ng ‘buyer’ 9 TIKLO SA PEKENG RAPID TEST RESULTS

SIYAM katao, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo, ang binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa paggawa ng pekeng dokumento at rapid test results sa Sta. Cruz, Manila. Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Art.172 (Falsification by private individual and use of falsified document) at Art.174 (False medical certificate of PRC in Relation to RA 11332) ang mga suspek na kinilalang sina Rommel Gonzales, 38, negosyante at manager ng RBG motorcycle parts and accessories, sa #1200 Alfonso Mendoza St., Sampaloc, Manila, at ang mga kapatid nitong sina…

Read More