COVID CASES SA CALOOCAN PUMALO SA 6,113

NAKAPAGTALA ang Caloocan City ng dagdag na anim na kaso ng pagkamatay sa COVID-19 noong Lunes, Setyembre 7, habang pumalo na sa 6,113 ang positibong kaso sa nasabing sakit, ayon sa ulat ni Mayor Oscar Malapitan. Ayon sa alkalde, hanggang alas-6:00 ng gabi noong Lunes, umabot na sa 190 ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa pandemya mula sa 184 noong Setyembre 5. Sumipa naman sa 4,844 pasyente sa Caloocan ang nakarekober mula sa nasabing sakit. Sa lungsod ng Navotas, 42 ang nagpositibo at 35 ang gumaling noong…

Read More

QC COVID DEATHS UMAKYAT SA 446

MULING nadagdagan ng apat na bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City, ayon sa pinahuling ulat ng nasabing lokal na pamahalaan. Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin para sa Setyembre 7, nakapagtala ng apat na panibagong pagkamatay sa nasabing virus ang lungsod. Ang nasabing apat na mga bagong namatay ay nagdala ng kabuuang bilang ng casualties sa lungsod sa 446. Ayon pa sa report, hanggang Setyembre 7, ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay 13,331. May 351 kasong karagdagan…

Read More

LANAO DEL SUR, BACOLOD ISINAILALIM SA MECQ

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lalawigan ng Lanao del Sur at lungsod ng Bacolod sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula nitong Setyembre 8 hanggang 30. Ito’y nang makapagtala ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng pagtaas ng COVID-19 cases sa nasabing mga lugar. “It is hereby resolved, that the IATF approves the recommendation of the National Chief Implementer of the Philippines’ Declared National Policy Against COVID-19 to place Lanao del Sur and the City of Bacolod under Modified Enhanced Community Quarantine…

Read More

COVID DEATHS SA GENSAN: 6

GENERAL SANTOS CITY – Umabot na sa anim katao ang namatay sa COVID-19 sa lungsod na ito makaraang bawian ng buhay ang isang 68-anyos na lalaki  Ayon sa pahayag ni Dexter Forro, barangay administrator, nalagutan ng hininga noong Lunes ang nasabing pasyente dahil sa coronavirus disease. Batay sa ulat ni Dr. Ruth Camarillo, RHU chief, na-admid sa ospital ang nasabing pasyante noong Agosto 28. Kaugnay nito, tukoy na rin at kasalukuyang naka-quarantine ang 20 katao na direktang nakasalamuha ng namatay na pasyente gayundin ang secondary contacts nito. Kasalukuyang ipinatutupad ang…

Read More

COVID-19 CURVE SA PINAS NA-FLATTEN NA

IBINALITA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napatag na ng Pilipinas ang kurba ng coronavirus sa bansa. Malinaw aniya na ang ibig sabihin nito ay kaunti na lamang ang mga tao na kontaminado ng  COVID- 19. “Recent scientific studies have shown that COVID-19 curve in the Philippines has flattened. Walang mga — no significant contamination has been noted by government. This means that the government effort that we are guided by the best interest of public health and the crucial data provided by medical science paid off,” ayon kay Pangulong…

Read More

HIGIT 23K RECOVERIES SA COVID-19 NAITALA NG DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health ng panibagong 23,074 recoveries kahapon kaya umakyat sa 184,687 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa. Kaugnay nito, mayroon ding 2,839 panibagong kaso ng sakit sa Pilipinas, kaya umabot na sa 237,365 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan nito. Sa nasabing bilang, 48,803 ang aktibong kaso, kung saan 88.6% dito ay mild, 8.0% ang asymptomatic, 1.4% ang severe at 2.0% ang nasa kritikal na kondisyon. Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa mga may pinakamaraming nahawa at sa 2,839 panibagong kaso…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA VIRUS SHUT OUT

BINALAAN ng EcoWaste Foundation ang mga mamimili sa Quiapo at Divisoria na huwag bumili ng produktong “virus shut out” dahil hindi siguradong mabisa ito laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang virus shut out ay naglalaman ng “small sterilization packet with string and is worn around the neck like a badge or ID. The packet may contain chlorine dioxide, a bacterial disinfectant that should not be used near the face.” Ani Dizon, pinapayuhan ng EcoWaste ang publiko na maging maingat sa…

Read More

25 residente nagpositibo sa COVID-19 GUSALI SA NAVOTAS, 2 WEEKS LOCKDOWN

ISINAILALIM sa lockdown ang Building 4 ng NavotaAs Homes-2 sa Brgy. Tanza 2 mula nitong Linggo alas-5:01 ng umaga, Setyembre 6 hanggang Setyembre, alas-59 ng gabi. Ito ay ayon sa Executive Order No. TMT-046, series of 2020 na inilabas ni Mayor Toby Tiangco matapos na 25 residente ng nasabing gusali ang magpositibo sa COVID-19 nitong Agosto, nabatid sa ulat ng City Health Office. “Lahat ng mga residente ng Building 4 ay dapat manatili sa bahay. Lahat din ay kailangan sumailalim sa swab test. Sinumang magpositibo ay dadalhin agad sa Community…

Read More

10 nadagdag sa casualties COVID POSITIVE SA CALOOCAN, PUMALO SA 5,971

PUMALO na sa 5,971 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Caloocan hanggang nitong Sabado, Setyembre 5 at nadagdagan ng 10 ang bilang ng mga namatay sa nakalipas na apat na araw, ayon kay Mayor Oscar Malapitan. Sinabi ng alkalde, hanggang alas-6:00 ng gabi noong Sabado ay umabot na sa 184 ang mga namatay dahil sa pandemya sa siyudad, mula sa 174 noong Setyembre 1, habang 4,378 na ang gumagaling. Kaugnay nito, dinakila ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team ng National Task Force Against (NTF) COVID-19 at ng…

Read More