Sa pagdagsa ng mga pasyente OSPITAL, PASILIDAD SA MAYNILA MAPUPUNO NA

NANGANGAMBA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa paglobo ng mga COVID-19 patient dahil malapit na umanong mapuno ang mga city hospital at ang 12 quarantine facilities sa lungsod. Kasabay nito, nanawagan ang alkalde sa mga Manilenyo na seryosohin ang ‘three Ws’ na ang ibig sabihin ay “wear your face masks, wash your hands and watch your distance”. Kinakailangan umano na sanayin na ng mga taga-lungsod o ilagay sa mind set ang ‘three Ws’ upang makaiwas sa COVID-19. Ayon pa kay  Moreno, may 6 ospital sa Maynila at 12…

Read More

Duda ng doktor sa punuang emergency rooms 4,000 NAMATAY SA COVID-19 ‘DI NA-REPORT

ITO ang naging pahayag ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng National Task Force on COVID-19. Sa isang panayam kay Dr Leachon, posible umanong may 4,000 katao ang nasawi sa coronavirus disease sa Pilipinas subalit hindi sila nakasama sa opisyal na tally ng gobyerno dahil marami sa mga malubhang pasyente ay namatay nang hindi sumasailalim sa COVID-19 test. “Ang tingin ko niyan, underreported ang deaths natin siguro ng mga 4,000. Kasi ang dami po sa emergency room, maging sa hospital namin at sa Philippine General Hospital at many other…

Read More

2M TARGET COVID TESTS SA AGOSTO

KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan. Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami nang test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na. “As of July 26”, sinabi ni Dizon na nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID-19 test. Puntirya ng gobyerno na makapagsagawa ng 10 milyong test hanggang 2021 sa harap ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma-trace…

Read More

Sa mga nasa ilalim ng GCQ areas GYMS, COMPUTER SHOPS, DRIVE-IN CINEMAS PWEDE NANG MAGBUKAS SA SABADO

SIMULA sa Agosto 1, araw ng Sabado ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 30% operation ng testing & health-related review centers, gyms, computer shops, aesthetic establishments, drive-in cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Ito’y matapos i-recategorized ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang klasipikasyon ng Category IV industries sa Category III industries na payagan ang limitadong operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng GCC. Kabilang na rito ang testing at tutorial centers, review centers,…

Read More

Babala ng solon sa kawalan ng overall plan vs COVID-19 HEALTH CARE SYSTEM, BABAGSAK

NABABAHALA na si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kalagayan ng health care system ng bansa matapos iulat ng Department of Health (DOH) na nasa “danger zone” na ang mga pagamutan sa Metro Manila dahil okupado na ang mahigit 82% ng COVID-19 bed capacity sanhi ng pagdagsa ng pasyenteng nahawahan ng virus. Sa pahayag, sinabi ni Drilon na lubha nang nakaaalarma ang sitwasyon ng health care system sa bansa dahil dumadami ang nagkakasakit sa virus sanhi ng kawalan ng kumprehensibo at pangkalahatang plano upang labanan ang sakit. “It’s a cause…

Read More

ROQUE: METRO MANILA MALABONG MAG-MECQ SA AGOSTO 1

TIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi bababa sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang susunod na quarantine mode sa Metro Manila na posibleng ihayag sa Agosto 1. Ayon kay Sec. Roque, wala namang paglala sa case doubling rate. Aniya, may gagawing pagpupulong ang mga taga-IATF at pag-uusapan ang quarantine protocol na ipatutupad simula sa nasabing petsa. Sinabi ni Sec. Roque na mayroon nang rekomendasyon ang Department of Health tungkol dito pero ito’y pag-uusapan pa sa gagawing meeting mamaya. Dapat aniya sana ay nasa mas mahigpit pang quarantine protocol…

Read More

84% ng Pinoy, stressed sa COVID MENTAL HEALTH CRISIS SA PH DAPAT TUGUNAN

NANINIWALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mayroon nang krisis sa pag-iisip ng mga Filipino dulot ng COVID-19 pandemic na patuloy na nambibiktima ng mga tao. Ginawa ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang pahayag kasunod ng resulta ng Social Weather Station (SWS) na 84% sa mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa pandemya sa COVID-19. “Eighty four percent of Pinoys stressed by COVID19 health crisis…that in itself is a mental health crisis,” pahayag ni Biazon kaya dapat umanong bigyan din ng atensyon ng mga kinauukulan ang…

Read More

SOLON, 13 IBA PA POSITIBO SA COVID-19

ISANG kongresista at 13 iba pa na kasama sana sa loob ng session hall kung saan nag-deliver ng kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte, ang mistulang “nahuli” na nagtataglay ang mga ito ng COVID-19. Sa mahigit 100 na isinailalim sa Polymerase chain reaction (PCR) o swab test noong Linggo, 14 ang nagpositibo sa COVID-19 na kinabibilangan ni Deputy Speaker Johnny Pimentel ng Surigao del Sur. “I’m ok asymptomatic for the moment and I’m in isolation now.  I learned at 11:30 pm last night I…

Read More

Korapsyon tuloy sa gitna ng pandemya -solon ‘KRIMINAL’ SA PHILHEALTH KAKALUSIN

“KRIMINAL na gawain na ‘yan.” Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang katiwalian umano sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahit nasa gitna ng health crisis ang bansa. Sa virtual press conference ng minority bloc sa Kamara kahapon, sinabi ni Zarate na hindi katanggap-tanggap na patuloy pa rin ang katiwalian sa PhilHealth gayung mas kailangan ngayon ng mamamayan ang pondo dahil sa COVID-19. Ani Zarate, dapat nang seryosohin ang pagbuwag sa sindikato sa nasabing ahensya. Ayon pa sa mambabatas, wala nang kahihiyan ang mga taong nagnanakaw ng…

Read More