4 new deaths naitala COVID CASES SA QC HALOS 13,000 NA

MULING nakapagtala ng apat na bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City, ayon sa sa pinakahuling report ng nasabing lokal na pamahalaan. Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin hanggang nitong Setyembre 5, may apat na bagong namatay sa coronavirus disease sa lungsod. Ito ay nagresulta sa kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19 ng siyudad sa bilang na 442. Nabatid sa ulat, hanggang nitong Setyembre 5, ang ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay umabot na sa 12,980. May karagdagang 285 cases na naisama…

Read More

YOUTH COUNCIL PINATUTULONG SA PAGSUGPO SA COVID-19

HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga youth leader sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng Cabinet Officer for Regional Development and Security for Region 10 (Cords-10), ang magiging papel ng Sangguniang Kabataan (SK) o youth council sa bawat barangay na tulungang turuan ang kanilang komunidad hinggil sa pandemiya na tiyakin na sumusunod sa health protocols para maiwasan na kumalat…

Read More

LIBRENG PSYCHOLOGICAL SUPPORT SA BIKTIMA NG COVID-19 ISINULONG NG SOLON

ISINUSULONG ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na mabigyan ng libreng mental health care at psychological support services ang lahat ng biktima ng corona virus 2019 (COVID-19) upang mapangalagaan ang kaisipan ng lahat. Sa pahayag, sinabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health na dapat magkaisa ang   Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE)  at iba pang concerned national government agencies upang mapalawak ang libreng mental health care at psychological   support services sa panahon ng pandemic. “Mayroon o walang  pandemya, mahalagang tutukan ang mental health kaya…

Read More

1 PANG KONGRESISTA NAGPOSITIBO SA COVID-19

ISA pang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 at naidagdag sa mahigit 200,000 COVID cases sa bansa. Sa kanyang statement noong Miyerkoles ng gabi, inamin ni Northern Samar Rep. Paul Daza na nagpositibo siya sa nasabing virus noong Agosto 25 kaya nasa hindi pinangalanang ospital siya ngayon. “Sadly, I share the news that I was diagnosed as COVID-19 positive yesterday, August 25. I am now hospitalized and look forward to being discharges upon clearance by my doctors,” ani Daza. Ayon sa mambabatas, bago…

Read More

100 LRT WORKERS, TATAMBAY

MADARAGDAGAN na naman ang bilang ng mga jobless sa bansa dahil sa nakatakdang pagsibak ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mahigit 100 nilang empleyado bunga ng pagkalugi na hatid ng COVID-19. Ayon sa LRMC, kinonsulta nila sa nasabing desisyon ang LRMC Employees Union at mahigpit itong pinag-aralan ng kanilang Senior Management Committee. Tiniyak din ng tanggapan na susundin nila ang mga panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) partikular ang pagbibigay ng kaukukang kompensasyon sa mga maaapektuhang empleyado tulad ng mga benepisyo sa ilalim ng Collective Bargaining Agreement…

Read More

P18-B PER DAY NAWAWALA SA MECQ SA NCR – MALAKANYANG

HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila na wala pa namang pasya kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dito pa lamang sa Metro Manila kasi ay nasa P18 bilyong piso na ang nawawala sa kada araw dahil sa MECQ. Bagama’t mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagsabing ang pinakamabisang paraan para mapababa ang numero…

Read More

Nadagdagan ng 4 deaths COVID CASES SA QC, PUMALO SA 7,647

NAKAPAGTALA ng apat na panibagong namatay ang Quezon City sa COVID-19, ayon sa media bulletin ng lungsod noong Agusto 8. Dahil dito, ang siyudad ay mayroon nang 317 kabuuang bilang ng mga namatay sa coronavirus diseases. Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang noong Agosto 8, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Quezon City ay umabot na sa 7,647. Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kasong may complete addresses sa siyudad ay nasa 7,572. Nakapagtala naman ng kabuuang ng validated cases ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health…

Read More

SENADO 2-LINGGONG LOCKDOWN

ISASAILALIM sa enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown ang buong Senado bilang tugon sa kahilingan ng healthcare workers na mag-time out muna sa Metro Manila at ilang bayan dahil lubha na silang nahihirapan sa pagdami ng kaso ng corona virus 2019 (COVID-19). Inihayag ito ni Senate President Vicente Sotto III alinsunod sa rekomendasyon ni Senador Panfilo Lacson at pagsang-ayon ng maraming senador kabilang ang minority bloc sa pamumuno ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. Sinabi ni Sotto na tinawagan siya ni Lacson nitong Linggo hinggil sa kautusan ng Supreme Court…

Read More

ESSENTIAL WORKERS BIBIGYAN NG HAZARD PAY

INIHAYAG ni Senador Joel Villanueva na naghain siya ng isang panukalang batas upang bigyan ng hazard pay ang lahat ng essential workers sa pribado at pampubliko sa harap ng panganib na kanilang kinakaharap sa panahon ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) kung saan mataas ang transmission rate ng virus. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na makikita ang kalagayan ng sanitation workers tulad ng street sweepers at garbage collector na “most vulnerable” pero may maliliit na sahod at kakaunti o bahagya nang mabigyan ng proteksyon ngunit patuloy sa kanilang pagtatrabaho.…

Read More