HILONG-TALILONG hanggang ngayon ang mayorya ng mga residente ng lungsod ng Taguig hinggil sa eksaktong pangalan at lugar ng construction project sa Bonifacio Global City (BGC) na ipinatigil ni Mayor Lino Edgardo Cayetano dahil 394 sa construction workers nito ay nagkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Hulyo 28 na ngayon, ngunit ‘itinatago’ pa rin ng tanggapan ni Cayetano, o ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), ang eksaktong pangalan at lugar ng itinatayong gusali at pangalan ng kumpanyang kontraktor ng proyekto sa BGC sa Barangay Fort Bonifacio kung saan…
Read MoreCategory: COVID-19
ZUBIRI NAGPOSITIBO MULI SA COVID-19
MULING nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos na dumaan sa pagsusuri bago dumating sa mababang kapulungan ng Kongreso para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dismayado si Zubiri nang lumabas sa swab test na nagpositibo siya sa COVID-19 kung kaya’t nagdesisyon itong huwag nang tumuloy sa pagdalo sa SONA. Magugunitang si Zubiri ay una nang gumaling sa COVID-19 ilang buwan na ang nakalilipas matapos tamaan ng naturang virus. Samantala, maging si Senador Sherwin Gatchalian ay hindi rin nakadalo sa Batasang…
Read More7 STAFF NG DOH-CALABARZON NAGPOSITIBO SA COVID-19
PANSAMANTALANG sarado ng isang linggo ang tanggapan ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon) makaraang magpositibo sa COVID-19 ang pitong staff nito sa isinagawang swab test sa lahat ng kanilang mga empleyado. Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, sarado ang kanilang tanggapan mula Hulyo 27 hanggang Hulyo 31. “We have decided to temporarily close the office to give time for an office-wide cleaning and conduct disinfection activity in all its premises,” ayon kay Janairo. “Close contacts of those who have been found to be positive of the virus will…
Read MorePCOO MAY 8 ACTIVE COVID-19 CASES, 1 NAMATAY
MAYROON nang 8 aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ito ang kinumpirma ni PCOO Assistant Sec. JV Arcena. Dahil dito, sumailalim sa swab test si PCOO Sec. Martin Andanar kung saan ay negatibo ang resulta na nakuha nito. Sinabi ni Sec. Andanar na bukod sa 8 active cases, ay mayroong isang staff member ang namatay noong Abril dahil sa virus. “Hindi talaga pwede magkumpiyansa,” pahayag ni Sec. Andanar. Nauna rito, ang tanggapan ng Radio Television Malacañang (RTVM) sa Palace compound ay isinailalim sa…
Read More11-ANYOS, 2 PA NAGPOSITIBO SA COVID SA DAVAO DEL SUR
DIGOS City – Inanunsyo ng mga opisyal ng pangkalusugan nitong lungsod na dalawang babaeng frontliners ang nadagdag sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Huwebes, Hulyo 23. Ayon kay Dr. Ronald Jumilla, City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) chief ng City Health Office (CHO), ang dalawang pasyente ay may gulang na 31 at 32, kapwa frontliner sa laban sa COVID-19. Isa sa kanila ay medical technologist na nakadestino sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH) testing center (swabbing unit) at naka-rotation basis. Ani ni Jumilla, ang pangalawang pasyente ay isang…
Read MorePILA SA FREE COVID TEST SA MAYNILA MAGDAMAGAN
MAGDAMAGAN ang pila ang mga motorista na nais sumailalim sa libreng pagsusuri sa COVID-19 sa Drive-Thru testing center sa Independence Road, Quirino Grandstand sa Ermita Manila. Napag-alaman mula kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, umabot na sa 5,000 katao ang na-test nang libre ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa Drive-Thru at Walk-in testing centers, isang linggo na ang operasyon hanggang nitong Biyernes. Sa nabanggit na bilang, 667 ang nagpositibo sa coronavirus gamit ang serology testing machine at tiniyak na protektado ang pagkakakilanlan ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.…
Read MoreCOVID DEATH TOLL SA QC, UMAKYAT SA 278
MULING nakapagtala ng panibagong tatlong pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City. Bunsod nito, umakyat na sa 278 ang bilang ng mga namatay sa lungsod hanggang noong Hulyo 23, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) Base pa sa report ng DOH, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad ay umabot na sa 5, 590. Nasa 5, 490 naman ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices sa nasabing Lungsod. Ang active COVID-19 cases ng siyudad ay 2,198, habang…
Read MoreBRGY SA PASIG NAGTALA NG 110 COVID CASES
NAKAPAGTALA ng 110 kumpirmadong COVID-19 cases ang Brgy. Rosario sa Pasig City, ayon sa pinakahuling ulat. Ayon kay Chairman Ely Dela Cruz ng Brgy. Rosario, sa naitalang 110 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 54 nito ang aktibo, at 56 naman ang gumaling na. Sinabi pa ni Chairman Dela Cruz, nakapagtala pa lamang sila ng tatlong kaso ng pakamatay sa coronavirus sa kanilang lugar. Aniya, bagama’t tumaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar ay hiwa-hiwalay naman ang mga ito at hindi kumpul-kumpol sa iisang pamilya lang. Dahil dito, malabo pa aniyang…
Read More1 PANG STAFF NG KAMARA NAMATAY SA COVID-19
ANIM na araw bago ang pagbubukas ng second regular session ng Kongreso, nagtala ang Mababang Kapulungan ng bagong cascualty sa COVID-19. Sa statement na inilabas ng tanggapan ni House Secretary General Jose Luis Montales, kinumpirma nito ang pagkamatay ng empleyado na nakatalaga sa Bills & Index Service ng Kamara, dahil sa COVID-19. “We are deeply saddened to know that he passed away early this morning. He had been working from home since June 18, but he went to their office last June 29 to submit some documents,” ayon kay Montales.…
Read More