EKONOMIYA, BABAGSAK PA SA PATULOY NA PAGTAAS NG COVID-19 CASES

NAGBABALA si Senador Joel Villanueva na ang hindi pa rin makontrol na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases ay magiging ‘disaster’ sa ekonomiya at maging sa mga manggagawa. Pinuna rin ni Villanueva ang kawalan ng bansa ng epidemiological surveillance upang i-monitor ang pagkalat ng COVID-19 para sa mas malinaw na mga hakbangin sa paglaban sa sakit. Naalarma ang senador sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases kasabay ng paalala na ang mga negosyante ay nakadepende sa tiwala sa health sector management. Ipinaliwanag ni Villanueva na hindi magbubukas ang…

Read More

Walang aktibong disease surveillance DOH KINASTIGO SA PAGLOBO NG COVID-19

MISTULANG kinastigo ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) sa kawalan ng epidemiological surveillance upang ma-monitor ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19) sa real time na isang malinaw na indikasyon kung bakit pumalpak ang ating pandemic response. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor and human resources na lubha nang nakaaalarma ang pagtaas ng bilang ng biktima ng COVID-19 sa bansa na kapag patuloy tumaas, magiging delubyo sa gobyerno upang maibangon ang ekonomiya. “Business confidence is tied with trust in the health sector…

Read More

DOH nagkasa ng emergency hiring HEALTH WORKERS SA CEBU, ‘SUKO’ NA

NAGSASAGAWA ngayon ang Department of Health (DoH) ng emergency hiring para sa mga health worker. Nakarating kasi sa Malakanyang na ang mga health worker sa Cebu ay burnout na at pagod na sa trabaho dahil sa pagdami ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, first priority na ngayon ang Cebu kapag dumating ang mga biniling personal protective equipment (PPE), ventilators at iba pa. “Sa kakulangan po sa parehong pribado at pampublikong hospital, nagha-hire na po ang DOH. They have resorted to emergency hiring para…

Read More

DOH NAKATUTOK SA 6 LUGAR SA NCR, CEBU

MAHIGPIT na monitoring ang isinasagawa ng Department of Health (DOH) sa anim na mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 nitong nakaraang linggo. Ang mga lugar ay kinabibilangan ng Cebu City, Cebu province, mga lungsod ng Mandaue at Lapu-lapu sa Cebu, Quezon City at Maynila. Sa ulat mula kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, nananatili pa rin sa 7.7 kada araw ang case doubling rate at 60% lamang sa critical care facilities ng bansa ang nagagamit. KASO SA MUNTINLUPA, 505 INIULAT ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa…

Read More

PLASMA BANKS SAGOT SA COVID-19

HABANG wala pang natutuklasang gamot laban sa COVID-19 ay dapat magtayo ng plasma banks sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa buong bansa. Ito ang panawagan ni Senador Imee Marcos kung saan ang pagbuo aniya ng plasma banks sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa bansa ay malaking tulong habang naghihintay ng epektibong bakuna laban sa naturang virus. Aniya, ayon sa mga medical research na ang yellowish liquid na bahagi ng dugo ng tao na tinatawag na plasma, na nakukuha sa mga pasyenteng gumaling sa coronavirus pandemics tulad…

Read More

Kapag dumagsa ang COVID-19 patients sa mga ospital METRO MANILA BABALIK SA ECQ

MAAARING bumalik sa “stricter” community quarantine ang Metro Manila kapag ang mga ospital sa capital region ay nakapagtala nang mas mataas na kaso ng COVID-19. “We go back to stricter quarantine or provide more facilities,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Ang National Capital Region (NCR) ay kasalukuyang nasa general community quarantine simula Hunyo, kung saan isinama ang pagpapaluwag sa restriksyon sa public transport at businesses upang makasulong ang ekonomiya ng bansa. Nauna rito, ang Metro Manila ay isinailalim sa enhanced community quarantine—ang most restrictive form ng lockdown ng mahigit…

Read More

COVID SAMARITAN PROGRAM, INILUNSAD PARA SA WALANG PAMBAYAD SA TESTING

PINANGUNAHAN ni Senador Richard Gordon ang paglulunsad ng Philippine Red Cross ng COVID Samaritan Program na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga walang pambayad sa kanilang test. Sinabi ni Gordon na dapat palawigin ang COVID testing upang matiyak na magtatagumpay ang kampanya ng bansa kasabay ng pagdiin na makatutulong dito ang programa dahil ang pondong makakalap ay gagamitin sa testing fees. “Kailangan ma-test ang mga tao para manalo tayo laban sa COVID. This way, carriers can be separated from those who are not infected and they can be cured.…

Read More

COVID SAMARITAN PROGRAM, INILUNSAD PARA SA WALANG PAMBAYAD SA TESTING

PINANGUNAHAN ni Senador Richard Gordon ang paglulunsad ng Philippine Red Cross ng COVID Samaritan Program na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga walang pambayad sa kanilang test. Sinabi ni Gordon na dapat palawigin ang COVID testing upang matiyak na magtatagumpay ang kampanya ng bansa kasabay ng pagdiin na makatutulong dito ang programa dahil ang pondong makakalap ay gagamitin sa testing fees. “Kailangan ma-test ang mga tao para manalo tayo laban sa COVID. This way, carriers can be separated from those who are not infected and they can be cured.…

Read More

Nadagdagan muli ng 2 COVID DEATH TOLL SA QC: 237

NAKAPAGTALA ng dalawang bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City. Ayon sa report ng Department of Health (DOH) hanggang nitong Hulyo 3, ang lungsod ay nagkaroon ng dalawang bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 na nagdala ng kabuuang bilang ng mga namatay sa 237. Base pa sa report ng DOH hanggang nitong Hulyo 3, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 3,622. Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kasong may kumpletong addresses sa nasabing siyudad ay kasalukuyan nasa 3,545. Ang kabuuang…

Read More