COVID-19 SA NCR HINDI BUMAGAL

IPINALIWANAG ng Malakanyang na nagsisilbing barometro ng pamahalaan sa pagdedeklara ng quarantine status ng isang lugar ang case doubling rate at ang critical care capacity nito. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa kaso ng Metro Manila ay maganda ang ipinakikita nito pagdating sa critical care capacity dahil nasa 35% pa lamang aniya ang utilization average nito. Nagkaroon lamang aniya ng problema ang National Capital Region sa case doubling rate nito dahil nananatili ito sa 7 days. Aniya, sa nakalipas na dalawang linggo ay nagkaroon ng improvement ang doubling rate…

Read More

Marami ang under reported – Sec. Galvez 50% RECOVERIES NG PINAS SA COVID-19

NANINIWALA si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na naglalaro sa 40 hanggang 50 porsiyento ang nakakarekober sa mga tinamaan ng corona virus sa bansa. Ani Galvez, idinedeklara lang naman kasi sa listahan ng mga recovered ang mga na-admit o na-confine. Aniya, sa ngayon ay may nakikita silang under reported recoveries kabilang ang mga kinapitan ng virus na hindi naman namalagi sa ospital. “So iyon po ang nakikita po namin na napakaganda po ng mga indicators. Sinasabi ko nga po, una, bumaba po, almost single digit…

Read More

QC COVID DEATH TOLL, UMAKYAT SA 233

NAKAPAGTALA ng apat na bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City. Sa report ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 30, may apat na bagong namatay sa siyudad na nagdala ng kabuuang bilang sa 233. Ang kumpirmadong kaso hanggang sa nabanggit na petsa ay naitala sa bilang na 3,362, ayon sa ulat ng DOH. Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso na may complete addresses sa Quezon City ay nasa 3,284. Nakapagtala naman ng kabuuang bilang ng validated cases ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices, sa 3,…

Read More

May namamatay kada 48-hours CEBU CITY EPICENTER NA NG COVID-19

MAY nakikitang pangangailangan sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbangin sa Cebu city dahil ito ngayon ang itinuturing na focal point o epicenter ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni National Task Force on COVID Chief implementer Carlito Galvez na mataas ang severe at critical cases duon na kung saan ay within 48 hours ay may namamatay na severe cases na aniya’y maituturing na alarming. Sa ngayon ay 19 na barangay ani Galvez ang kanilang binabantayan at ginagamitan pa aniya nila ito ng drone at helicopter. Sa kabilang banda, cooperative naman…

Read More

41 KASO NG COVID-19 SA ISANG ARAW, NAITALA SA REGION 4A

NAKAPAGTALA ang Department of Health Region 4-A ng 41 kaso ng COVID-19 kahapon, araw ng Linggo. Sa probinsya ng Cavite, mayroon na lang 314 active cases, Laguna, 286 active cases, Batangas, 80 active cases, Rizal 262 at Quezon, 22 active cases. Ayon sa DOH CHD4-A, pumalo na sa 2,399 ang kumpirmadong nagkaroon ng virus. Mayroon namang 27 pasyente ang bagong nakarekober sa buong rehiyon at may pangkalahatang bilang na 1,241 habang 194 naman ang mga namatay sa pandemya. Samantala, pormal nang binuksan ang kauna-unahang GENEXPERT Laboratory sa buong rehiyon na…

Read More

METRO MANILA, DAPAT MANATILI SA GCQ

BAGAMA’T kailangan pang balansehin ang ekonomiya at kaligtasan, naniniwala si Senate Majority Leader Migz Zubiri na mas makabubuting manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19. Sinabi ni Zubiri na mahirap na desisyon ang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung dapat nang ilift ang quarantine dahil kailangan maging balanse ang pangangailangan ng bansa para sa mga negosyo at pagtiyak na magiging ligtas ang mamamayan. Nakakatakot anya na matapos buksan ang ilang negosyo tulad ng mall at…

Read More

COVID-19 CASES SA PINAS, LAGPAS 30K NA

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas at umabot na sa 33, 069 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan nito. Dumagdag sa bilang ang 778 cases kung saan 415 ang fresh habang 363 naman ang late cases. Walo naman ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi na sa sakit at umabot na sa 1,212 ang kabuuang bilang ng mga ito. 255 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober na sa naturang sakit at ngayon ay 8,910 ang kabuuang bilang nito. (D. ANIN) 413

Read More

KASO NG COVID-19 SA MUNDO, HALOS 10M NA

UMAKYAT na sa 9,353,735 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Ang 3,774,308 o 98% mula sa nasabing bilang ay nasa mild condition at 57,911 (2%) naman ang nasa serious o critical condition. Nananatili ang Estados Unidos na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bilang na 2,424,168, habang 123,473 ang binawian ng buhay. Sumampa naman sa 479,805 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa deadly virus. Habang umaabot na sa 5,041,711 ang mga nakarekober sa nasabing sakit. 293

Read More

PASIG, QC, MAYNILA, TOP 3 SA PAGTUGON SA COVID-19

NAKAKUHA ng mataas na approval ratings ang Pasig, Quezon City, Manila, Marikina at Valenzuela sa NCR MAYOR COVID-19 Performance Survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc). Ang mga nasabing lokalidad ang nanguna sa mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) pagdating sa kanilang job performance sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Batay sa survey, 86% ng Pasig residents ang pabor sa pamamaraan ng kanilang alkalde at City Government sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Ang ikalawa sa limang may pinakamataas na job approval…

Read More