COVID-19 FUNDS NG DOH HIHIMAYIN NG OMB

doh

SISIMULAN na rin ng Office of the Ombudsman na imbestigahan kung paano ginastos ng Department of Health ang pondong laan sa paglaban sa COVID-19. Isusumite ng Department of Budget and Management ang mga dokumento sa Ombudsman bilang tugon sa kahilingan nito para sa nagpapatuloy na pagbusisi sa pagtugon sa COVID-19 ng pamahalaan. Tiniyak ni Budget Secretary Wendel Avisado kay Ombudsman Samuel Martires ang kooperasyon ng departamento sa imbestigasyon. Nauna nang sinabi ni Martires na nagpadala na ang kanyang tanggapan ng subpoena kay Avisado at Health Secretary Francisco Duque III para…

Read More

Hindi pa man naaawat sa Cebu COVID-19 CASES SA LEYTE, TUMAAS DIN

SUSUNOD na tututukan ng pamahalaan ang sitwasyon sa lalawigan ng Leyte kasunod ng ulat na tumataas din ang bilang ng kaso ng COVID-19 doon. Ayon sa ulat, tututukan din ng National Task Force Against COVID-19 ang sitwasyon ng COVID-19 cases sa Leyte. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, siya at si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez ay magtutungo sa Tacloban City upang pag-aralan ang sitwasyon doon. Bigla umanong tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Leyte matapos umuwi ang mga LSI at OFWs. Nauna nang inatasan…

Read More

RECORD HIGH COVID-19 CASES, NAITALA NG DOH

MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH). Nitong Martes, umabot sa 1,150 ang mga bagong kaso ng sakit kaya umakyat na sa 31,825 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Sa 1,150 bilang, 789 ang “fresh cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw. Ang 361 naman ay “late cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw, pero ngayon lang na-validate. Ang 1,150 bagong…

Read More

41 COVID-PATIENTS SA LAS PIÑAS, GUMALING NA

NAITALA ngayong araw, June 23, 2020, ang apatnapu’t isang (41) pasyente na gumaling sa coronavirus disease 2019, ang pinakamalaking bilang ng recovery cases sa lungsod ng Las Piñas. Ibinahagi ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang panibagong pagkakatala ng mga pasyenteng gumaling sa sakit kung saan umabot na aniya sa kabuuang 275 recoveries sa buong siyudad. “Tuluy-tuloy ang ating lokal na pamahalaan sa kanyang mga hakbang na tugunan ang [mga] COVID cases at mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod,” sabi ni Mayor Mel Aguilar. Ayon pa sa alkalde, ang mga…

Read More

Tinatamaan ng COVID-19 patuloy sa pagdami HEALTH WORKERS SA CEBU, DINAGDAGAN

TINUTUTUKAN ngayon ng National Task Force against coronavirus ang lungsod ng Cebu na itinuturing nang coronavirus epicenter bunsod ng mabilis na paglobo ng bilang ng COVID-19 cases. Ito ang isa sa mga dahilan ni National Action Plan (NAP) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr., para magpadala pa ng dagdag na medical personnel sa Cebu City. Ayon kay Galvez, layunin nito na matulungan ang mga medical frontliner na matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu City na kinailangang ibalik sa enhanced community quarantine. Bukod dito ay nagdagdag…

Read More

Defensor nanawagan ng tulong CEBU CITY, QC NAGHAHABULAN SA DAMI NG COVID-19 CASES

MISTULANG naghahabulan na sa dami ng kaso ng COVID-19 ang siyudad ng Cebu at Quezon City na ikinaalarma ng isang mambabatas. “Sobra.” Ganito inilarawan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kung gaano kalala ang sitwasyon ng COVID-19 case sa Cebu dahil umaapaw umano ang isang pagamutan dito sa mga pasyente. Sa panayam kay Defensor, sinabi nito na tinutukan nila ang Cebu upang malaman kung paaano makatulong na makontrol ang kaso dahil hindi umano biro ang pag-apaw ng mga pasyente sa Chong Hua Hospital, Cebu City. Base sa mga larawan na…

Read More

RAPID TESTING NG PRC PALALAKASIN PA

INIHAYAG ni Senador Richard Gordon na palalakasin pa ng Philippine Red Cross ang rapid testing sa corona virus 2019 (COVID-19) sa lahat upang madali nang makabalik sa trabaho ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sanhi ng lockdown. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na kapag napataas at napabilis ang pagsasagawa ng rapid testing sa mamamayan, malaki ang posibilidad na mas mabilis makabalik sa trabaho ang manggagawa. Sa ngayon, umabot sa 17.7 porsiyento ang unemployment rate sa bansa sanhi ng COVID-19 pandemic – pinakamataas sa lahat ng panahon na nilampasan ang 10.3%…

Read More

102 PINOY SA SINGAPORE, GUMALING SA COVID-19

NAKAREKOBER na mula sa COVID-19 ang tinatayang 102 Filipino sa Singapore. Sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap, na 102 mula sa 150 Filipino sa nasabing bansa ang gumaling at nakalabas na ng ospital. Tanging 48 na lamang aniya na mga kababayan natin ang nananatili at patuloy na nagpapagaling sa mga pagamutan o isolation areas sa naturang bansa. Aniya pa, simula noong June 2 ay inalis na ng pamahalaan ng Singapore ang istriktong lockdown implementation at ngayong araw, ipinatupad na aniya ang mas relax o mas maluwag…

Read More

Ipasasagot ng NTF sa PhilHealth MEDIAMEN LIBRE SA COVID-19 TESTING

PLANO ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon na magkaroon ng libreng coronavirus testing sa hanay ng ng media. Ayon kay Sec. Dizon, kanyang isusulong ang regular na COVID-19 testing sa mga miyembro ng media na nakaliligtaang sektor at maituturing ding frontliners. Sa plano ni Sec. Dizon, kada dalawang linggo ang test sa mga mamamahayag at libre ito sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng PhilHealth. Kasama ni Dizon si Philippine Red Cross Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Sen. Richard Gordon nang…

Read More