COVID-19 DEATH SA QC, 194

UMAKYAT na sa kabuuang 194 ang bilang ng mga nasasawi sa coronavirus disease 2019 sa lungsod ng Quezon matapos itong madagdagan ng dalawa noong isang linggo. Samantalang ang mga nakarekober sa sakit ay mayroon nang 1,134. Batay sa impormasyon ng QC Health Office, nadagdagan ng 51 ang bilang ng nakarekober sa lungsod sa nagdaang linggo. Nadagdagan naman ng 82 ang mga nagpositibo sa virus kaya mayroon nang 2,376 COVID-19 positive cases sa lungsod. Sa mga positibong kaso, 2,273 ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 2,198 ang bilang…

Read More

Higit 21K na KASO NG COVID-19 SA PINAS, NADAGDAGAN PA

PATULOY sa pagdagdag ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019. Sa huling ulat ng Department of Health, umaabot na sa 21,340 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ito ay matapos makapagtala ang ahensya ng 714 na panibagong kaso. 111 naman ang panibagong nadagdag sa bilang ng recoveries na umaabot na sa kabuuang 4,441. Habang ang mga nasawi ay nadagdagan pa ng pito kaya umakyat na sa bilang na 994 ang kabuuan nito. Samantala, walong Filipino ang nadagdag sa panibagong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.…

Read More

30 KAWANI NG BRGY. SOUTH TRIANGLE, QC, POSITIBO SA COVID-19

PANASAMANTALANG sinuspinde ng Barangay South Triangle sa Quezon City ang kanilang operasyon kasunod ng resulta ng isinagawa nilang rapid test na 30 sa kanilang mga empleyado ay positibo sa COVID-19. Ayon sa post sa Facebook page ng barangay, tatlong araw na isususpinde ang kanilang operasyon para sa isasagawang disinfection sa kanilang tanggapan. Kasalukuyang naka-quarantine ang mga empleyado ng barangay habang nakatakda rin silang isailalim sa polymerase chain reaction test. Sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 2,294 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod. (KIKO CUETO)…

Read More

20 PASYENTE SA DAVAO GUMALING SA COVID

DAVAO CITY – Inanunsyo ng Davao Oriental Task Force on COVID-19, ayon sa report ng Department of Health (DOH)-Davao Region at Southern Philippine Medical Center (SPMC), na nakarekober na ang 12 positibo sa nasabing sakit. Ikinatuwa ng mga residente sa bayan ng Banay-Banay at San Isidro na negatibo na sa “repeat swab test” noong Mayo 30 ang 12 na nagpositibo, kabilang ang walong overseas Filipino workers (OFWs) at apat na may travel history sa Maguindanao province. Ngunit ayon kay Provincial Task Force on COVID-19 action officer Dr. Reden Bersaldo, sasailalim…

Read More

KASO NG COVID-19 SA BANSA, HIGIT 20K NA

LUMAGPAS na sa 20,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos magtala ng karagdagang 634 ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH). 321 sa 634 ang late confirmed cases habang 313 naman ang fresh cases at nasa 20,382 na ang kabuuang bilang nito. Sa ngayon ay umabot na sa 984 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit matapos magtala ng 10 karagdagang bilang. Samantalang umakyat naman sa 4,248 ang bilang ng mga nakarekober na sa naturang sakit matapos madagdagan ng 95. D. ANIN 255

Read More

SENIORS, BUNTIS PRAYORIDAD SA COVID-19 TEST

IPAPRAYORIDAD ng gobyerno sa gagawing mass testing sa COVID-19 sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction (PCR) ang mga senior citizen, buntis at iba ng sektor ng lipunan. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 6865 na inakda ni Iloilo Rep. Janette Garin na pinagtibay na sa ikalawang pagbasa at inaasahang aaprubahan sa huling pagbasa bago ang sine die o pagsasara ng first regular session ng 18th Congress. Bukod sa matatanda at buntis, ipaprayoridad din sa PCR, ang mga health care worker, food handlers, public market vendors, sales people sa groceries…

Read More

QC NAGTALA NG ISANG PATAY SA COVID-19

NAKAPAGTALA ng isang panibagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ang Quezon City. Sa pinakahuling ulat na natanggap ng SAKSI NGAYON hanggang nitong Hunyo 2, ayon sa Department of Health (DOH), ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 2,236. Samantala, ang validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Office, ay nasa 1,949. Nakapagtala naman ng active cases ng COVID-19 sa Quezon City sa bilang na 816. Sa nasabi ring petsa, ang nasabing siyudad ay nakapagtala ng 51 bagong recoveries kung kayat…

Read More

Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 LOCALIZED LOCKDOWN PAIIRALIN PA RIN

AMINADO ang National Task Force against COVID-19 na hamon sa kanila ang mga restriction ng batas para sa tuloy-tuloy at mas madaling contact tracing sa mga nalantad sa COVID-19. Kaya naman patuloy nilang isusulong ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga barangay at lugar na may mga kaso ng virus infection, ayon kay National Action Plan (NAP) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr. “Mayroon tayong tinatawag na rapid response, kung saan ila-lockdown natin ang isang  building, pwedeng ila-lockdown din natin yung isang block, isa o dalawang barangay. At…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PINAS: HALOS 19,000 NA

NAKAPAGTALA ngayong araw ng 359 na kaso ng COVID-19 sa bansa kaya sumampa na sa kabuuang 19,000 ang bilang nito. Batay sa panibagong ulat mula sa Department of Health, sumampa na sa 18,997 ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang tinamaan ng pandemic virus sa bansa. Sa naitalang 359 kaso, 176 ang fresh cases o test results na lumabas at na-validate ng DOH sa nakalipas na tatlong araw. 183 naman ang late cases o test results na lumabas sa nakalipas na apat na araw o higit pa pero late na na-validate…

Read More