“MAS madali ang contact tracing kung sisimulan sa tinitirhan at iniikutang barangay ng COVID-19 victim.” Ito ang paniniwala ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran makaraang imungkahi na gawing contact tracers ang mga barangay health worker upang agad maresolba ang kakulangan sa mga ito. Ayon sa Department of Health, nangangailangan sila ng 126,224 contact tracers o isang contact tracer kada 800 katao. “Isailalim lang ang barangay health worker sa online training ng DOH para mas accurate ang pamamaraan ng contact tracing,” ayon kay Taduran. Pinayuhan din ng House Asst. Majority Leader…
Read MoreCategory: COVID-19
BRGY. OFFICIALS PINATUTULONG SA PAGTIYAK NA NASUSUNOD ANG HEALTH PROTOCOLS
NANAWAGAN ang isang mambabatas mula sa Kongreso sa lahat ng punong barangay sa bansa na lalong higpitan ang pagpapatupad ng quarantine protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing kahit sa ilalim ng umiiral na general community quarantine. Ang panawagan ay ipinaabot ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran partikular sa mga barangay leader na pag-ibayuhin ang pagpapaalala sa kanilang nasasakupan hinggil sa health protocol na maaaring makaligtaan na dahil sa pagiging abala ng tao ngayong marami na ang balik-trabaho. “We are still in quarantine and COVID-19 is still…
Read More76% NA ANG CONTACT TRACING ABILITY SA NCR – DILG
NASA 76% na ang contact tracing ability ng National Capital Region sa mga posibleng infected ng COVID-19. “Sa tracing po natin, ang overall natin ay maganda na, umabot na tayo sa 96%, ‘yung tinatawag na contact tracing ability. Dito po sa Metro Manila, nasa 76% po tayo,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa Laging Handa public briefing. “Ano po ang ibig sabihin noon? Ang ibig sabihin noon ay sa 100 na positive, mayroon pa po tayong hindi nate-trace na 24% at ito po ay kailangan nating pag-ibayuhing mahanap,” dagdag…
Read MoreKASO NG COVID-19, HIGIT 18K NA
SUMAMPA na sa 18,086 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kasunod ng nadagdag na 862 cases nitong Linggo. Ngunit paglilinaw ng DOH, sa bilang na 862, 16 lamang ang bagong kaso. Ito ay dahil ang ibang bilang ay mula sa resulta ng pagsusuri sa mga pasyente o COVID-19 test results na isinagawa sa mga nakalipas na linggo. Sampu sa fresh cases ay naitala sa iba’t ibang lugar, anim naman ang galing sa National Capital Region. Habang 846 ang late cases o test results na ni-release sa mga…
Read More102 QCPD, NCRPO PERSONNEL ISINALANG SA COVID TEST
ISINAILALIM sa swab test sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas at Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. RonnieMontejo at iba pang NCRPO key officers, sa COVID-19 noong Mayo 30 sa QCPD Grandstand, Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City. Bukod kina sina P/MGen. Sinas at P/BGen. Montejo, ang miyembro ng NCRPO Command Group, district directors ng limang police districts, station commanders at iba pang mga pulis ay kinunan din ng swab samples. Ang nasabing samples ay dinala sa Red Cross para sa Real Time…
Read MoreMALAKANYANG UMAPELA SA PUBLIKO NA PAIRALIN PA RIN ANG Q PROTOCOLS
NGAYONG araw ay lilipat na sa General Community Quarantine/ Modified General Community Quarantine ang bansa. Ang pamahalaan kasama ang ‘whole-of-government approach’ ay inilagay na sa tamang lugar ang interventions at measures alinsunod sa minimum public health standards upang masiguro na ligtas ang mga Filipino. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagpalabas na sila ng guidelines na ipatutupad sa workplaces, employers at workers. Ani Sec. Roque, hindi kayang labanan ng pamahalaan ang COVID-19 nang nag-iisa. Kailangan aniya ang pinagsama-samang pagsisikap ng lahat para labanan ang pandemya. “The sacrifices of our…
Read MoreTINAMAAN NG COVID-19 SA MUNDO, 6 MILYON NA
MAHIGIT anim na milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Sa huling ulat, umakyat na sa kabuuang 6,031,023 ang tinamaan ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa. May pinakamarami pa ring kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na nakapagtala na ng 1,793,530 cases. Sinundan ito ng Brazil na may 468,338 kaso. Ang Russia naman ay may 387,623 habang ang Spain ay may 285,644. May 2,659,270 naman ang kabuuang bilang ng mga naka-recover sa sakit sa buong mundo habang ang mga nasawi ay umakyat na sa 366,812. Umabot…
Read MoreP162.7-M SUPPLEMENTAL BUDGET NG BULACAN, PASADO NA
PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ang P162.7 milyong supplemental budget bilang karagdagang pantustos sa mga pangangailangan sa paglaban ng pamahalaang panlalawigan sa coronavirus disease. Ayon kay Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado, nagmula ang pera sa Bayanihan Grant to Provinces ng Department of Budget and Management. Ipinaliwanag ni Alvarado, layunin nito na agapayan ang mga pamahalaang lokal para sa mga gastusin upang matustusan ang mga pamamaraan ng pagtulong sa mamamayang Bulakenyo ngayong may pandemya. Base sa inihaing talaan ni Gobernador Daniel Fernando ng mga gagastusan, ang pinakamalaking bahagi ay ilalaan sa…
Read More52 NEW COVID CASES SA DAVAO REGION
DAVAO City – Dalawang araw bago magpalit ng quarantine restrictions, naitala sa Davao region ang pinakamataas na pagtalon ng bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections. Noong Biyernes, inanunsyo ng Department of Health (DOH), umabot sa 52 ang bagong aktibong kaso ng COVID-19, at aabot na sa 329 ang kabuuan nito. Sa bilang na 52, ang 30 nito ay naitala rito sa lungsod, kung saan aabot naman sa 283 ang nadapuan ng impeksyon. Ang panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay parang salamin din…
Read More