MABILIS AT SISTEMATIKONG MASS TESTING, ISINULONG NG MAMBABATAS

ITINUTULAK ng isang kongresista ang mabilis at sistematikong mass testing sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa mundo. Sa pamamagitan ng Video message, inilahad ni ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo, ang mga suhestyon at hakbangin kung sino-sino ang dapat i-test, anong klaseng test kit ang gagamitin at sino ang gagastos sa large scale testing. Ayon kay Rep. Tulfo, inaprubahan na ng House Committee on Defeat COVID-19 ang aabot sa halagang P1.3 Trillion economic stimulus fund para sa taong 2020, 2021 at 2022 at sa ngayon ay pinaplantsa na…

Read More

GCQ IIRAL SA MM MULA JUNE 1-15

OPISYAL nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa general community quarantine ang Metro Manila mula June 1 hanggang June 15. Ito’y matapos niyang aprubahan ang panukala ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na ipatupad ang GCQ sa National Capital Region (NCR) — na itinuturing ngayon na “high-to-moderate-risk area”. Ang iba pang lugar at rehiyon na isinailalim naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa GCQ: – NCR – Davao City – Pangasinan – Albay – Region II – Region III – Region IV-A Halos lahat…

Read More

‘RECORD HIGH’ SA COVID-19, NAITALA NG DOH NGAYONG ARAW

MATAAS na bilang ng tinamaan ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health ngayong araw. Batay sa case bulletin ng DOH, 539 ang naitala nila na bagong kaso kaya umakyat na sa 15,588 ang kabuuan ng confirmed COVID-19 cases sa bansa. Mas mataas lang ang numero ng isa mula sa 538 na naitala noong March 31. Sa bilang na 539, 330 ang mula sa National Capital Region. May tig-55 namang naitala sa Central Visayas at mula sa mga repatriated OFWs habang 99 ang mula sa iba’t ibang rehiyon. May 11,069…

Read More

MM, HANDA NA SA GCQ – MALAKANYANG

HANDA na ang Metro Manila para sa mas lalo pang pagpapaluwag ng restrictions para labanan ang pagkalat ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque ang posibilidad na isailalim na ang National Capital Region mula sa modified enhanced community quarantine sa general community quarantine sa Hunyo 1. “NCR is ready from the data that we have seen but that really depends on the cooperation of everyone,” ayon kay Sec. Roque. Nauna rito, sinabi ni Dr. Tony Leachon, Special Adviser to the National Task Force COVID-19, na inirekomenda ng Inter-Agency Task…

Read More

LUCENA CITY NAGTALA NG 10 NEW COVID CASES

LUCENA CITY – Makaraang mag-zero active case ng ilang araw, balik COVID-list ang lungsod na ito matapos makapagtala ng 10 sunod-sunod na panibagong positibong kaso ng nasabing sakit. Batay sa report ng City Health office (CHO) at ng Lucena IATF nitong Mayo 28, sampu ang bagong kasong nadagdag mula noong May 21 at umabot na ang bilang ng kabuuang kaso sa lungsod sa 39. Ayon sa mga awtoridad, ang mga bagong kaso ay naitala sa mga barangay ng Ibabang Iyam na may 3; Domoit, 2, at tig-iisa sa mga barangay…

Read More

COVID-19 CASES SA PINAS: 15,049

TUMATAAS pa rin ang bilang ng mga naitatalang tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Ito ay matapos muling makapagtala ng panibagong higit 300 kaso sa ikalawang araw ang Department of Health (DOH). Batay sa case bulletin ng DOH ngayong araw, may 380 na bagong nagpositibo sa COVID-19 dahilan para umakyat sa kabuuang 15,049 ang kaso nito. Mula sa nasabing total, 10,639 umano ang active cases. Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,506 dahil sa nadagdag na 94 na gumaling. Samantalang ang death toll ay 904 na matapos madagdagan ng 18.…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PINAS, 14,669 NA

MAY nadagdag na naman sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Batay sa huling case bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID- 19 bunsod ng 350 na bagong naitala. Sa data ng Health department, noong April 3 huling nakapagtala ng higit 300 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas sa loob ng isang araw kung saan pumalo ito noon sa 385. Ang mga gumaling naman ay nasa 3,412 na dahil sa nadagdag na 89 recoveries. Habang ang mga namatay ay nasa 886…

Read More

2 NEW COVID-19 CASES, NAITALA SA DASMARINAS, CAVITE

CAVITE – Nagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmarinas, isa rito ay namatay noong Linggo habang naka-confine sa isang pribadong ospital. Sa Facebook account nina Congressman Pidi Barzaga at City Mayor Jenny Barzaga, umabot na sa 49 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmarinas, kung saan ang pinakabago ay isang 25-anyos na call center na lalaki at 54-anyos na babae ang nadagdag sa bilang. Si patient 48 ay isang call center agent sa Makati City  na roon din nangungupahan. Nahawa ito kay Patient 46 na…

Read More

30K TESTS KADA ARAW, NAABOT NA NG PILIPINAS

NAABOT na ng Pilipinas ang target nitong 30,000 tests kada araw bago ang Mayo 30, ayon sa Malakanyang ngayong Lunes. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, umabot na sa 32,100 ang daily testing capacity hanggang Mayo 20. Sinabi rin ni Roque na mayroon nang 66 na COVID-19 testing laboratories sa bansa. Layunin ng Pilipinas na masuri ang 50,000 indibidwal kada araw sa Hunyo. Mahigit 272,000 katao na ang nasuri para sa COVID-19 hanggang nitong Mayo 23, ayon sa online tracker ng Department of Health. Plano ng pamahalaan na masuri ang…

Read More