PATULOY sa pag-angat ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 205 bagong kaso, base sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4 ng hapon ngayong May 18, 2020. Sa nasabing bilang, 145 ang naitala sa National Capital Region (NCR), sa Region 7 ay walo (8) at 52 mula sa iba’t ibang rehiyon. Kasabay nito, inanunsyo ng DOH ang bagong 94 recoveries kaya ang kabuuang bilang nito ngayon ay 2,729. May naitala namang pitong nasawi kaya umakyat sa 831 ang kabuuang bilang nito. Samantala,…
Read MoreCategory: COVID-19
DILG kinuyog sa ‘paandar’sa gitna ng pandemya MAGPOKUS SA COVID HINDI SA CHA-CHA
BINATIKOS ng mga mambabatas mula sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ang Department of Interior and Local Government (DILG) matapos isingit ang Charter Change (Cha-Cha) sa gitna ng paglaban sa pandemyang COVID-19. Para kay House deputy minority leader Carlos Zarate, ‘wala sa hulog’ ang iniutos ng DILG sa kanilang mga regional office at suporters na ituloy ang pangangalap ng 2 milyong lagda para maamyendahan ang 1987 Constitution. “The obssession with Charter change shows another misplaced priority of the Duterte administration even if it is yet to fully address…
Read MoreHabang inoobliga ang nasa pribadong sektor GOV’T WORKERS NGANGA SA MASS TESTING
PUMIYOK ang Malakanyang na hindi sasagutin ng pamahalaan ang magiging gastos para sa mass testing sa COVID-19 ng mga empleyado ng gobyerno sa gitna ng pagluwag ng quarantine measures at pagpayag na magbalik-trabaho ang mga ito. May mga naglutangan kasing panawagan na magsagawa ng mass testing para sa mga empleyado ng pamahalaan. Taliwas naman ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na kailangan ng mga manggagawa na sumailalim sa COVID-19 test bago payagan na bumalik sa kanilang trabaho maliban na lamang kapag nagpakita ang mga ito ng…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA VALENZUELA, 152 NA
NADAGDAGAN ng pito ang bagong kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City. Si VC146 ay isang 17-anyos na lalaki at si VC147 naman ay isang 18-anyos na lalaki. Mga returning OFW naman ang 26-anyos na lalaki na si VC148 at si VC149 na isang 59-anyos din na lalaki. Si VC150 na isang 15-anyos na babae at VC51 na isang 12-anyos din na babae ay mga anak nina VC108 at VC134. Habang si VC152 ay isang 64-anyos na lalaki na binawian ng buhay noong May 1, 2020. Ayon sa report…
Read MoreLGUs PWEDE NANG BUMILI NG RAPID TEST KITS
MAAARI nang bumili ang Local Government Units (LGUs) ng rapid test kits na gagamitin sa pag-screen ng mga taong posibleng nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na aprubado ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. “Alinsunod po ito sa sinabi ng Presidente, siya po ang mananagot sa paggamit ng rapid test kits,” ayon kay Sec. Roque. Ang Rapid test kits ay maaari lamang maka-detect ng antibodies na nilikha (produced) ng katawan para labanan ang virus hindi gaya ng RT-PCR…
Read MorePDU30 SA PUBLIKO: LAGING MAG-FACE MASK AT PAIRALIN ANG SOCIAL DISTANCING
UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag kalimutang magsuot ng face mask at sundin ang social distancing rules kahit ilan sa mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng ‘less strict general community quarantine.’ Binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang public address na nananatili pa rin kasi ang banta ng virus. “The easing up of the restrictions, hindi ‘yan sabihin na wala na ang COVID. Just because we allowed certain people, dahan-dahan lang para hindi tayo madapa. We cannot afford a second or third wave…
Read MoreAYUDA SA MGA APEKTADO NG ECQ PATULOY
PATULOY ang pagdating ng ayuda sa mga apektadong residente sa mga lugar na sakop ng extended ECQ. Kabilang sa nagparating ng ayuda sa mga residente ang Metro Pacific Tollways Corporation sa pamamagitan ni Mhanny Agusto, Corporate Communication Specialist. Ang Metro Pacific Tollways Corporation ay kasama sa MVP Group of Companies na naglibre sa toll fees sa south at north luzon expressways ng mga sasakyan ng frontliners kagaya ng mga doktor at nurses. Inayudahan din ng MPTC simula noong Marso 31 ang mga barangay na nadadaanan o sakop ng kanilang expressways.…
Read MorePAGPAPALUWAG SA ILANG LUGAR SA MM PINABORAN
PABOR si Senador Cynthia Villar sa pagpapaluwag ng enhanced community quarantine (ECQ) tungo sa general community quarantine (GCQ) sa ilang lugar sa Metro Manila na may mababang kaso ng corona virus disease 2019 (COVID-19) pagkatapos ng Mayo 15. Sa pahayag, sinabi ni Villar na dapat ikonsidera ng Metro Manila Council at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbawi sa ECQ ng mga lugar na kilalang may mababa at moderate risk lang ang kaso ng COVID-19. “I agree that we should start re-opening the economy and begin the…
Read MoreCOVID-19 LOCKDOWN SA METRO, LULUWAG NA SA MAY 16?
MAGIGING maluwag na ang COVID-19 lockdown sa Metro Manila sa May 16 at nakatakda na ring muling magsimula ang ekonomiya ng bansa. Ang community quarantine ay dapat nang i-downgrade sa general mula sa enhanced upang payagan ang mga negosyo na subukan ang ‘new normal’ habang ang huling 2 linggo ay nagpakita ng ang infection curve ay pumapatag na (flattening). Binanggit ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, at ipinaalala na ang huling araw ng ECQ o enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang urban centers ay nakatakda…
Read More