MAKATUTULONG ang COVID-19 transmission rate at ang kapasidad ng healthcare system sa gagawing pagdedesisyon ng pamahalaan para paluwagin ang mga restrictions sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang May 15. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos na sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na may ilang lugar sa Metro Manila ang maaari nang i-shift mula enhanced community quarantine patungong general community quarantine dahil sa patuloy na pagbaba ng bagong kaso ng COVID-19. Mayorya ng COVID-19 cases ay naitala sa National Capital Region. “Kung hindi…
Read MoreCategory: COVID-19
BILANG NG GUMAGALING SA COVID-19 PATULOY NA TUMATAAS
PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19. Ito ay matapos muling makapagtala ang Department of Health (DOH) karagdagang 112 recoveries ngayong araw. Dahil dito, mayroon nang kabuuang 1,618 ang bilang ng mga gumaling. Ito na ang pinakamataas na bilang ng recovery na nai-report sa isang araw mula noong Lunes na may 101. Ang bilang naman ng mga namatay ay umakyat sa 685 matapos madagdagan ng 27. Nakapagtala rin ang DOH ng 339 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19. Sa naturang bilang, 205 umano ay galing Central Visayas; 110…
Read MoreSOLON SA DOH: MAGHANDA SA WORST CASE SCENARIO SA GCQ
PINAGHAHANDA ni Senador Sonny Angara ang Department of Health (DOH) sa posibleng worst case scenario sa sandaling alisin na ang enchanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Sa gitna ito ng pangamba ng senador sa posibilidad na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), mas marami ang lalabag sa quarantine rules. Isama anya rito ang posibilidad na marami ang hindi susunod sa social distancing, partikular sa public transportation. Sa ganitong senaryo anya posibleng tataas pa ang bilang ng mga tatamaan ng virus kaya’t dapat nakahanda ang DOH. Dapat anyang isaalang-alang…
Read MoreMASS TESTING BAGO ANG MODIFIED ECQ
MALAKI ang posibilidad na magpatupad ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila (MM) kapag naisailalim na ng mga Local Government Unit (LGU) sa mass testing ang kanilang nasasakupan hanggang Mayo 15. Ayon kay National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na ipinatutupad na ang mass testing sa buong National Capital Region (NCR) kasama ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naka-quarantine sa MM. Sinabi ni Galvez, sa sandaling ma-identify na ang mga possible carrier ng COVID-19 at ma-isolate na ang mga ito ay magsasagawa ng rekomendasyon ang…
Read MoreBILANG NG COVID-19 CASES, BUMAGAL – PDUTERTE
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘relatively low’ na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Naniniwala kasi ang Chief Executive na nahihirapan ang virus na maka-survive sa mataas na temperatura na nararanasan ngayon sa bansa. “Come to think of it really, mababa ang ano (cases) natin. They said that itong coronang ito has a hard time surviving in a high temperature. So pagka gano’n, maybe that explains the reason why na hindi naman masyadong marami,” ayon sa Punong Ehekutibo. Sa ulat, ang Department of Health (DOH)…
Read More14 EMPLEYADO NG SENADO, NAGPOSITIBO SA COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID 19 Rapid Test ang 14 empleyado ng Senado na sumalang sa pagsusuri sa unang araw ng pagbabalik sesyon ng Kongreso. Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kabilang sa mga nagpositibo sa pagsusuri ang staff members ng ilang senador, waiter at ang iba ay mula sa Office of the Sergeant-at-Arms. “Sent them already to hospitals with swab tests then quarantine,” saad ni Sotto. Kinumpirma naman ni Senador Win Gatchalian na isa sa kanyang staff ang kabilang sa mga nagpositibo sa rapid test na ang nade-detect ay ang…
Read More101 NEW RECOVERIES SA COVID-19, RECORD HIGH – DOH
ITINUTURING ng Department of Health na ‘record high’ ang bagong naitalang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19. Sa inilabas na case bulletin ng kagawaran, may 101 reported recoveries ngayong araw. Kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit ay pumalo na sa 1,315. Nalampasan nito ang record ng reported recoveries kahapon na 90. Ngunit sa kabila nito, may 262 bagong bilang ng mga tinamaan ng sakit. Dahil dito, umakyat ang total ng confirmed cases sa 9,485. Nananatiling may pinakamaraming kaso mula sa National Capital Region na sinundan ng Central…
Read More85 NAGPOSITIBO SA COVID-19 MASS TESTING SA TONDO
UMABOT sa 85 katao ang nagpositibo sa COVID-19 base sa isinagawang mass testing sa 1,133 residente kasunod ng ipinatutupad na 48-oras na lockdown sa unang distrito ng Tondo, Manila na magtatapos sa Mayo 5. Patuloy ang pagsasagawa ng mass testing ng Manila Health Department (MHD) upang matukoy ang mga taong kontaminado ng virus sa lungsod. Kasabay nito, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 176 katao na lumabag sa umiiral na lockdown ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) hanggang alas-5:00 ng madaling araw…
Read MoreMga residente ng Brgy. Sta. Monica, nag-panic NAG-REPACK NG RELIEF PACKS SA QC, COVID-19 POSITIVE
NANGANGAMBA ang mga residente ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City na posibleng maraming nahawaan ang isang ginang sa kanyang mga kasamahan na nag-repack ng relief goods matapos itong magpositibo sa COVID-19. Ayon sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, mula sa kaibigan ng hindi pinangalanang biktima, nakaramdam umano ito ng mga sintomas na tulad ng nararamdaman sa COVID-19. Kung kaya’t kamakalawa ay kusa itong nagtungo sa Novaliches District Hospital sa Brgy. San Bartolome, Quezon City para magpasuri. Lumitaw sa resulta ng pagsusuri na positibo ang biktima kaya hindi ito pinayagang…
Read More