MALLS, DI PA DAPAT BUKSAN SA SUSUNOD NA 2 BUWAN 

SA KABILA ng paniniwala na maaari nang ipatupad ang modified enhanced community quarantine o mas maluwag na quarantine, iginiit ni Senador Win Gatchalian na hindi pa dapat buksan sa susunod na dalawang buwan ang mga lugar kung saan marami ang nagtutungo tulad ng mga malls. Sa panayam ng Senate Media, sinabi ni Gatchalian na may mga industriya nang dapat magsimula muli ang operasyon upang makabangon na ang ekonomiya ng bansa. “Place of congregation yun eh. Basta may mga lugar na kung saan pwede magtipon, huwag na lang muna buksan sa…

Read More

SOLON SA DBM: ILABAS ANG ‘UNUSED FUND SA 2019 BUDGET’

HINIMOK ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ilabas ang updated na talaan ng unused appropriations o hindi nagamit na pondo sa ikaapat na quarter noong 2019. Sinabi ni Lacson na sa kanilang caucus bago aprubahan ang Bayanihan Act, inihayag ni Budget Secretary Wendell Avisado na nasa P600 bilyon pa ang hindi nagagastos sa 2019 budget. “DBM should come up with the updated 2019 Q4 unused appropriations which is estimated to be somewhere around 600B, quoting Sec Avisado during our caucus last Mar 24 when I asked him about it,” saad…

Read More

DILG sa 81 gobernador: P6.2-B TIYAKING SA COVID-19 LANG GAGAMITIN

TIYAKING panlaban sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) lamang gagamitin ang P6.197 bilyong Bayanihan Grant to Provinces (BGP). Ito ang “direktiba” ni Interior Secretary Eduardo Año sa 81 gobernador ng mga pamahalaang lalawigan makaraang mabigyan sila ng kani-kanilang BGP nitong nakalipas na linggo. Ani Año, “I urge the governors to utilize the [P6.197] BGP in a quick and efficient way and at the same time be transparent and accountable in its use to address the Covid-19 crisis in their respective localities.” Ang naturang pondo ay ibinigay ng Department…

Read More

‘NEW NORMAL’ BILL IHAHAIN SA SENADO

IHAHAIN ni Senador Manny Pacquiao ang isang “New Normal” Bill na magsisilbing gabay sa pag-uugali at pagtatakda ng ilang listahan ng distancing protocols habang wala pang natutuklasang gamot laban sa corona virus 2019 (COVID-19). Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ni Pacquiao na kailangan makalikha ang bansa ng bagong pamantayan sa hygiene at social distancing protocols na mahigpit na ipatutupad upang maprotektahan ang buhay dahil hindi magbabalik ang dating normal kung wala pang gamot vs COVID-19. “Nakakalungkot mang isipin ngunit kailangan talaga nating magkaroon ng panibagong patakaran sa ating pakikisalamuha kung…

Read More

IBA PANG FRONTLINERS ISAMA SA RAPID TEST

DAPAT isama maging ang mga manggagawa sa palengke, supermarket, botika, security guards at may hawak ng rapid passes ng Covid testing. Ito ang pahayag ni Senador Grace Poe dahil para paigtingin ang laban sa COVID-19 ay nararapat na tiyaking ang iba pang frontliners ay isama sa rapid testing. “Sila ang patuloy na nagpupunyagi sa araw-araw upang manatili tayong may pagkain at kailangang suplay sa ating mga tahanan. Sila ang ating lifeline,” sabi ni Poe. Kasabay nito ay umapela rin si Poe sa mga employer na makipag-ugnayan sa mga ahensya ng…

Read More

COVID-19 ‘HOTSPOTS’ PINATUTUTUKAN SA DOH

HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na tutukan din ang disease hotspots tulad ng kulungan, palengke at urban poor communities dahil malaki ang posibilidad na kumalat ang corona virus 2019 (COVID-19) sa naturang lugar. Sa pahayag, hiniling din ni Hontiveros sa pamahalaan na paigtingin ang mass testing bago palawigin o magkaroon ng modipikasyon sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ). “Kapag nagkaroon ng kaso ng COVID-19 sa mga kulungan, palengke, masisikip at matataong lugar kung saan nakatira ang marami nating mahihirap na kababayan, mabilis ang pagkalat…

Read More

48-ORAS LOCKDOWN SA SAMPALOC

ISASAILALIM ang Sampaloc sa 48-oras na lockdown ngayong Linggo, ayon mismo kay Manila Mayor Isko Moreno. Ang lockdown ay ipatutupad upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa lugar. Ipaaalam naman ito sa mga residente, isang araw bago ito aktwal na ipatupad. Ngayong Lunes ay nakipagpulong si Moreno kina AFP Joint Task Force NCR Commander Brig. General Alex Luna at Manila Police District Brig. General Rolly Miranda. Kasama rin sa nasabing meeting si Station 4 Commander Lieutenant Colonel John Guiagui at si Barangay Bureau  director Romeo Bagay. Ikinababahala ng alkalde…

Read More

29 PROBINSYA SA PINAS, COVID-19 FREE PA

NANANATILING COVID-19 free ang 29 sa 81 probinsya sa Pilipinas. Ito ang napag-alaman sa mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na hati ang opinyon kung tuluyang aalisin o palalawigin pa ang enhanced community quarantine pagdating ng Mayo 1. Base sa listahan na nakarating kay House committee on health vice chairman Mike Defensor, ang mga probinsya na COVID-19 free hanggang ngayon ay Apayao, Ifugao, Kalinga at Mountain Province sa Cordillera Autonomous Region (CAR). Dalawa naman sa Region 2 na kinabibilangan ng Batanes at Quirino ang walang naitalang kaso ng COVID-19…

Read More

Bilang ng mga nakarekober nadagdagan din KASO NG COVID-19 6,459 NA

MULING tumaas ang bilang ng mga nakarekober na sa COVID-19 matapos makapagtala ng karagdagang 41 kaya may kabuuan na itong 613. Nadagdagan naman ng 200 panibagong kaso kaya sa kasalukuyan ay umabot na sa 6,459 ang kabuuang bilang ng may COVID-19 sa bansa. Nadagdagan din ang mga namatay at ngayon ay 428 na ang kabuuang bilang nito. Samantala, inanunsyo naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na darating na ang mga test kit mula sa United States na kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng 45 minuto hanggang 1…

Read More