Mga binili matumal ang dating COVID-19 VACCINES PURO DONASYON

ITINATANONG ng taumbayan sa gobyerno kung bakit mabagal ang pagdating ng mga bakuna na binili ng bansa at karamihan umano sa naibakuna na sa mga tao ay galing sa mga donasyon. Ito ang nabatid kay ACT Party-list Rep. France Castro sa press conference ng Makabayan Bloc kahapon. Aniya, sa 7.05 million doses ng COVID-19 vaccines na dumating sa bansa mula noong Pebrero 28, karamihan ay galing sa donasyon lamang. “Nakikita natin puro donasyon. Kalakhan sa 7.05 million na dumating at itinurok sa ating mamamayan ay mga donasyon kaya naniningil na…

Read More

Sa pagbabakuna sa seafarers PH SEAFARING INDUSTRY MULING SISIGLA

IGINIIT ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga Pilipinong seafarers dahil dito nakasalalay ang kanilang pagbabalik sa barko at ipagpatuloy ang kanilang trabahong naantala dahil sa COVID-19 pandemic. Kasama ni Villanueva sa vaccination kick-off ang mga opisyal ng gobyerno tulad nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade Secretary Ramon Lopez, NTF deputy chief implementer Vince Dizon, Manila Mayor Isko Moreno, at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, kung saan higit sa 1,000 seafarers na nakatakdang i-deploy sa mga susunod na buwan ay nakatanggap ng Pfizer jabs mula sa pamahalaan.…

Read More

Oobligahin na lang sa mga ospital GOODBYE FACE SHIELD

IKINATUWA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang obligahin ang publiko na magsuot ng face shield paglabas ng kanilang bahay. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo na unang nanawagan na tanggalin na ang face shield dahil wala umanong patunay na epektibo ito sa pag-iwas sa COVID-19, malaki ang matitipid ng mga tao sa desisyon ng pangulo. “Tama si President Duterte na sa mga ospital at iba pang medical facilities lang talaga pinaka kailangang magsuot ng face shields,” ayon sa mambabatas dahil dagdag…

Read More

Solon sa pagpapasigla ng ekonomiya HEALTH PROTOCOLS GAWING PRAKTIKAL

HINILING ni Senador Panfilo Lacson na pasadahan ang mga umiiral na health protocols, katulad ng hindi bababa sa pitong araw na hotel quarantine requirement sa mga dumarating sa bansa, dahil nagiging hadlang ito sa pagbabalik ng dayuhang negosyante. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na kailangan mapabilis ang pagpapasigla ng ekonomiya kung tutugunan ng pamahalaan ang pagpapaluwag ng health protocols sa dumarating na Filipino at dayuhang mamumuhunan. “This is one more reason for our authorities to make our health and quarantine protocols more responsive – and more importantly, more sensible. We…

Read More

ORAL COVID-19 VACCINE POPONDOHAN

HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pondohan ang imbensyon na oral COVID-19 vaccine ni Dr. & Rev. Fr. Nicanor Austriaco, OP, Professor of Biological Sciences. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi nito na kung makikita aniya na epektibo at ligtas ang oral COVID-19 vaccine na imbensyon ni Fr. Austriaco ay tutulong sa ngayon ang Department of Science and Technology (DoST) para pondohan ang clinical trial nito at ang clinical studies ay isasagawa ng mga nangungunang unibersidad. Samantala, sinabi ni Fr. Austriaco na gumamit sila ng…

Read More

BARANGAY WORKERS BIBIGYAN NG HAZARD PAY

PANAHON na para bigyan ng hazard pay ang mga barangay worker sa pagganap ng kanilang tungkulin sa gitna ng pandemya sa COVID-19. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 1834 na inihain ni Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo dahil hindi umano matatawaran ang papel na ginagampanan ng mga barangay health worker. Ayon sa mambabatas, nagpatupad ng iba’t ibang community quarantine ang gobyerno para makontrol ang paglaganap ng COVID-19 subalit lahat ng essential workers kasama na ang mga barangay worker ay kailangang lumabas sa kanilang bahay para gampanan ang…

Read More

COVID-19 FIELD HOSPITAL SA LUNETA KUMPLETO NA

TAPOS na ang konstruksyon ng COVID -19 Field Hospital ng Manila City government sa Luneta, Ermita, Manila. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, natapos ang proyekto sa loob lamang ng 52-araw, na mas mas maaga kumpara sa kanilang 60-day target deadline. Pinasalamatan din ng alkalde ang mga manggagawa na nagtulung-tulong para matapos agad ang konstruksiyon ng 4,402-square-meter hospital. “Sa mga namatayan ng kuko, napaso, natusok ng alambre, nasaludsod ng plywood, napukpok ng martilyo dahil kahit madilim nagtatrabaho pa rin, gusto kong ibahagi sa inyo na tayo ay nagtagumpay.…

Read More

SPORTS COMPLEX GINAWANG MEGA VAX SITE SA CALOOCAN

UPANG mas maraming mabakunahan kontra COVID-19, binuksan nitong Lunes ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang Caloocan Sports Complex bilang isang mega vaccination site. Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, alinsunod sa tagubilin ng World Health Organization na ang mga bakunang gagamitin ay ilalaan lamang para sa A1, A2, A3 priority groups. Kayang tumanggap ng hanggang 1,500 magpapabakuna ang Caloocan Sports Complex. Ang ibang magpapabakuna na kabilang sa A4 ay maaaring magtungo sa ibang itinalagang vaccination sites. Sa ulat ng City Health Department, mahigit 200,000 na mga residente sa lungsod ang nabakunahan…

Read More

Ilegal na nagbebenta EX-MED REP, 3 PA HULI SA P1.8-M ANTI-COVID DRUG

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlo katao, kabilang ang isang dating medical representative, makaraang makumpiskahan ng P1.8 milyong halaga ng Remdesivir sa Quezon City. Ang mga suspek na kinilalang sina Irish Manaig, Chris Boydon, at Philip Bales ay nadakip pasado alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkoles. Bunsod nito, isasailalim sa imbestigasyon ang dalawang kumpanya na hindi pa pinangalanan na umano’y pinagkunan ng mga suspek ng nasabing gamot laban sa COVID-19. Bukod sa nakuhang mga Remdesivir na nakatago likurang bahagi ng sasakyan ng mga suspek, ay…

Read More