(RENE CRISOSTOMO) INIULAT ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng COVID-19 deaths sa bansa ngayong Hunyo. Sa isang online forum, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Alethea de Guzman na mula Hunyo 1 hanggang 14 ay nakapagtala sila ng kabuuang 720 deaths, na may daily death average na 51. Ito ay mas mababa aniya kumpara sa kabuuang 3,000 kaso na naitala noong Mayo 2021 na may average na 97 deaths araw-araw. Ayon kay de Guzman, umaasa silang mas mapapababa pa ang naturang bilang sa mga susunod na araw. “We…
Read MoreCategory: COVID-19
Walang katapat na parusa sa hindi susunod – Duque FACE SHIELD ‘DI REQUIRED SA OUTDOOR
INAMIN ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t minamandato ng Inter-Agency Task Force ang paggamit ng face shields ay wala namang katapat na parusa ang hindi pagsunod dito. Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, nanindigan si Duque na may scientific basis ang pagpapatupad nila ng paggamit ng face shield. Subalit tiniyak ng kalihim na kanilang pag-aaralan ang posibleng pagpapahinto na ng paggamit nito. “Meron pong scientific basis po ito. Ito pong pag-aaral sa India, at dito po sa Pilipinas…Kapag malaki-laki na ang coverage ng bakuna, baka pwede…
Read MoreHirit ni Villanueva sa IATF: MALINAW NA PANUNTUNAN SA ‘PROOF OF VACCINATION’
HINILING ni Senator Joel Villanueva na linawin ng gobyerno ang tila nakalilitong panuntunan nito pagdating sa “proof of vaccination” na hihingin sa mga Pilipinong nabakunahan na, lalo na sa OFWs. Ayon sa senador, na chairman ng Senate labor committee, nakatakda sa isang panuntunan ng IATF na maliban vaccination card, kailangan rin ipakita bilang patunay na fully vaccinated ang isang tao gamit ang sertipikasyon mula sa Department of Information and Communications Technology o mula sa Local Health Officer. “Hindi po ba ito dagdag na red tape?” tanong ni Villanueva sa pagsisimula…
Read MorePAGLANTAD SA SUPPLY AGREEMENT SA PAGBILI NG BAKUNA PINABORAN
BAGAMA’T pabor si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na ilabas ang kopya ng supply agreements na nilagdaan ng bansa sa manufacturer ng COVID-19 vaccines sa ngalan ng transparency, nilinaw niya na may mga kailangang sundin ang bansa sa kasunduan upang hindi makompromiso ang pagdating ng bakuna. Sa pahayag, nilinaw rin ni Go na kung lalabag ito sa kasunduan at makakaantala sa vaccination rollout ang hirit na ito ng iilan, hindi niya ito papaboran. Sinabi ni Go na gusto rin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging bukas sa lahat at…
Read MoreP25B KAILANGAN SA PAGBABAKUNA SA KABATAAN
KINUMPIRMA ni Finance Secretary Carlos Dominguez na aabot sa P25 bilyon ang pondong gugugulin para sa pagbabakuna sa kabataang may edad 12-anyos pataas. Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, nilinaw ni Dominguez na ang pagtaya ay inisyal pa lamang at dedepende pa rin sa bakunang irerekomenda para sa kabataan. “It is just an estimate at this point in time because the health authorities might have another vaccine. This is a developing situation,” pahayag ni Dominguez. Binigyang-diin din ng kalihim na dedepende rin sa rekomendasyon ng health sector ang…
Read MoreBAKUNADONG OFW DAPAT OUT NA SA QUARANTINE
HINILING ng isang mambabatas sa mababang kapulungan na tanggalin na ang kwarantina sa mga nagbabalikbayang Pinoy na bakunado na. Ang kahilingan ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena Niña Taduran ay kaugnay ng ipinatutupad na pitong araw na quarantine sa inaprubahang pasilidad para sa mga balikbayan kahit pa iyong mga nakatapos na ng kanilang bakuna. Ayon kay Taduran, pabigat lang sa balikbayan ang kwarantina lalo na at mababa na ang panganib na makakuha ito ng virus o maikalat ito kung sila ay nakakumpleto o naturukan na ng full dose ng bakuna laban…
Read MoreGCQ SA NCR PLUS EXTENDED SA JUNE 30
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes (Hunyo 14) ang ekstensyon o pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021. “Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite, at Rizal sa Region 4-A sa GCQ “with heightened restrictions” mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021. Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ…
Read MoreTRAVELLERS BINALAAN SA PEKENG COVID TEST RESULTS
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga traveller o byahero laban sa pagpiprisinta ng “pekeng” negative COVID-19 test results lalo na sa tourist spots ng bansa. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism at lahat ng local government units na arestuhin ang mga magpapakita ng fake negative COVID-19 test results at magpatupad ng mahigpit na pagsunod sa protocols sa local tourism. “‘Wag ho ninyong gawin ‘yan at makokompromiso kayo. Pati ‘yung gastos ninyo. Kindly check…
Read MoreMASS VACCINATION IKINASA SA BJMP
NAGSAGAWA ng mass vaccination ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kahapon sa mga jail personnel mula sa Region III, Calabarzon at MIMAROPA sa vaccination site na inilaan ng Department of Health (DOH) sa BJMP National Headquarters sa Quezon City. Tugon ito ng BJMP bilang pagsuporta sa panawagan ng gobyerno na paigtingin ang pagbabakuna laban sa COVID-19, lalo na sa mga miyembro ng uniformed personnel na medical frontliners at nasa pangunahin yunit sa mga BJMP Jail facility. Sa binasang mensahe ni BJMP Deputy Chief for Administration Jail General Ruel…
Read More