Sa gitna ng naitalang local transmission ng Covid variants PAGPAPABAKUNA IGINIIT SA PUBLIKO

INAMIN ni Presidential spokesperson Harry Roque na talagang nakababahala ang ulat na mayroon nang community transmission ng UK at South Africa variant ng COVID-19 sa NCR plus. Kaya ang panawagan nito sa publiko lalo na sa mga hanggang ngayon ay nag-aalinlangan pa rin na magpabakuna ay samantalahin na ang pagkakataon na magpabakuna gamit ang available na bakuna sa bansa. “Well, ito po isang dahilan kung bakit kinakailangan iyong mga pupuwede na ay magpabakuna na po. We are racing against the new variants ‘no at ito po ay dapat maging dahilan…

Read More

Pag-obliga sa publiko pinatitigil ng solon FACE SHIELD ‘DI GARANTISADO LABAN SA COVID

(BERNARD TAGUINOD) IPINATITIGIL ng isang mambabatas sa Kamara sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapasuot ng face shield sa mga tao dahil wala umanong matibay na pag-aaral na nakatutulong ito para hindi mahawa sa COVID-19. Bukod dito, sinabi ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo na dagdag gastos lang ito sa publiko at nakasisira pa sa kalikasan dahil sa plastic material na ginagamit na itinatapon lang kung saan-saan. “It makes no sense requiring people to wear face shields when there is no hard scientific evidence backing up its effectiveness in preventing…

Read More

‘SLEEPING KAPS’ PINAKIKILOS VS COVID SUPERSPREADER

MAGIGING alerto na ang binansagang “sleeping kaps” sa pagbabantay laban sa tinatawag na mga “superspreader” ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang hindi sila maaresto at makulong. Inanunsiyo ito nitong Biyernes, Mayo 28, ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año makaraang mainis si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga punong barangay dahil hindi ginagampanan ang kanilang trabaho, tungkulin at obligasyon laban sa mga lumalabag sa health protocol tulad ng social distancing. Idniin ni Año na kikilos na ang mga punong barangay laban sa mga pasimuno ng super spreader activities. Ipinaliwanag ni…

Read More

3 sa Valenzuela 11 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

LABING-ISA ang namatay sa Caloocan City sa COVID-19 habang tatlo naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City noong Mayo 27. Ayon sa Caloocan City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, hanggang alas-5:00 ng hapon ng nasabing petsa ay 982 ang active cases sa lungsod. Umabot na sa 31,321 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa bilang na ito ay 29,418 na ang gumaling at 921 ang namatay. Nabatid naman sa Valenzuela City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit na 511 ang active COVID…

Read More

60 BAHAY SA MAGUINDANAO, NI-LOCKDOWN

MAGUINDANAO – Naka-temporary lockdown ngayon ang mahigit 60 bahay sa Southern Philippines Development Authority o SPDA Village sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Marami kasi sa mga nakatira sa 4th road ay nagpositibo sa COVID-19. Upang mapigilan ang pagkalat ng virus, ipinasya ni Mayor Cheryl Mary Rose Ann Sinsuat at ng municipal IATF ang lockdown. Namimigay naman ng ayuda ang LGU sa mga apektadong pamilya. Ang lockdown ay tatagal hangang June 9. Isang residente sa 4th road ng SPDA Village ang nasawi matapos magpositibo sa Covid. Agad isinagawa ang…

Read More

Kapag delay sa pagsusumite ng PCR test results TESTING CENTERS PARURUSAHAN

TAMA na! Sobra na! kailangan nang mabigyan ng kaukulang aksiyon partikular ng Department of Health ang mga testing center na nagiging habitual na ang huli o laging late na pagsusumite ng PCR test result. Sinabi ni Testing czar secretary Vince Dizon, ibang usapan na kung palagian na lang late ang pagsusumite ng ilang mga laboratoryo ng kanilang PCR exam at laging hindi umaabot sa cut off. “Mayroon pong mga sanctions na ini-impose ang Department of Health para doon sa mga habitual na hindi nagsu-submit on time. Alam mo naman ang…

Read More

Graduates dapat makaagapay sa ‘new normal’ EDUCATION SYSTEM PINAREREPASO NI NOGRALES

(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang buhay ng mga tao ang binago ng pandemya sa COVID-19 kundi ang business model kaya kailangan ang agarang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ito ang iginiit ni Rizal 2nd district Congressman Fidel Nograles upang malaman kung may dapat baguhin sa sistema ng edukasyon at maipatupad ito upang hindi mapag-iwanan ang mga graduate sa bansa sa pagbabago ng panahon. “The pandemic has created massive revolutionary changes in our education. We are witnessing paradigm shift, we are having an overhaul in our business and technological models…

Read More

Para wala nang ‘choosy’ PANTAY NA VACCINE DISTRIBUTION UTOS NI PDU30

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pantay na distribusyon ng iba’t ibang brand ng coronavirus vaccines sa bansa. Dismayado kasi si Pangulong Duterte sa pagiging “choosy” ng karamihan sa mamamayang Filipino kung saan may ilan pa na nagsabi na magpapabakuna lang sila kung Pfizer ang ituturok sa kanila. Sa kanyang Talk to the People, Miyerkoles ng gabi, iginiit ng pangulo na hindi dapat maging mapili ngayon ang mamamayan sa brand ng bakuna lalo na’t limitado lamang ang suplay sa bansa. Nananatili naman si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon na…

Read More

PAGBABAKUNA KAY ALICE DIXSON DUMAAN SA PROSESO

WALANG iregularidad o special treatment sa pagbabakuna sa movie at television actress na si Alice Dixson sa Maynila kamakailan. Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso base sa ulat mula kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, na nagsasabing mismong ang Department of Health (DOH) ang naglinis sa pangalan ng ospital sa bintang na pinayagan nitong mabigyan ng second dose ang aktres sa isang mass inoculation. Iniulat ni Director Padilla kay Moreno na tulad din ng karamihan na nagpunta ng ospital upang mabakunahan noong Mayo 20,…

Read More