PUMIYOK si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maraming residente sa mahihirap na komunidad ang nag-aalangan pa rin magpabakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi na 30% hanggang 40% sa class D at E ang nagmamatigas na hindi magpabakuna kontra COVID-19. Marami aniya sa mga tinatawag na well-off sa A, B, at C classes ang mayroong mataas na vaccine confidence. “Doon sa tinatawag nating Group D and E mataas ang hesitancy,” ani Galvez. Aniya, mahigit 90%…
Read MoreCategory: COVID-19
Kaso sa Matandang Balara bumaba DEFENSOR TULOY SA PAMIMIGAY NG IVERMECTIN
MAHIGIT kalahati ang ibinaba ng COVID-19 cases sa Matandang, Balara, Quezon City, halos isang buwan matapos mamahagi ng Ivermectin sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta. Ayon kay Defensor, bago sila mamigay ng Ivermectin sa nasabing lugar noong Abril 30, 2021 ay umaabot sa 138 ang COVID-19 cases base sa report ng Barangay Health Emergency Response Team. Matapos ang tatlong linggo, bumaba sa 57.2% ang COVID-19 infections sa Matandang, Balara dahil umabot na lamang sa 59 kaso ang naitala noong Mayo 22, at bumagsak pa sa…
Read MorePipilitin ng gobyerno HERD IMMUNITY SA NOBYEMBRE 27
DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maabot ang population protection mula sa COVID-19 pagsapit ng huling linggo ng Nobyembre. Partikular na ang area ng NCR plus na itinuturing na high risk sa virus. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sadyang hindi lang maiiwasang may panahon ng pagsisimula hanggang sa marating na rin ang puntong nagiging mabilis na ang vaccination ng pamahalaan at sa huli ay maabot din ang target na maprotektahan ang mayorya ng mga Filipino. Iyon nga lamang, ayon kay Sec. Roque ay hindi niya maalis sa kanyang…
Read MoreKASAMBAHAY ISASALANG NA RIN SA BAKUNAHAN
INAASAHANG sasalang na rin ang mga kasambahay sa pagbabakuna sa susunod na buwan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kinukonsidera na rin kasi ang mga ito bilang indigent. “Well, sa tingin ko po unang-una, simulan natin iyong listahan ng 4Ps kasi iyan po ang garantisado na sila po ay mga indigents. Pero tama po, hindi po iyan exclusive. Iyong mga kasambahay, tingin ko po mako-consider iyan as indigents din, eh mayroon naman po tayong mga pruweba,” aniya. Ani Sec. Roque, maaaring gamitin ang SSS at PhilHealth bilang mga katibayang saklaw…
Read MoreORDINANSA LABAN SA PAGBEBENTA NG COVID VACCINES PINALALATAG SA LGUs
KAILANGANG gumawa ng ordinansa ang Local Government Units (LGUs) na magbibigay ng kaukulang kaparusahan sa mga indibidwal na magbebenta ng COVID-19 vaccines o vaccination slots. Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay sa gitna ng ulat ng sinasabing money-making scheme. “Dapat magpasa ng lokal na ordinansa ang LGUs rito para sa malinaw na basehan ng parusa,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. “Libre po ang lahat ng bakuna dahil lahat po ng bakuna ay hindi approved for commercial use. This selling is swindling, if not a violation of FDA law,”…
Read MoreMAYNILA AT RUSSIA MAGKATUWANG SA VACCINE PROCUREMENT
MASIGASIG ang Maynila na makipag-partner sa Moscow pagdating sa vaccine procurement at manufacturing habang patuloy na nakikipaglaban ang global community sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. “As the virus will be with us for many years to come, in one form or another, the Philippines is interested in cooperating with Russia in localizing vaccine manufacturing,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Elizabeth Buensuceso sa isang virtual conference para sa pagdiriwang ng ika-45 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia. “Vaccine cooperation with Russia is not only limited to the…
Read MoreMGA ESTUDYANTE, PAGLAANAN NG PFIZER VACCINES
PABOR si Senate Committee on Basic Education, Culture and Arts Chairman Sherwin Gatchalian na ireserba ang mga Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga estudyante. “I am in favor of that, looking at the trends in the US, that they really started vaccinating teenagers. And this is a good sign because, again, parents are very emotional when it comes to face-to-face classes and allocating vaccines for teenagers will build that confidence up,” pahayag ni Gatchalian. Aminado naman si Gatchalian na hindi pa nito matutukoy kung kailan maaari nang bakunahan ang kabataan.…
Read MoreKahit sa brand ng bakuna PINOY MAS PABOR SA ‘STATESIDE’
TANGGAP ng Malakanyang na mas maraming Filipino ang humahanga sa mga produktong ‘stateside’ kaya hindi na ito nagulat sa lumabas na survey ng Social Weather Station (SWS) na mas nais ng mayoryang Pinoy ang mga bakunang ginawa sa Estados Unidos. Sinasabi kasi sa survey na 63% ng mga Filipino ang mas pabor sa paggamit ng mga US-manufactured vaccine. “Well, naintindihan naman po natin ‘yan ‘no na talaga namang sa ating kasaysayan ay ang mga Pilipino ay mas humahanga sa mga stateside ‘no. Pero ang mensahe lang po natin, bagama’t mayroon…
Read MoreKULONG SA MAGBEBENTA NG BAKUNA, SLOT
IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot. Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain. “Well, yan po ay pinagbabawal. Wala pong bakuna na binebenta dahil wala pa pong bakuna na binigyan for commercial use kaya po hindi dapat ibenta ang mga bakuna eh lahat po iyan ay nasa Emergency Used pa lamang. Hindi pa…
Read More