STRATEGY SA CEBU PAG-AARALAN NG DOH

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na alamin kung bakit gumana ang COVID-19 protocols na ipinatupad sa Cebu City partikular na ang swab-upon-arrival policy para sa overseas Filipino workers (OFWs) at returning overseas Filipinos (ROFs). Layon ng nasabing kautusan na alamin kung maaaring i-apply ang estratehiya sa ibang rehiyon. Sinabi ni Governor Gwen Garcia na tinuran ni Pangulong Duterte sa IATF “see if these could possibly be a way or innovation to be adopted” sa iba’t ibang lugar sa bansa at magsumite sa kanya…

Read More

PFIZER VAX MULA SA COVAX LAAN SA POOR POPULATION

HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa COVAX facility. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng COVAX facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng targeted population at iyong mga mabibigyan naman ng vaccine na ito na mula sa COVAX. Aniya, ang Pfizer na hindi manggagaling sa COVAX facility ay talagang ilalaan para sa mga healthcare worker, senior citizens at may comorbidities…

Read More

7 PATAY SA COVID-19 SA 3 CAMANAVA CITIES

NAKAPAGTALA ng pitong namatay sa COVID-19 ang tatlong lungsod sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hunyo 1. Ayon sa ulat, apat ang namatay sa nasabing petsa sa Caloocan at umabot na sa 966 ang active cases. Pumalo na sa 32,459 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 30,544 na ang gumaling at 948 ang namatay. Dalawa naman ang patay sa Malabon City at pumanhik na sa 440 ang COVID death toll sa lungsod. Bukod dito, 23 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan…

Read More

IATF ‘DI MAKIKIHATI SA BAKUNA NG PRIVATE SECTOR

IKINATUWA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 na hindi na makikihati sa biniling COVID-19 vaccines ng pribadong sektor. “This is great news!” ani House Committee on Constitutional Amendment chairman Alfredo Garbin Jr., matapos ihayag umano ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na hindi na makikihati ang gobyerno sa private sector. Magugunitang pinayagan ng gobyerno ang pribadong kumpanya na bumili ng sariling bakuna para sa kanilang mga empleyado subalit kailangang i-donate ng mga ito sa gobyerno ang kalahati sa kanilang biniling gamot. Gayunpaman, biglang…

Read More

ZERO COVID POSITIVE NAITALA SA MAYNILA, NAVOTAS

IBINIDA ni Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso na sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magbigay ng libreng RT-PCR testing o swab testing noong isang taon, ang lungsod ay nakapagtala ng ‘zero positive’ case sa loob ng isang araw at ito ay noong May 29, 2021. Ayon sa alkalde, ito ay base sa ulat na ipinadala sa kanya ni Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital na siyang nagsisilbi bilang pangunahing ospital pagdating sa mga kaso ng COVID-19. Ang nasabing report ay naglalaman ng daily count ng samples ng specimen na natanggap at naproseso…

Read More

SA PILIPINAS LANG SOLUSYON ANG ‘CHACHA’ LABAN SA EKONOMIYANG PINABAGSAK NG COVID – 19

WALA akong nabalitaang bansa na hindi inabot at inatake ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Lahat ng bansa pinasok, ngunit magkakaiba nga lang ang antas ng perwisyong inabot nila. May napakatindi at mayroong maliit lang ang tama. Lahat ng matindi ang atake ng COVID-19 ay matindi ang epekto sa ekonomiya, kabilang na ang mauunlad na mga bansa tulad ng Amerika, Rusya, Japan, Italy at China. Nagtulong ang kani-kanilang mga pamahalaan at pribadong sektor upang mapigilan ang masamang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya, sa negosyo at sa mamamayan. Ngunit, wala akong nabalitaang…

Read More

Hangga’t hindi nababakunahan ang 70% population SENIORS STAY-AT-HOME PA RIN

BINIGYANG-LINAW ng Malakanyang na hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizen lalo na’t kung “fully vaccinated” na ang mga ito laban sa COVID-19 na lumabas ng kanilang tahanan. Tugon ito sa pagbabawal pa rin sa mga nakatatanda na magtungo sa matataong lugar gaya ng mall o mga saradong establisimyento tulad ng mga restaurant. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, puwede aniyang lumabas ang mga senior citizen para bumili ng kanilang pangangailangan. Bukod dito ay pinapayagan din ang mga senior citizen na mag-ehersisyo para sa health promotion. Kinakailangan aniya kasi na…

Read More

MALAKANYANG TINIYAK NA WALANG DISKRIMINASYON SA BAKUNA

PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng ilang Local Government Units (LGUs) na magamit sa pulitika ang pamamahagi ng bakuna lalo pa’t nalalapit na ang halalan sa bansa. Pinangangambahan kasi ng mga hindi kaalyadong LGU o sinomang makakalaban sa 2022 ng administrasyon na baka hindi sila makasama sa prayoridad ng vaccine program ng pamahalaan. Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi uubrang magkaroon ng diskriminasyon sa pagbabakuna dahil kokontra ito sa inaasam-asam na target ng vaccination program ng gobyerno. Sinabi ng kalihim na kailangan lamang pairalin ang patas na pagpigil…

Read More

Sa COVID-19 vaccine CHINESE, RUSSIAN BRAND ‘DI TANGGAP SA US, EUROPE

HINDI tanggap sa mga bansa sa Europe at Amerika ang mga bakunang gawa sa China at Russia. Ngunit para sa Malakanyang, ngayon pa lamang ay kailangan magdalawang-isip ang mga nasabing bansa at ikonsidera ang kanilang pasya. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi dapat kalimutan ng dalawa na bukod sa China ang may pinakamaraming populasyon sa buong mundo ay ito na aniya ang magiging largest economy on Earth. Aniya pa, dapat na mag-isip ang Estados Unidos at Europe sa pagkukonsidera ng mga itong pigilan ang mga bakunadong foreigner ng China…

Read More