3 PARI NAMATAY SA COVID-19

COTABATO CITY – Tatlong pari ang pumanaw matapos na tamaan ng COVID-19 sa lungsod na ito. Kinilala ang mga nasawing pari na sina Fr. Loreto Sandoy, Fr. Rex Bacero at Fr. Eliseo ‘Jun’ Mercado, OMI. Si Fr. Sanoy ay nasawi noong Sabado ng gabi habang si Fr. Bacero ay sumakabilang buhay ala-1:00 ng madaling araw noong Sabado. Sinabi ni Cathedral Parish Rector Fr. Ben Toreto, si Father Sanoy, 78, na parish vicar ng Our Lady of the Holy Rosary parish, ay nagreklamo ng hirap sa paghinga at pagkawala ng panlasa…

Read More

1 natodas sa Navotas 4 DAGDAG SA COVID CASUALTIES SA CALOOCAN

APAT ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa ang binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit sa Navotas City noong Mayo 23. Pumalo na sa 30,460 ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan, kung saan 28,502 na ang gumaling, 888 ang namatay at 1,070 ang active cases. Samantala, 10,782 na ang nasapul ng pandemya sa Navotas, at sa nasabing bilang ay 10,277 na ang gumaling, 356 ang namatay at 149 ang active cases. Nanatili namang 435 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang walang naitalang namatay. Wala…

Read More

Para sa mabilis na pagbabakuna DOCTORS SA CALOOCAN HINIKAYAT TUMULONG

NAKIPAGPULONG ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oca Malapitan, sa pamunuan ng ilang mga pribadong ospital sa lungsod hinggil sa isinasagawang COVID-19 mass vaccination program. Layunin ng pagpupulong na hingin ang tulong at hikayatin ang mga doktor at iba pang health workers, partikular na sa mga pribadong ospital, na boluntaryong makiisa sa mass vaccination program ng lungsod upang mas mapabilis ang pagbabakuna sa mamamayan. Kabilang sa mga nag-commit para umagapay sa mass vaccination program ay ang Nodado General Hospital – 3 MDs (including Dr. Olivia Favor) and…

Read More

MABILIS NA VACCINATION IBINIDA NG MANILA LGU

IBINIDA ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na ang kanilang lugar pa rin ang nangunguna sa mabilis na deployment at pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa National Capital Region (NCR). Ayon sa NCR Overall Summary report ng Regional Vaccination Operations Center, lumilitaw na ang Maynila ay nakapagbakuna ng kabuuang 188,146 residente ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine. Karamihan umano sa mga nabakunahan ay mga indibidwal na nasa ilalim ng A3 category o persons aged 18 to 59 with comorbidities, sinundan naman ng senior citizens at medical and health frontliners.…

Read More

11 PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES

MULING nakapagtala ng 11 namatay sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon at Navotas noong Mayo 21, nabatid sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, siyam ang namatay sa Caloocan City at 1,173 ang active cases. Pumalo na sa 30,311 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 28,261 na ang gumaling at 877 ang namatay. Pumanhik naman sa 435 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na isang pasyente ang namatay. Habang 16 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,926 ang positive cases sa…

Read More

51% kumpiyansa mababawasan pa TAKOT SA BAKUNA PALALALAIN NG DOH

(BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN ng isang mambabatas sa Kamara na lalong lalala ang vaccine hesitancy dahil sa kautusan ng Department of Health (DOH) sa mga local government unit (LGUs) na ilihim sa publiko ang brand ng bakuna sa kani-kanilang vaccination sites. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, lalong magdadalawang-isip ang mga tao na pumunta sa vaccination sites kapag hindi nila alam kung anong bakuna ang ituturok sa kanila. “Vaccine hesitancy won’t be solved by giving the people more reasons to be hesitant. This kind of lousy policy-making denies the people…

Read More

Palasyo matabang sa suhestyong magsama sa info drive DUTERTE-ROBREDO TANDEM MALABO

MATABANG ang Malakanyang sa ideya na magtambal sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice-President Leni Robredo para sa isang vaccine infomercial. Nanawagan kasi si Senator Joel Villanueva sa pagtatambal nina Pangulong Duterte at VP Leni para sa isang infomercial na manghihikayat sa publiko upang magpabakuna kontra COVID-19. Ayon kay Villanueva, tila magiging mabisa kung maglalabas ng joint public service announcement ang pangulo at ang bise pangulo upang makumbinse ang malaking populasyon ng mga Filipino na ligtas at epektibo ang bakuna. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na mangyayari lamang ang…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT MAGPABAKUNA KAHIT ANONG BRAND

NILINAW ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kung ano ang available na brand name ng bakuna, iyon ang binili ng pamahalaan upang magamit ng mas nakararaming mamamayan at makamit ang herd immunity. Sa pahayag, sinabi ni Go na pahirapan kasi ang supply ng bakuna dahil sa pag-aagawan ng lahat ng bansa kaya kung ano ang available, ito ang nabibili ng gobyerno. Ayon kay Go, ang ilan naman ay donasyon habang ang iba ay nabibili sa pamamagitan ng COVAX facility na pinamumunuan ng World Health Organization. Sinabi ni Go na…

Read More

BPO PERSONNEL, COMELEC EMPLOYEES PASOK NA SA A4 PRIORITY CATEGORY

INILAGAY ng pamahalaan ang business process outsourcing (BPO) sector personnel at Commission on Elections frontline employees sa ilalim ng A4 priority category ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito’y nakapaloob sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 116 na in-adopt ngayong linggo. Maliban sa BPO sector at Comelec personnel, ang liquefied petroleum gas (LPG) dealers, retailers, at attendants ay inilagay din sa ilalim ng A4.2 priority list. Ang A4 sector ay kinabibilangan ng mga manggagawa na required na pisikal na mag-report sa…

Read More