ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Hindi pa umano clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa para emergency use sa bansa. “The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate use,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Matatandaang noong Pebrero, ang Philippine drug regulator ay nagbigay sa security team ng compassionate use license para sa 10,000 Sinopharm shots. Bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, “entitled” si…
Read MoreCategory: COVID-19
3K DOSES NG SPUTNIK V IBINAHAGI SA MAYNILA
TINANGGAP ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang 3,000 doses ng Sputnik V, bakunang gawa ng Gamaleya mula sa Russia para sa A1 category na kinabibilangan ng doctors, nurses at iba pang health frontliners na hindi pa nabakunahan. Ang pagtanggap sa bagong doses ng bakuna kontra COVID-19 ay pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna. Ayon sa alkalde, agad ipamamahagi ang bakuna sa sandaling magbigay ng go signal ang Department of Health (DOH). Nagpasalamat din ang alkalde kina Pangulong Rodrigo Duterte, DOH Sec. Francisco…
Read MoreLOWEST COVID CASES NAITALA SA NAVOTAS AT CALABARZON
NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na mga kaso sa lungsod ay sumadsad sa 33. Ang estadistikang inilabas ng OCTA ay batay sa seven-day average mula Abril 25 hanggang Mayo1 kumpara sa peak seven-day average ng mga lokal na pamahalaan. “We attribute this milestone…
Read More7 NEW COVID DEATHS SA CAMANAVA
NAKAPAGTALA ng pitong bagong namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 3, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, apat ang patay sa Caloocan City at 1,559 ang active cases. Pumalo na sa 26,886 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 24,564 na ang gumaling at 763 ang namatay. Dalawa naman ang namatay sa Navotas City at 413 ang active cases makaraang 16 ang nagpositibo at 31 ang gumaling. Sumampa na sa 10,528 ang tinamaan ng COVID sa siyudad,…
Read MoreDUTERTE NABAKUNAHAN NA
NAGPABAKUNA na ngayon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa COVID-19. Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine, bakunang gawa ng China. Saksi naman si Senador Bong Go sa pagbakuna sa pangulo na 76 taong gulang na. Sa kaliwang bahagi ng braso nagpaturok ng bakuna ang Chief Executive. Dahil dito, matitigil na ang pagtatanong ng publiko kung kailan magpapabakuna ang pangulo na isa na ring senior citizen. (CHRISTIAN DALE) 180
Read MorePagbasura sa locally-made PPEs sisilipin sa Kamara PINOY WORKERS NILAGLAG PARA SA CHINA
(BERNARD TAGUINOD) NAGKASA ng imbestigasyon ang Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso upang alamin kung bakit pinaboran ng gobyerno ang pagbili ng personal protective equipments (PPEs) mula sa China kumpara sa gawang Filipino. Base sa House Resolution (HR) 1735 na inakda ng Makabayan bloc, inatasan ng mga ito ang House committee on trade and industry na magsagawa ng imbestigasyon. Hindi sinabi ng mga mambabatas kung ilang bilyong piso ang halaga ng PPEs na inaangkat ng Pilipinas sa China subalit kabilang ito sa pinondohan ng Kongreso sa ilalim ng Bayanihan…
Read MoreALAMINOS MAYOR PUMANAW SA COVID-19
LAGUNA – Pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19) si Alaminos, Laguna Mayor Eladio Magampon. Sa official Facebook page ng alkalde, inihayag na sumakabilang buhay ang alkalde noong Linggo ng umaga matapos magpositibo sa COVID-19. Ang alkalde ay pumanaw, anim na araw bago ang kanyang ika-77 na kaarawan sa Mayo 8. Nagluluksa ngayon ang buong bayan ng Alaminos sa pagpanaw ng kanilang mayor na isa ring doktor. Si Mayor Magampon ang ikalawang mayor ng Laguna na nasawi dahil sa nakahahawang sakit. Noong Marso 29, pumanaw rin dahil sa COVID-19 si Famy…
Read More5,754 DAGDAG NA CONTACT TRACERS SA NCR
LUMAGDA sa kasunduan noong Sabado (Labor Day) ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na kinabibilangan ng DILG, DOLE, at MMDA para sa deployment ng 5,754 na bagong contact tracers para sa National Capital Region. Bilang bahagi ng pinaigting na contact tracing effort ng pamahalaan, nagkasundo ang mga nasabing ahensya sa implementing guidelines para sa hiring, training, at deployment ng 5,754 contact tracers (CTs) sa NCR. Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang nasabing bilang ng contact tracers ay mas marami ng 1,000 sa 4,754 CTs na naunang ipinangako ng…
Read MoreNEW COVID VARIANTS MAHIRAP MA-PREDICT – SEC. DIZON
“VERY unpredictable at napakahirap i-predict ng new variants ng COVID-19.” Ito ang pag-amin ni testing czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds noong nakalipas na taon. Sinabi ni Dizon na nararanasan din maging sa ibang bansa ang nangyaring ito sa Pilipinas partikular na sa India. Aniya pa, nakakaawa ang nasabing bansa dahil sa kinakaharap ngayong matinding epekto ng…
Read More