10 PA PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES

NADAGDAGAN ng sampung namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Abril 30, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, lima ang namatay sa Navotas City at 584 ang active cases matapos na 53 ang nagpositibo at 81 ang gumaling. Sumampa na sa 10,460 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa naturang bilang ay 9,546 na ang gumaling at 330 ang namatay. Tatlo ang patay sa Caloocan City at 1,547 ang active cases. Pumalo na sa 26,331 ang confirmed cases sa…

Read More

DAILY ATTACK RATE SA PINAS MATAAS PA RIN

NANANATILING nasa high risk level ang daily attack rate ng COVID-19 sa bansa. Ito’y dahil may 19 hanggang 55 bagong COVID-19 case kada 100,000 population. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque Roque ay kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa extension ng implementayson ng MECQ protocol sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na kasama sa tinatawag na NCR Plus hanggang Mayo 14. Ipinagbabawal sa mga lugar nasa ilalim ng MECQ ang mga non-essential trips habang pinapayagan naman ang non-essential businesses at services na mag-operate…

Read More

DINE-IN, SALON PWEDE NA ULIT

PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang dine-in operations sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). Pinapayagan na rin na mag-operate ang mga barbershop, beauty parlors, at iba pa sa 30% capacity sa MECQ. Sa isang kalatas na ipinalabas ni Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), nitong Huwebes, ang rekomendasyon na payagan ang mga restaurant, eateries, commissaries, at iba pang food preparation establishments na ibalik na ang kanilang indoor dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ sa inisyal na 10%…

Read More

CONG. TIANGCO TINAMAAN NG COVID

INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na positibo siya sa COVID-19 makaraang lumabas sa kanyang RT-PCR test na kumpirmado ang naging resulta nito. Sa post niya sa kanyang Facebook account, unang sinabi ni Cong. Tiangco na nagpositibo siya sa kanyang antigen test kaya’t agad siyang nagpa-RT-PCR test. “Mabuti naman po ang aking pakiramdam at kasalukuyan po akong naka-quarantine. Patuloy po akong magbibigay ng ulat sa inyo tungkol sa aking kalagayan,” ani Cong. Tiangco. Nanawagan siya sa kanyang mga nakasalamuha na mainam na magpa-swab test para sa kanilang kaligtasan.…

Read More

GENERAL PUBLIC VACCINATION SA AGOSTO

TARGET ng Pilipinas na simulan ang COVID-19 vaccination sa general public sa Agosto. “Sa August, we are targeting na ‘pag dumagsa na ang ating mga vaccine, puwede na tayong magkaroon ng general public vaccination,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi. Noong nakaraang buwan, sinabi ni Galvez na kumpiyansa siya na sisipa ang pagbabakuna sa general population sa huling bahagi ng Abril o sa unang bahagi ng Mayo. Ngayon ay sinabi ni Galvez, target nilang tapusin…

Read More

Hamon kay Duque kung patuloy na ipagagamit sa COVID patients GADON: PRESYO NG REMDESIVIR GAWING ABOT-KAYA

(NELSON S. BADILLA) KUNG magmamatigas ang Department of Health (DOH) na patuloy na ireseta sa mga tinatamaan ng COVID-19 ang gamot na Remdesivir, nararapat lang na ibaba nila ang presyo nito upang hindi madagdagan ang paghihirap ng mga pasyente. Binigyang diin ito ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon kasabay ng pagtiyak na kanilang kakasuhan kasama si Anakkalusugan Rep. Michael “Mike” Defensor ang kumpanyang gumagawa ng Remdesivir dahil sa overpricing nito. Ang Remdesivir ay sinasabing gamot laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19), ngunit idiniin ng World Health Organization (WHO) na “ineffective” ito laban…

Read More

TRIAL ORDER NG SPUTNIK V NAUDLOT NA NAMAN

KINUMPIRMA ng Malakanyang na hindi matutuloy ang pagdating sa bansa ng 15,000 trial order ng Sputnik V dahil sa logistical challenges. Ito ang ikalawang pagkakataon na naantala ang pagdating sa bansa ng 15,000 doses ng Sputnik V mula sa Russia Gamaleya Research Institute. “We confirm that logistical challenges resulted in the delay of the arrival of 15000 trial order of Sputnik V,” ani Sec. Roque. “Challenges resulting from there being no direct flights from Russia and that vaccine requires -20 temp,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. Kaugnay nito, kaagad…

Read More

METRO MAYORS PABOR SA FLEXIBLE MECQ

PABOR ang mga alkalde ng Metro Manila na isailalim sa ‘flexible MECQ’ ang kalakhang Maynila sa susunod na linggo. Sa kabila nito, desisyon pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong qurantine status ang ipatutupad sa pagtatapos ng MECQ sa National Capital Region (NCR) Plus bubble ngayong Biyernes, April 30, 2021. Sa panayam ng RMN kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binigyang-diin nito na rekomendasyon pa lamang ang ibinigay sa pangulo at ihahayag niya ang desisyon dito sa kanyang “talk to the nation on COVID-19” Miyerkoles ng gabi (kahapon). Ayon kay…

Read More

SINTOMAS NG COVID-19 TUMATAGAL NG 6 BUWAN

SINIMULAN na ang pag-aaral ng mga developed country ukol sa natuklasan ng mga eksperto na kondisyon ng mga COVID-19 patient na nakararanas pa rin ng sintomas ng virus ng hanggang anim buwan na tinatawag na long COVID o long haulers. Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) sub-technical working group member on data analytics Dr. John Wong na nakita ng mga Foreign health expert na 20 hanggang 30 porsiyento ng mga pasyente ang mayroon pa ring COVID-19 symptoms makalipas ang anim na buwang gamutan. Aniya, hindi pa batid ng karamihan ang…

Read More