Paalala ni Go sa DOH HEALTH CARE SYSTEM BANTAYAN VS PAGBAGSAK

HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health (DOH) na mahigpit na bantayan ang healthcare system ng bansa upang maiwasan itong bumagsak sa gitna ng dumadaming kaso ng COVID-19. Sa pahayag, sinabi ni Go na dapat mayroon pang mga bakanteng ospital para sa severe at critical cases ng sakit. Ayon kay Go, ayaw niyang mangyari na walang matakbuhan ang mga naghihingalo at namamatay sa emergency room dahil wala nang hospital beds para sa kanila. Inihayag pa ni Go na anuman ang maging  desisyon ng IATF hinggil sa…

Read More

17 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA

UMABOT sa 17 katao ang nadagdag sa mga namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area nitong Abril 27, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, anim ang patay sa Caloocan City at 1,673 ang active cases. Pumalo na sa 25,608 ang confirmed cases, sa bilang na ito ay 23,209 na ang gumaling at 732 na ang namatay. Lima naman ang patay sa Valenzuela City at 1,043 ang active cases makaraang 167 ang nagpositibo at walo lamang ang gumaling. Sumampa na sa 16,916 ang confirmed cases…

Read More

Dumalo sa community pantry ni Angel Locsin 3 ASYMPTOMATIC, 1 MAY HEADACHE

APAT kakao na kabilang sa mga dumalo sa community pantry ni Angel Locsin kamakailan, ang isinailalim sa libreng COVID-19 testing ng Quezon City. Ayon kay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) chief, Dr. Rolando Cruz, tatlo sa apat na nai-book sa swab appointments ng siyudad, ay asymptomatic o walang ipinakitang mga sintomas, habang ang isa ay nakararanas ng ‘headache, loss of smell and loss of taste’. “Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days. So, we call on…

Read More

GCQ ‘DI PA UUBRA SA NCR PLUS

WALANG nakikitang indikasyon si Inter-Agency Task Force (IATF) sub-technical working group member on data analytics Dr. John Wong para magpatupad ng mas maluwag na quarantine protocol sa susunod na buwan. Hayagang sinabi ni Wong, isa sa think tanks sa IATF na hindi niya irerekomenda na mag-shift na sa GCQ. “Right now, without seeing any indicators, I would not recommend it. So it’s like driving, I mean, you have to check first whether your car is in good working condition, before you undertake a long trip or move forward,” ayon kay…

Read More

Sa pag-akyat sa 1M COVID cases MAG-FOCUS SA DAMI NG MGA GUMALING

NANAWAGAN ang Malakanyang sa publiko na huwag tingnan ang kabuuang pigura ng mga naitala nang kaso ng COVID-19 sa bansa na nasa higit isang milyon na. Ang panawagan ni Presidential spokesperon Harry Roque ay makita sana ng mamamayan ang bilang ng mga gumaling o nakarekober mula sa virus at hindi ang total figures. Sinabi nito na ‘di hamak na malaki ang mahigit 900,000 recoveries kung ikukumpara sa higit 1 daang libong active cases. Kung tutuusin ay humusay pa nga aniya ang ranking ng Pilipinas kaugnay ng mga bansang may pinakamaraming…

Read More

Sa overpriced COVID-19 medicine OSPITAL, HEALTH OFFICIALS KAKASUHAN

(BERNARD TAGUINOD) KINUHA nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang serbisyo ni Atty. Lary Gadon para sampahan ng kaso ang mga ospital at health officials na sobra-sobra ang ipinapatong sa remdesivir na itinuturok sa mga pasyente kahit ipinagbawal ito ng World Health Organization (WHO) at walang pruweba na nakagagamot ito ng COVID-19. “Gusto lang sana na matulungan ninyo (ang mga biktima) kasama rin po kami tutulong din po sa inyo pero bilang kayo na tumutulak ng ganitong adbokasiya sa kalusugan, ang ating mga kababayan na…

Read More

Palasyo sa organizers ng community pantries PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS TIYAKIN

PINAALALAHANAN ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga organizer ng community pantries na makipag-ugnayan sa mga barangay official at iba pang local executives upang matiyak na masusunod ang minimum public health standards para maiwasan ang hawahan ng COVID-19. Ito’y sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga tao sa mga community pantry sa iba’t ibang lugar na pinangangambahan ng mga eksperto na posibleng pagmulan ng lalo pang pagkalat ng virus. Samantala, suportado ng Malakanyang ang ipinalabas na gag order ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa dalawang tagapagsalita ng…

Read More

Mandatory vaccination itinulak sa Kamara MULTA, KULONG SA TATANGGI

GAGAWING mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus diseases 2019 o COVID-19 at sinoman ang tatanggi ay pagmumultahin at ipakukulong bilang parusa. Ito ang nakapaloob sa House Bill (HB) 9252 na inihain ni Dasmariñas City, Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., kung saan aamyendahan ang ilang probisyon sa Republic Act (RA) 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2020″. Ginawa ni Barzaga ang nasabing panukala dahil mayorya pa rin aniya sa mga Filipino ay may pagdududa sa COVID-19 vaccines gayung ito lamang ang paraan para makabalik na sa normal ang bansa. Tinukoy…

Read More

Sa Bulacan Juvenile Center 95 COVID-19 POSITIVE NAKAREKOBER NA

NAKAREKOBER na mula sa coronavirus disease 2019 ang 95 katao na pawang “children in conflict with the law” (CICL) at mga kawani at jail guards ng Juvenile Center o ang Bahay Tanglaw Pag-asa (BTP) sa Bulacan matapos makumpleto ang 21-day quarantine. Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, provincial health officer II at hepe ng Bulacan Medical Center (BMC), kabilang dito ang 80 youth inmates o CICL, siyam na Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) workers at anim na jail guards. Kinumpirma rin ito ni Ret. Col. Marcos Rivero, head…

Read More