UMAABOT sa 26 bangkay kada araw ang libreng isinasalang sa cremation sa Manila North Cemetery para sa mga residenteng namatay sa COVID-19. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinimulan ang libreng cremation sa MNC noong kasagsagan ng pandemya ng nakaraang taon. Aminado naman si Moreno na tutol ang kanyang kalooban sa pagkakaloob ng ganitong uri ng serbisyo dahil labis aniya siyang nalulungkot tuwing nakaririnig ng mga residenteng namamatay dahil sa COVID-19. “I don’t like giving that kind of service. Hearing about deaths taking place in the city never…
Read MoreCategory: COVID-19
10 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA
SAMPU pa ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 24, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, anim ang namatay sa Caloocan City at lumobo sa 1,956 ang active cases. Pumalo na sa 24,964 ang total confirmed cases, sa bilang na ito ay 22,295 na ang gumaling at 713 na ang namatay. Umakyat naman sa 387 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na dalawang pasyente ang namatay. Bukod dito, 81 ang nadagdag na confirmed cases at 11,833 na…
Read More100K NG BAGONG BATCH NG SINOVAC UUBUSIN SA MM
PUNTIRYA ng gobyerno na ubusin ang mga dumating na 500,000 doses ng Sinovac vaccine sa loob lamang ng isang linggo. Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, ilalatag nila ang deployment ng dalawa hanggang tatlong araw. Tinatayang 100,000 ng 500,000 doses ng Sinovac ang mapupunta sa Metro Manila. “Matatapos po ito within 2 to 3 days ang deployment at inaasahan po natin na iyong administration nito is within 1 week matatapos po kaagad,” ayon kay Galvez. Sa kabilang dako, tuloy- tuloy pa rin ang pagdating ng bakuna galing ng China.…
Read MoreVACCINATION PROGRAM MARARAMDAMAN SA OCT.-NOV.
TINIYAK ni Vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na mararamdaman ang lubhang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 kapag nabakunahan na ang mayorya ng mga nasa highly urbanized cities gaya ng Metro Manila. Sinabi ito ni Galvez sa gitna ng inaasahan pang pagdating ng mga bakuna sa bansa at ginagawang vaccination program. “Ang nakikita natin kapag once nabakunahan natin majority ng mga affected na tinatawag nating highly urbanized cities like Metro Manila, kapag nakuha natin iyan nakikita natin na siguro by October or November nakikita natin iyong epekto…
Read MorePinoy pwede nang maging choosy 7 BRANDS NG COVID VAX MAGAGAMIT SA AGOSTO
MAAARI nang makapamili ang mamamayan kung anong brand ng bakuna laban sa COVID-19 ang nais nilang iturok sa kanila pagdating ng buwan ng Agosto hanggang Disyembre. Siniguro ni vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na may pitong vaccine brands na ang nasa bansa sa mga nasabing buwan. Sa kasalukuyan ay tanging Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang nasa bansa at inaasahan naman ang pagdating ng Gamaleya ng Russia. Bukod dito, tatanggap din aniya ang Pilipinas ng Moderna, Novavax, at Johnson & Johnson gayundin ng Pfizer. “Halos lahat po…
Read MoreDOH, DOST kinalampag sa Ivermectin CLINICAL TRIALS BILISAN – DEFENSOR
HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) na bilisan ang clinical trial sa Ivermectin at huwag nang paabutin ng ilang buwan upang mailigtas ang buhay ng mga tao sa COVID-19. “Lives are at stake here. We could save many lives with the use of this popular P35-per-tablet experimental drug. The results of the trials ordered by President Duterte should be available soon,” ani Defensor. Ayon sa mambabatas, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos na isailalim sa…
Read MorePRESO SA CAVITE NASAWI SA COVID-19
CAVITE – Dinapuan ng COVID-19 ang isang 54-anyos na preso na nagresulta sa pagkamatay nito habang nasa loob ng kanyang selda sa Trese Martires City, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang namatay na si Reynaldo Sabas, nakakulong sa Trece Martires City Custodial Center dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Richard Chavez ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-8:30 noong Huwebes ng umaga nang mapansin ng isang Francisco Escuin, kasamahang preso ng biktima, na nahihirapang huminga…
Read More25 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA
MULING nakapagtala ng 25 na namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 22, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, 13 ang patay sa Caloocan City at 1,724 na ang active cases. Pumalo na sa 24,405 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 21,984 na ang gumaling at 697 na ang namatay. Anim naman ang patay sa Valenzuela City at 1,230 ang active cases makaraang 148 ang gumaling ngunit 167 naman ang nagpositibo. Sumampa na sa 16,255 ang nasapol…
Read MoreDUQUE NABAKUNAHAN NA NG SINOVAC
IBINIDA ni Health Secretary Francisco Duque III na maging siya ay naturukan na rin ng bakuna kontra COVID-19. Base sa report, isinagawa ang pagbabakuna ng unang dose ng Sinovac vaccine kay Duque sa gym ng Department of Health (DOH) sa Manila bandang alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes. Dumaan muna umano ang kalihim sa screening process bago tuluyang binakunahan. “As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected,” pahayag pa ni Duque, matapos mabakunahan. “Let us all take…
Read More