Kinuwestyon ni Defensor REMDESIVIR SUPPLIER SPONSOR NG MGA DOKTOR

(BERNARD TAGUINOD) KINUWESTYON ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pag-sponsor ng isa sa pinakamalaking supplier ng remdevisir sa mga aktibidad ng mga organisasyon ng mga doctor sa bansa. Sa moto propio investigation ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay, naglabas si Defensor ng mga larawan na nagpapakita ng sponsorship ng Biocare Lifescience Inc. sa ilang aktibidad ng mga doctor. “Hindi po ba ang Biocare Lifescience ang biggest distributor ng remdesivir? Kanya po ang Evapharma at saka yung Jubilant…

Read More

BOOSTER SHOTS KONTRA NEW COVID VARIANTS

GUMUGULONG na ang clinical trial sa booster shots na nalikha ng Moderna. Sinabi ni Phil. Ambassador to US Jose Romualdez, na-develop na ang booster na sa sandaling mabigyan ng Emergency Use Authorization ay baka magamit na sa Setyembre. Aniya, malaking tulong ang booster shots para makapagbigay pa ng dagdag na bisa sa mga bakuna lalo’t iba-iba ang variants na nagsusulputan. “Now the other good news, na ibinigay sa akin ng Moderna is that mayroon silang booster shots that they have already developed and they are now on clinical trials. Ito…

Read More

10-DAY QUARANTINE SA OFWs ITINUTULAK

MAAARING gawing 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW. “So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang health expert mula sa Technical Advisory Group (TAG) sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkoles. “Basta walang symptoms, we can do it 10 days,” paglilinaw ni Salvana.…

Read More

Sa mga tinamaan ng COVID-19 5 PATAY KADA ARAW SA PGH

UMABOT na sa limang COVID-19 patients ang binabawian ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) kada araw sa loob ng nakalipas na tatlong linggo. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, na base sa kanilang daily census, halos nasa limang pasyente na may COVID-19 ang nasasawi kada araw. Aniya, umaabot sa pito hanggang sampung COVID-19 patients ang dumadating o naa-admit sa kanilang ospital, at lima sa mga ito ang binabawian ng buhay. Kung minsan din naman aniya ay “dead on arrival na” o very critical ang…

Read More

KALIGTASAN NG CONTACT TRACERS TINIYAK

TINIYAK ng Malakanyang na ligtas mula sa COVID-19 ang mga contact tracer. Ito’y dahil kabilang din sa mga binabayaran ng PhilHealth ang COVID-19 test ng lahat ng contact tracers sa bansa. Layon nito na matiyak na hindi nakapagdadala ng virus ang mga contact tracer sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kasama ang mga trucker sa mga economic frontliners na kailangang sumailalim sa regular na PCR o antigen test kung saan wala aniya silang babayaran na anomang halaga. Binigyang diin ni Sec. Roque na sapat…

Read More

PUYAT UMAASANG WALA NANG EXTENSION ANG MECQ

UMAASA si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na aalisin na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan nito sa pagtatapos ng nasabing kwarantina sa Abril 30. Ani Puyat, malaki ang maitutulong sa bansa ng pagsulong ng turismo nang tuluy-tuloy dahil nakaaambag ito sa ekonomiya, sa kabuuan, at sa mga nagtatrabaho sa industriya ng turismo, sa partikular, kung tuluyan nang matatapos ang MECQ. Nakakonteksto ang pagbubukas ng turismo sa NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan (kolektibong tinawag na NCR Plus) sa desisyon ng Inter-Agency…

Read More

WALK-IN VACCINATION BUKAS NA RIN SA NAVOTAS

SA layuning mapabilis ang pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 ay inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Navotas City ang walk-in vaccination sa lungsod. Base sa sitwasyon ng lungsod, inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk-in vaccination sa Kaunlaran High School. “We did a trial yesterday and we were able to inoculate 244 of the 300 target vaccinees. We were glad of this turnout and decided to implement the system in three other vaccination…

Read More

Ipinoporma sa Kamara laban sa mga hindi magpapabakuna NO ENTRY SA MALLS, WORKPLACE

DAHIL mayorya pa rin sa mga Filipino ang ayaw magpabakuna, nais ng isang beteranong mambabatas na gumawa ng batas ang Kongreso para protektahan ang mga nabakunahan na laban sa anti-vaxxers o ang ayaw magbakuna ng COVID-19 vaccines. Ginawa ni Cavite Rep. Elipidio “Pidi” Barzaga Jr. ang nasabing ideya matapos lumabas sa survey ng University of the Philippines-OCTA research team noong Pebrero na 19% lamang sa mga Filipino ang nais magbakuna, 46 % ang ayaw at 35% ang walang desisyon. “Under the General Welfare clause, the State is mandated to make…

Read More

7 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtrala ng 17 patay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 21. Ayon sa ulat, siyam ang patay sa Caloocan City at 1,859 ang active cases. Pumalo na sa 24,014 ang tinamaan ng COVID-19 sa siyudad at sa bilang na ito ay 21,472 na ang gumaling at 684 na ang namatay. Lima naman ang namatay sa Malabon City at 382 na ang COVID death toll ng lungsod. Umabot na 93 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 11,591 na positive cases, 693 dito…

Read More