TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi sa bartolina kundi sa isolation facility inilalagay ang isang preso na nagpo-positibo sa COVID-19. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni DILG Usec. Bernardo Florece Jr. na maayos namang napapamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kalagayan ng mga preso na nakapiit sa pasilidad ng BJMP at provincial jails sa ilalim ng superbisyon ng mga provincial governor ngayon at patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19. “Hindi naman sa bartolina. Mas…
Read MoreCategory: COVID-19
Sa mga pinagbayad sa remdesivir REIMBURSEMENT HIRIT NI DEFENSOR
KAILANGANG ibalik ang perang ginastos ng mga COVID-19 patient na niresetahan ng remdesivir. Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos matuklasan na hindi pinayagan ng World Health Organization (WHO) ang remdesivir bilang gamot sa COVID-19. “Sa lahat po ng pinagbayad ng remdesivir noong kayo ay mag-hospital magmula November 2020, maaari po mag-private message sa akin. Matagal na pong hindi pinayagan ng WHO yan pero ang DOH/FDA natin, patuloy pa rin!” ani Defensor. “Dapat ma-reimburse kayo dyan! May sakit na binabaon pa sa kahirapan,” dagdag pa ng mambabatas.…
Read More12 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, NAVOTAS
UMABOT sa isang dosena ang namatay dahil sa COVID-19 sa mga lungsod ng Navotas at Caloocan noong Abril 18. Napag-alaman, walo ang namatay sa Navotas at 1,109 ang active cases matapos na 35 ang nagpositibo at 30 lamang ang gumaling. Umabot na sa 9,910 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 8,501 na ang gumaling at 300 na ang namatay. Apat naman ang namatay sa Caloocan at 1,768 ang active cases. Sumampa na sa 23,120 ang total confirmed cases sa lungsod at sa bilang na ito ay 20,684 na…
Read MoreOnline booking tigil muna QC KINAPOS SA COVID-19 VACCINES
INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon na hindi muna sila tatanggap ng online booking sa eZConsult website na alalay sa booking sa mga barangay para sa first dose ng pagbabakuna. Ayon sa post nila sa official Facebook page ng Quezon City, sinabing habang hinihintay nila ang karagdagang bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay pansamantalang itinigil muna nila ang online booking. Sinabi pa nila, para naman sa nakatanggap ng first dose, ang inyong second dose ay nakareserba na kung saan kayo tumanggap ng first dose.…
Read MoreRelief drive sa NCR Plus LINGAP COVID-19 IKAKASA NG INC
PLANONG paigtingin ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanilang COVID-19 pandemic assistance sa pamamagitan ng paglalaan ng halos P10 milyong halaga ng relief goods sa mga lungsod at lalawigang kasama sa NCR Plus bubble, pahayag ng isang opisyal ng INC nitong Abril 18, 2021. Ang humanitarian drive ng INC, sa ilalim ng Lingap sa Mamamayan program, ay mamamahagi ng “goody bags” sa mga lugar na pinaka apektado ng corona virus simula Abril 18, 2021 hanggang Abril 30, 2021. “Sa pangunguna ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Eduardo V. Manalo at…
Read MoreHALOS 90% VACCINATION TARGET SA SJDM NAABOT NA
NAABOT ng lokal na pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte ang halos 90 porsiyento ng kanilang target na mabakunahang health workers. Sa pinakahuling datos na inilabas ng Public Information Office (PIO) ng lungsod, lumabas na mula Abril 6, 2021 ay nabakunahan na ng kanilang City Health Department ang may 3,459 mula sa kabuuang bilang na 3,895 na health workers o 88.81 porsiyento ng kanilang target. Tumanggap ang mga health worker ng bakuna kung hindi man Sinovac ay AstraZeneca. Nagawa rin ng lungsod na mabakunahan ang 100 porsiyento ng target…
Read MoreFRONTLINERS MULA VISAYAS PINASALAMATAN
NAGPAABOT ng pasasalamat si Senator Christopher ‘Bong’ Go, na siya ring chair ng Senate Committee on Health, sa ikalawang batch ng medical frontliners mula sa Visayas, na nagboluntaryong mai-deploy sa mga pagamutan at health care facilities sa National Capital Region (NCR) upang tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Nauna rito, noong Biyernes, Abril 16, isang ceremonial send-off ang idinaos sa Cebu City para sa may 30 nurses mula sa Central Visayas. Ang 20 sa kanila ay itatalaga sa National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City habang ang iba…
Read More25 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS
UMABOT sa 25 ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area sa pinakahuling ulat ng city health offices ng nabanggit na mga lungsod. Ayon sa ulat, 15 ang patay sa Caloocan City noong Abril 16 at lumobo sa 1,793 ang active cases. Pumalo na sa 22,617 ang total confirmed cases. Sa bilang na ito ay 20,168 na ang gumaling at 656 na ang namatay. Apat naman ang namatay sa Navotas noong Abril 15 at 1,060 ang active cases makaraang 109 ang nagpositibo at 96 ang gumaling.…
Read MoreSotto umaming umiinom ng Ivermectin MGA EMPLEYADO NG SENADO, MABABAKUNAHAN NA
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na maging siya ay gumagamit ng Ivermectin upang makaiwas sa COVID-19. “Ako umiinom din ako once every two weeks,” saad ni Sotto sa panayam ng DWIZ. Inihayag ni Sotto na ang kanyang ginagamit na Ivermectin ay gawa na mismo sa Pilipinas. “Oo preventive yun. Sa pagkakaalam ko ganun, kahit dito sa atin ganun. Meron akong mga kakilala tinamaan ng covid tumira ng tatlong araw ng Ivermectin pagdating ng pang-apat na araw tanggal na symptoms,” paliwanag pa ni Sotto. Muli ring hinimok ni…
Read More