PANDEMYA SA PINAS MAGTATAGAL

MATAGAL pa ang laban ng Pilipinas kontra coronavirus pandemic dahil sa patuloy na pagsirit ng bilang ng kaso nito sa bansa. Sa kanyang Talk To The People, pinaalalahanan ng pangulo ang publiko na ang buong mundo ay nahaharap sa hindi nakikitang kalaban kaya’t ang laban sa virus ay hindi pa magtatapos “anytime soon.” “You know we are facing an enemy that cannot be seen. We are facing an opponent where there is no sight at end,” ayon sa pangulo. “We are facing a turmoil not only in the Philippines but…

Read More

COVID CASES SA LABAS NG NCR PLUS BINABANTAYAN

WALA pang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa. Ang paglobo aniya ay nasa NCR Plus kaya’t ang response concentration nila sa kasalukuyan ay nasa mga area na nasa ilalim ng Metro Manila plus. “Sa ngayon po binabantayan naman po natin ang datos at wala pa naman pong ganoong conclusion ang nakikita natin…

Read More

Duterte pumiyok sa ‘di maawat na COVID-19 cases MARAMI PANG MAMAMATAY

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na marami pang mamamatay dahil sa COVID-19. Sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi ay sinabi ni Pangulong Duterte na dahil unavailable ang bakuna at walang sapat na suplay para makapagpabakuna ang buong mundo ay naniniwala siyang marami pa ang mamamatay. “Wala sana ang virus kung mayroong vaccine na available,” ani Pangulong Duterte. “Eh wala. Hanggang ngayon the word “unavailable” is nandiyan. Unavailable because there are not — there’s no sufficient supply to inoculate the world. Matagal pa ito. Sabihin ko sa…

Read More

Kinastigo ni Defensor DOH MAS PABOR SA MAHAL NA GAMOT

KINASTIGO ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) dahil mas pabor umano ang mga ito sa dalawang napakamahal na “investigational COVID-19 therapeutics” kesa sa wonder drug na ivermectin na kayang bilhin ng mahihirap. “The DOH continues to spend hundreds of millions, maybe billions, of pesos to buy remdesivir and tocilizumab, not to mention the purchases of private hospitals,” ani Defensor. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos aminin ni DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, na nakatakdang dumating sa bansa ang mga bagong stock ng…

Read More

Solon sa priority list ng gobyerno WALANG KWENTA KUNG WALANG BAKUNA

BAGAMA’T ikinatuwa na isasama na ang public school teachers sa susunod na babakunahan, wala umano itong kuwenta kung walang vaccine na ituturok sa mga nasa A4 list. Ito ang dahilan kaya umapela sa gobyerno si ACT party-list Rep. France Castro na bilisan ang pagbili ng bakuna upang magkaroon na ng proteksyon ang mas nakararaming sektor laban sa COVID-19. “Para saan ang priority list kung wala namang bakunang maituturok sa mga pinaka nangangailangan ng bakuna para tuluyang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa?,” ani Castro. Ginawa ng mambabatas ang pahayag…

Read More

STA. MARIA, BULACAN MAYOR POSITIBO SA COVID

NAKUMPIRMANG positibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) ang alkalde ng Sta. Maria, Bulacan matapos sumailalim sa RT-PCR testing makaraang makaramdam ng mga sintomas. Base sa resulta ng RT-PCR test na inilabas noong Miyerkoles ng umaga, positibo sa COVID-19 si Mayor Russel Pleyto at kasalukyang sumasailalim sa 14-day quarantine. Ayon sa kanyang Facebook account post, inamin ni Mayor Pleyto na siya ay nakaranas ng flu-like symptoms simula pa noong Lunes kaya naman agad siyang nagpa-swab test noong Martes at dito ay nabatid na positibo sa naturang virus ang alkalde. Base sa kanyang…

Read More

Sa kabila ng mataas na COVID-19 cases PAGBABAKUNA SA QC MAKUPAD

MATATAGALAN pa bago maprotektahan sa pagkahawa at paglala ng COVID-19 ang mga residente ng Lungsod Quezon dahil sa mabagal na implementasyon ng pagbabakuna sa nasabing siyudad. Sa pinakahuling data na nakuha ng SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Inc.) hanggang Abril 14, nasa 101,100 pa lang nabakunahan sa Quezon City para #QCProtektadoTODO laban sa COVID-19. Ang lungsod ay patuloy sa kanilang pagbabakuna sa A1-A3 priority groups noong nakaraang Sabado. “Para sa mga nag-sign-up sa eZConsult, Fully BOOKED na tayo hanggang April 17,” ayon sa post ng official QC FB page. Sinabi pa nila,…

Read More

BAKUNA NG INDIA WALA PA RING EUA

KAKULANGAN ng requirements kaya umano hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may isa pa aniyang dokumento na hindi pa nito naisusumite. Ani Domingo, kailangan lamang na mapatunayan ng Indian pharma company na nasusunod ng kanilang factory ang mga good manufacturing practice. Tiniyak naman ni Domingo na sakali’t makakuha ng…

Read More

1M JOBLESS SA ECQ PART 2

DAHIL sa pananatili sa modified enhanced community quarantine ng NCR Plus areas hanggang katapusan ng Abril ay pumalo na sa 1 milyong mga Pilipino ang walang hanapbuhay sa ngayon. Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na batay ito sa kanilang nakalap na datos. Aniya, noong nasa ECQ kasi ang NCR Plus bubble ay umaabot sa 1.5M ang displaced workers pero dahil nagluwag ng kaunti nang ibaba sa MECQ ang mga nasabing lugar ay nakabalik na ang nasa 500,000 manggagawa. Sinabi pa nito na dahil…

Read More