81 AMBULANSYA IBIBIGAY SA MGA PROBINSYA

TATANGGAP ng mga ambulansya ang 81 provincial hospitals sa bansa mula sa Pitmaster Foundation kapag natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan. Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, “actually nai-deliver na ang apat na ambulances sa ilang lalawigan. Unfortunately, naabutan lang tayo ng ECQ”. Sinabi ni Atty. Cruz, naipamahagi na ang apat na ambulansya sa Culion sanitarium sa Culion, Palawan; sa Batangas Provincial Hospital, Batangas City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Legaspi, Albay; at sa Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan,…

Read More

BAGONG QUARANTINE CLASSIFICATION TINITIMBANG NI DUTERTE

TINITIMBANG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pros at cons bago gumawa ng kanyang pinal na desisyon hinggil sa quarantine classification sa National Capital Region Plus Area. Nais ni Pangulong Duterte na rebisahing mabuti at i-check ang mga impormasyong may kinalaman sa Health Care Utilization Rate (HCUR) sa mga nasabing lugar. “We shall provide the necessary notice once everything has been made final,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Matatandaang noong nakaraang Sabado ay pinalawig ang ECQ sa NCR plus o ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang…

Read More

SPOX ROQUE MULING NAGPOSITIBO SA COVID-19, NASA OSPITAL

MISMONG si Presidential spokesperson Harry Roque ang nag-anunsyo na siya ay naka-admit sa isang ospital para sa Covid treatment. Sa isang kalatas, sinabi nito na mas nakahahawa ngayon ang COVID-19 kaya’t marapat lamang ang ibayong pag-iingat. “I am now admitted in a hospital for Covid treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” anito. Magkagayon pa man, tuloy ang gagawin niyang pag-anunsyo sa risk classification ng National Capital Region Plus Bubble na patuloy na tinatalakay ngayon sa Inter-Agency Task Force…

Read More

TAKOT SA COVID TINAPOS SA LUBID

TINAPOS ng isang bumbero sa Liliw, Laguna ang kanyang buhay matapos tamaan ng depression sa hinalang siya ay may sakit na COVID-19. Kinilala ng Liliw police ang biktima na si SFO4 Richard Torres, residente ng Barangay Ilayang Palina. Batay sa report, napansin ng asawa ng biktima na isa ring bumbero na nawawala ang kanyang mister kaya hinanap niya ito sa mga kapitbahay subalit hindi natagpuan nitong Biyernes ng umaga. Napansin lamang nito na bukas ang pinto ng kanilang garahe at nang silipin ay nakita ang wala nang buhay na biktima…

Read More

17 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

NADAGDAGAN pa ng 17 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 9 habang umakyat na sa 4,993 and active cases. Umakyat naman sa 352 ang COVID death toll sa Malabon matapos na tatlong pasyente ang bagong namatay. Bukod dito, 24 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,426 na ang positive cases sa lungsod, 995 dito ang active cases. Umabot naman sa 31 ang mga gumaling at sa kabuuan ay 9,079 na ang recovered patients ng siyudad. Tatlo naman…

Read More

COVID CASES SA MPD, MAHIGIT 800 NA

UMABOT na sa mahigit 800 pulis na miyembro ng Manila Police District ang kumpirmadong naging positibo sa COVID-19. Ayon kay Manila Police District (MPD) director, P/Brigadier Gen. Leo “Paco” Francisco, sa nasabing bilang ay 712 na ang nakarekober sa nasabing sakit. Sa kasalukuyan, nasa 100 pang pulis Maynila ang may aktibong kaso at ginagamot sa mga quarantine facility. Huling iniulat na namatay sa sakit si P/SSgt. Cenen Evangelista na nakatalaga sa MPD-Traffic Enforcement Unit. Ayon sa ulat, bago nabakunahan ay nagpositibo sa COVID-19 si Evangelista at siya ay asymptomatic. (RENE…

Read More

TRAFFIC ENFORCER BINAKUNAHAN, NAMATAY

BINAWIAN ng buhay ang isang 48-anyos na miyembro ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit ilang araw makaraang maturukan umano ng Sinovac na bakuna laban sa COVID-19. Base nakalap na impormasyon mula sa Manila Police District Health Service, ang biktima na kinilalang si P/Staff Sergeant Cenen Delos Santos Evangelista, ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Skyline Hospital and Medical Center sa San Jose Del Monte, Bulacan. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, noong Marso 31 nang bakunahan ang MPD personnel na may comorbidities sa Manila Emergency Operations Center…

Read More

HERD IMMUNITY TARGET SA MM

KAILANGANG umabot sa limang milyon ang mabakunahang taga- Metro Manila para makuha ang inaasam-asam na herd immunity sa NCR. Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, base sa kanilang pag-uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual vaccination. Granular vaccination, ani Galvez ang kanilang gagawing pag-atake kung saan ay kanilang uunahin ang mga most affected o mga lugar na may mataas na kaso. “Ang nakikita ko, iyong kapag once na dumating na iyong AstraZeneca na majority nasa…

Read More

BAKUNA NG RUSSIA INAASAHAN SA LUNES

INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ngayong buwan. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa Lunes ay dumating na ang kauna-unahang batch ng bakuna na galing Russia. Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang pagdating pa ng mga bakuna ngayong 2nd quarter ng buwan. Aniya, ang bakuna ng Gamaleya ang inaasahan nilang paparating ngayong Abril 12 kasunod ng iba pang mga bakuna sa susunod na linggo gaya ng Sinovac. “Sa tanong po na ano po ang…

Read More