Naturukan ng AstraZeneca panic mode na ANUNSYO NI DOMINGO ‘IRESPONSABLE’

NAGPA-PANIC na umano ang mahigit kalahating milyong natukuran ng AstraZeneca dahil sa anunsyo ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo na ititigil ang pagbabakuna nito sa 60-anyos pababa. Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Janette Garin kaya kinastigo nito si Domingo sa paraan ng pag-aanunsyo habang nahaharap ang bansa sa problema sa supply ng nasabing bakuna. “Meron tayong mahigit sobra sa kalahating milyon na binakunahan ng first dose na binigyan mo ng kaba, takot, pangamba. Ang dami-dami nang tumatawag at nagpapanic,” ani Garin. Hindi nagustuhan ng mambabatas…

Read More

FAVIPIRAVIR AT ARBIDOL GAMOT KONTRA COVID-19

INANUNSYO ni CEO Jomerito Soliman, na naghanda ang My Med Rx Plus Corporation ng isang milyong tabletas ng Favipiravir Avigan at tatlong milyong tabletas ng Umifenovir Arbidol upang matulungan ang mga nangangailangan na ospital at pasyente. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon kay Soliman, makatutulong ang mga naturang gamot sa pagpapagaling sa halos 100,000 hanggang 200,000 na pasyente. Aprubado ang dalawang naturang antivirals na gamot ng Food and Drug Administration sa ilalim ng Compassionate Permit. Nabatid na matagal nang gamit ang Umifenovir…

Read More

WORLD VACCINATION PALPAK – UN CHIEF

BINATIKOS ng pinuno ng United Nations (UN) ang patuloy na hindi pagkakaroon ng bakuna ng substansiyal na bilang ng mga bansa laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) makalipas ang 100 araw ngayong 2021. Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, dapat nagsimula na ang lahat ng bansa sa mundo sa pagtuturok ng mga bakuna sa kani-kanilang mamamayan sa ngayon. Ngunit, mayroon pang higit isang dosenang bansa na hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna. Ang pagtuturok ng bakuna sa health care workers (HCWs), mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan ay pinaniniwalaan ng mga dalubahasa laban…

Read More

MARAMI PANG COVID-19 VACCINES PARATING SA PINAS

MARAMI pang bakuna laban sa COVID-19 mula sa China at Russia ang darating sa bansa sa mga susunod na araw upang magamit sa national vaccination program na isinasagawa ngayon ng pamahalaan. Ito ang pagtiyak ni Senator Christopher “Bong” Go. Ayon kay Go, 500,000 Sinovac vaccines ang inaasahang darating sa bansa ngayong linggo habang inisyal na 20,000 Sputnik vaccines mula sa Russia naman ang parating na rin. “Darating na ang 500,000 na Sinovac vaccine from China. Bahagi po ito ng nabili nating 1.5 million doses na Sinovac nitong April. Bagama’t may…

Read More

6pm-5am curfew mananatili NCR PLUS IBINABA SA MECQ HANGGANG ABRIL 30

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-AgencyTask Force (IATF) na isailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula ngayong Lunes (Abril 12) hanggang Abril 30, 2021. Isinailalim din sa MECQ ang City of Santiago, Quirino at Abra. Mapapasailalim naman sa general community quarantine mula abril 12 hanggang Abril 300, 2021 ang : CAR, Region 2: Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, Region 4A: Batangas Region 8: Tacloban City, Region 10: Iligan City, Region 11: Davao City, BARMM:…

Read More

COVID-19 DEATH TOLL SA PNP UMAKYAT NA SA 44

ITO ang inihayag kahapon ni PNP Deputy Chief for Administration, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, pinuno ng PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF), makaraang madagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa coronavirus. Ayon kay Lt. Gen. Eleazar, dahil dito, sumampa na sa 44 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP bunsod ng naturang COVID-19 virus. Sa ulat ng PNP-ASCOTF at PNP Health Service (PNP-HS), ang huling nasawi ay isang 53-anyos na lalaking police commissioned officer na nakatalaga sa…

Read More

COVID-19 MULING SUMIPA SA LAGUNA

UMABOT na sa full capacity ang mga pagamutan sa Laguna dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19, ayon kay Gov. Ramil Hernandez ng nasabing lalawigan. Sinabi nito, “Nakakalungkot po ang sitwasyon. Nung makalawa bahagyang bumagal ang pagtaas ng COVID cases. Kahapon po biglang tumaas na naman. Hindi pa po stable ang situation sa kasulukuyan,” ani ni Hernandez. Nakapagtala noong Sabado ng 526 bagong kaso ng COVID-19 kung saan may 6,766 aktibong kaso, 27,046 ang mga nakarekober at 379 ang mga namatay na may kabuuang bilang na 34,191 sa buong…

Read More

CAMANAVA MAYORS ‘HATI’ SA VACCINATION

HINDI nagkakaisa ang mga alkalde sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa maagang pagpapaturok ng bakuna. Nabatid na dalawang alkalde na sa nasabing area ang nagpabakuna laban sa COVID-19 habang isa ang hindi pa pwedeng bakunahan at isa ang magpapaturok umano ng Sinovac kahit labag sa kanyang kalooban. Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na hindi siya nag-aaalala sa bisa ng bakuna ng Sinovac na gawa ng Tsina ngunit tila kabuntot nito ang isyu ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea. Ayon pa sa alkalde, bagama’t tila isang pagpapababa sa…

Read More

Sa mga naka-home quarantine OXYGEN LEVEL DAPAT BANTAYAN

ISANG opisyal ng Philippine General Hospital (PGH) ang nagbigay ng tips sa publiko hinggil sa mga essential medical equipment na maaaring kailanganin sakaling mapilitang mag-home quarantine dahil sa COVID-19. Ayon kay PGH spokesperson, Dr. Jonas del Rosario, kabilang sa mga essential medical equipment para sa monitoring ng COVID-19 sa tahanan ay ang thermometer, blood pressure monitor o gauge, at pulse oximeter, para masukat ang oxygen level ng isang tao. Paliwanag ni Dr. Del Rosario, ang normal na oxygen level ng isang tao ay nasa 95% pataas at kung sakaling bumaba…

Read More