2 PANG KONGRESISTA COVID POSITIVE

DALAWA pang kongresista ang nagpositibo sa COVID-19 sa katauhan nina Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos at Caloocan City Rep. Edgar Erice. Kinumpirma mismo ni Delos Santos nitong Lunes, Abril 5, na nagpositibo siya matapos ma-expose sa isang taong may COVID-19. Ayon kay Delos Santos, kabilang sa mga sintomas na nararamdaman niya ang pag-ubo, lagnat, sipon at pagkahilo kaya agad siyang magpa-swab test kung saan nagpositibo ang naging resulta. Bukod kay Rep. Erice, nasapol din umano ng COVID-19 ang ilan sa kanyang mga tauhan. Inanunsyo ng kongresista sa social…

Read More

33 KAWANI NG SAN ILDEFONSO MUNICIPAL HALL, COVID POSITIVE

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang may 33 kawani ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso, Bulacan matapos sumailalim sa RT-PCR swab test. Base sa social media post ni Mayor Carla Galvez-Tan nitong Linggo, ang 33 nabanggit na empleyado ng munisipyo ay agad isinailalim sa home isolation at 14-day quarantine matapos lumabas ang resulta ng isinagawang mass testing sa lahat ng empleyado. Nabatid kay Toni Rodriguez, Municipal Information Officer, 268 na municipal employees ng San Ildefonso ang sumailalim sa Antigen test na pinamahalaan ni Dr. Jeanette Dela Cruz, municipal health…

Read More

P5K MULTA SA NAVOTAS Q-BAND VIOLATORS

HANGGANG P5,000 multa ang naghihintay sa mga lalabag sa ipinatutupad ng pamahalaang lungsod na Navotas Quarantine Band System (Navo Q-Band) sa bisa ng City Ordinance No. 2021-24 na naglalayong manmanan ang mga kumpirmadong may COVID-19 at close contacts ng mga ito at ang mga residente sa lockdown areas. Ani Mayor Toby Tiangco, nakababahala ang paglobo ng mga kaso sa nakalipas na dalawang buwan at hindi lamang buhay at kalusugan ng mamamayan ang naapektuhan kundi maging ang kakaunting pinagkukunan ng kita ng lungsod, kaya’t dapat kumilos agad at magpatupad ng mga…

Read More

COVID-19 TRACERS KULANG – DILG

IWINASIWAS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “napakahalaga” ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) tracers upang matukoy kung saan nagmumula ang araw-araw na mataas na bilang ng mga taong nagkakaroon ng virus. Idiniin ng DILG ang kahalagahan ng contact tracers makaraang ihayag ng Department of Health (DOH) kailangang matukoy sa loob ng 24-oras ang pinagmulan ng mga bagong pasyente ng COVID-19 kada araw. Ayon kay DILG Officer-In-Charge (OIC) Bernardo Florece Jr., ang pahayag ng DOH ay nangangahulugang dapat dagdagan ang COVID-19 tracers. Aniya, kapag hindi natukoy kung saan…

Read More

Punuan na sa ospital COVID PATIENTS GAMUTIN NA LANG SA BAHAY – SOLON

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara na gamutin na lamang sa kanilang bahay ang COVID-19 patients lalo na ang mga kritikal ang kalagayan lalo na’t punuan na sa mga ospital. “Hospitals are full, we need to be proactive in looking for alternative modes of treatment, many people are not able to get the medical treatment they need because they cannot find any vacancy in hospitals,” ani 1PACMAN Party-list Rep. Enrico Pineda. Isa sa paraang nakikita ng mambabatas ay sa bahay na lamang ng mga pasyente gamutin ng mga doctor ang…

Read More

Sa laban kontra pagkalat ng COVID-19 FDA, DOMINGO KALABAN NG PILIPINO?

(BERNARD TAGUINOD) IMBES na maging kakampi sa giyera kontra coronavirus diseases 2019, mistulang kalaban pa ng mga Pilipino ang Food and Drug Administration (FDA) sa pangunguna ng director general nito na si Eric Domingo. Ganito ang lumalabas matapos bitin-bitinin ng FDA ang application ni Dr. Allan Landrito para mag-distribute ng Ivermectin sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 na bukod sa mura ay mabisa umano sa nasabing virus. “Ang red tape sa FDA ay ganito. Nag-apply ako dyan February 11, after 20 working days they send me note. Malabo daw…

Read More

ANTIGEN TEST KITS IPINAMAHAGI

SINIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng antigen test kits sa iba’t ibang LGUs at ospital. Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon kontra COVID-19. Importante, ayon kay Dizon na bukod sa rt-PCR ay magamit na rin ang antigen test upang sa lalong madaling panahon ay madetermina kung ang isang indibidwal ay positibo sa virus. Aniya, bahagi ito ng active case finding effort ng pamahalaan kung saan, target…

Read More

SUPPLY AGREEMENT SA BAKUNA NG J&J

ISINAPINAL na ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson. Noong isang linggo ay nakipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha rin ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer. Bukod sa Johnson & Johnson ay tinatrabaho rin nila na maisapinal ang kasunduan sa kumpanyang Gamaleya na siya namang manufacturer ng Sputnik V. Samantala, apat na vaccine manufacturers ang natapos nang makapirmahan ng pamahalaan para sa supply agreement at ito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Moderna…

Read More

Ngayong extended ang ECQ HOUSE-TO-HOUSE SEARCH SA COVID POSITIVE PAIIGTINGIN

PAIIGTINGIN pa ang paghahanap sa mga taong may sintomas ng COVID-19 sa pamamagitan ng house-to-house search na isasagawa sa mga barangay. Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Sabado, ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend and enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ng isa pang linggo simula ngayong Lunes hanggang Abril 11, 2021. Inirekomenda kasi ng IATF na pahabain pa ang ECQ ng “minimum” na isang linggo sa buong Metro Manila at sa mga lalawigan ng Laguna,…

Read More