Sa extended ECQ – OCTA COVID -19 REPRODUCTION NUMBER POSIBLENG BUMABA

MAAARING bumaba ang reproduction number ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan sa 1.33, isang linggo mula ngayon, mula 1.65, ayon sa OCTA Research Group. Ang reproduction number ay ang bilang ng mga kaso na direktang pinagmumulan ng COVID-19 cases sa populasyon kung saan posibleng magkaroon ng impeksyon ang mga tao. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula 1.65 ay maaaring pumalo sa 1.09 ang reproduction number sa Abril 16 kapag pinalawig pa ang community quarantine (ECQ) ng pitong araw dahil mapipigilan ang…

Read More

ECQ EXTENSION HIRIT NG DOH

HINILING ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pahabain ng isa pang linggo ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig probinsya katulad ng Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite. Ito ay upang mapigilan ang posibleng pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang milyon, banggit ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire. “Sobrang iksi ng isang linggo, kung kaya’t nirekomenda natin ang extension. Pero syempre, kailangan natin balansehin ito sa ekonomiya kaya kailangan nang sapat na basehan para sa extension na…

Read More

FDA binalaan ni Defensor sa pagharang sa Ivermectin COVID DEATHS DADAMI PA

(BERNARD TAGUINOD) MADARAGDAGAN pa ang mga masasawi sa COVID-19 kung hindi bibilisan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kilos nito upang mapahintulutan ang paggamit ng Ivermectin laban sa nasabing sakit. Kaya naman kinastigo kahapon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang FDA dahil sa patuloy na pagkontra ng mga ito sa Ivermectin imbes na tulungan ang mga doctor at aprubahan na ang aplikasyon nito sa compassionate use. “Dr. (Eric) Domingo, Im warning you,” ani Defensor dahil desperado na ang mga tao lalo na’t walang available na gamot sa merkado…

Read More

12 ECQ VIOLATORS HULI SA ZAMBALES

ARESTADO ang 12 indibidwal dahil sa paglabag sa ipinatutupad na health protocols sa inilatag na quarantine checkpoints ng Zambales Police Provincial Office. Ayon sa Zambales PPO, sa pamumuno ni P/Col. Romano V. Cardiño, provincial director, noong Marso 28, dakong alas-6:00 ng gabi, naglatag ang PNP-Zambales team na kinabibilangan ng Police Patrol ID Palauig MPS, sa pangunguna ni P/Lt. Jesus M. Rendon, OIC, Palauig MPS, ng routinary patrol sa kanilang hurisdiksyon sa Km 5, Mount Tapulao, Sitio Dampay, Brgy. Salaza, Palauig, Zambales. Habang nagpapatrolya, nakatanggap ang mga awtoridad ng mobile call…

Read More

SENIORS, COMORBIDITIES BINAKUNAHAN SA MALABON

BINABAKUNAHAN na laban sa COVID-19 ang mga senior citizen at comorbidities sa Malabon City. Sa Malabon Elementary School isinasagawa ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga senior citizen habang maaari namang mamili kung Sinovac o AstraZeneca ang mga may comorbidity. Ang mga babakunahan ay galing sa master list ng mga nagparehistro sa online form at mula sa mga barangay health center. Maaaring makipag-ugnayan sa health center o hintayin ang kanilang text o tawag para sa iskedyul ng pagbabakuna. Tuloy-tuloy pa rin pagpaparehistro para sa bakuna sa lungsod. Maaaring pumunta sa…

Read More

17 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

NADAGDAGAN pa ng 17 ang bilang ng mga biktimang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 29, habang umabot na sa 4,272 ang active cases, ayon sa ulat ng City Health Offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, pito ang patay sa Valenzuela City hanggang alas-10:00 ng gabi noong Marso 29 habang 846 ang active cases makaraang 258 ang magpositibo at 259 ang naman ang gumaling. Sumampa na sa 12,571 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 11,404 na ang gumaling at 321…

Read More

Media, mayors, bumbero frontliners din PINASASAMA SA VACCINE PRIORITY LIST

HINILING ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga awtoridad na namamahala sa COVID-19 vaccines rollout, na isama sa listahan ng mga prayoridad ang mga bumbero, mga miyembro ng media at mga alkalde dahil sa papel na kanilang ginagampanan bilang frontliners sa gitna ng pandemya. Gayunman, paglilinaw ni Moreno, hindi niya isinasama ang kanyang sarili sa panukala na isama ang mga alkalde sa prayoridad sa bakuna. Aniya, nangangamba siya na ilang mga alkalde na ang tinamaan ng virus kabilang si Quezon City Mayor Joy Belmonte habang si Famy, Laguna…

Read More

#Alagang Globe: Libreng medical insurance vs Covid hatid ng Globe At Home, GCash at Singlife

NAGSANIB-PUWERSA ang Globe At Home at GCash para suportahan ang mga prepaid customer nito lalo’t tuloy ang banta ng COVID-19. Bukod sa connectivity ngayong new normal at “cashless transaction”, magbibigay rin ang Globe At Home sa mga prepaid customer nito ng LIBRENG medical insurance coverage kontraCOVID-19 at dengue mula sa GInsure at may bisa ito na tatlong buwan. Hatid ng Singlife, maaaring makakuha ng benepisyohanggang P140,500. Para naman sa mga Globe At Home at Unlipostpaid plans subscriber, maaari nilang makuha ang medical coverage simula sa Marso 26 (para sa mga…

Read More

Pulis, militar kasama na HOUSE TO HOUSE SEARCH SA COVID POSITIVE

KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi malalagay sa peligro ang buhay ng pulis at militar sa isasagawa nilang house to house search para sa COVID positive persons lalo pa’t ayon sa Philippine Natinoal Police (PNP) ay may 2,000 COVID-19 cases na silang naitala kada araw mula noong nakalipas na linggo. Tiniyak ni Presidential spoksperson Harry Roque, ang mamumuno sa house-to-house search ay health officers ng Department of Health (DoH) at hindi ang mga pulis at sundalo. “Iyong Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) na tinatawag ay mga health officers natin at…

Read More