CORONAVAC TANGGAP NA NG 86% STAFF NG CALOOCAN HOSPITAL

PABOR na ang mga medical staff ng Caloocan City Medical Center (CCMC) sa CoronaVac, ang anti-COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac at sa kasalukuyan ay 86 porsyento na sa mga ito ang nais magpabakuna. Ito ang masayang ibinalita noong Lunes ni CCMC Administrator Dr. Fernando Santos kay Mayor Oscar Malapitan matapos ang isinagawang vaccination rollout noong Biyernes. Mula sa inisyal na 149 health workers, umabot na sa 395 ang nais magpabakuna sa CCMC, na may kabuuang 457 health workers. Nasa 105 hospital staff ang natapos bakunahan noong Biyernes, na pinangunahan…

Read More

COVID VACCINES INIHATID NG BLACK HAWK SA SOUTHERN LUZON

Dalawang brand new S-70i Black hawk Utility Helicopters ng PAF ang naghatid kahapon ng 2,400 vials ng covid vaccines sa Quezon Province, Camarines Sur at Albay mula sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. Nauna nang ipinag-utos ni Philippine Air Force chief Lt. Gen. Allen T Paredes ang full mobilization ng kanilang air assets na dineploy para sa paghahatid ng COVID-19 vaccine sa malalayong lalawigan. Sunod nilang target ang delivery sa mga medical center and hospitals sa Northern Luzon, ayon kay PAF PIO chief Col. Meynard Mariano. (JESSE KABEL) 256

Read More

Palasyo aminado PAGBABAKUNA BUMAGAL

BUMAGAL nang bahagya ang COVID-19 vaccine rollout ng pamahalaan dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga health worker na makapamili ng gusto nilang brand ng bakuna. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa tanong kung ang target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong indibidwal laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng taon ay maisasakatuparan lalo pa’t naideliber na sa bansa ang 1.12 million donated doses ng COVID-19 vaccine mula Sinovac at AstraZeneca—na parehong ibinibigay ng two doses. “Huwag mo naman i-compute iyong high end [na target].…

Read More

PINAS ‘DI NA KAYANG BUMALIK SA STRICTER QUARANTINE LEVEL

HINDI na kayang bumalik ng Pilipinas sa “stricter quarantine levels” sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases. Sa Metro Manila, nakapagtala ito ng 1,025 new daily cases sa nakalipas na 7 araw, tumaas ng 42% mula sa nakalipas na linggo at 130% kumpara sa nakalipas na 2 linggo, ayon sa OCTA Research group. Ang impeksyon ay mabilis na kumakalat kumpara noong “July-August surge,” ng nakalipas na taon, nang ang National Capital Region (NCR) ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na third strictest ng 4 lockdown levels. At nang…

Read More

Isabela mayor nadulas ARROYO BINUKING SA ILEGAL NA PAGPAPABAKUNA

(BERNARD TAGUINOD) UMUGONG ang balitang nabakunahan na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo gamit ang bakunang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) matapos itong ikwento mismo ng nakasama niyang alkalde. Ibinuko ni Cabatuan, Isabela Mayor Charlton Uy ang pagpapabakuna ni Rep. Arroyo gamit ang Covovax, sa pakikipag-usap nito sa mga opisyal ng kanyang bayan hinggil sa kanilang vaccination program. “I was with Congressman Mikey Arroyo last night and he mentioned, what was that? Novavax? They say it’s better because it is supposedly 91 percent [effective]. We have to pledge…

Read More

QUARANTINE HINDI PA KAILANGANG HIGPITAN

WALA pang nakikitang pangangailangan o dahilan ang pamahalaan para magpatupad ng mahigpit na community quarantine sa kabila ng pagsirit ng bilang ng bagong COVID-19 cases. Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sabay sabing maaari namang magpatupad ang local governments ng granular lockdowns. “Right now, hindi naman kinakailangan—if you’re talking about mag-MECQ (modified enhanced community quarantine) ba tayo or ECQ (enhanced community quarantine). Hindi naman po kailangan,” ang pahayag ni CabSec Nograles nang tanungin kung may tsansa ba na ang bansa ay isailalim sa “stricter lockdown.” “The LGUs already…

Read More

Mula nang ikasa ang vaccine rollout NABAKUNAHANG PINOY NASA 29K NA

TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1. Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.” Nakapagpadala na ang pamahalaan ng 383,980 doses ng bakuna na dinevelop ng Chinese firm Sinovac at British-Swedish pharmaceutical company AstraZeneca sa mga ospital at medical facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa. Inaprubahan naman ng Food and Drug Administration (FDA)…

Read More

Lumabag sa health protocols 2 MAKATI RESTO BAR IPINASARA

AGAD ipinasara ni Makati City Mayor Abby Binay ang dalawang resto bar sa Brgy. Poblacion matapos mahuli sa isinagawang raid ng mga awtoridad noong Biyernes ng gabi, sa paglabag sa curfew at hinahayaan ang mga kostumer na hindi sumunod sa ipinatutupad na social distancing. Ipinag-utos din ni Mayor Binay ang kanselasyon ng permit ng Movida Fashion Food and Club at Royal Indian Curry House, dahil sa nasabing paglabag. Nagbabala rin ang mayor sa mga establisimyento sa lungsod at gayundin sa mga parokyano, na seryosohin ang mga patakaran ng LGU tungkol…

Read More

Protocols hinigpitan, granular lockdown pinairal sa Maynila, Camanava area COVID CASES TULOY SA PAGSIRIT

NAGTALA ng tig-isang patay ang mga lungsod ng Malabon at Navotas dahil sa COVID-19 noong Marso 7, habang umabot na sa 1,499 ang active COVID cases sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area. Ang pinakahuling namatay sa Navotas ang ika-199 pandemic fatality sa fishing capital, kung saan 6,391 na ang tinamaan ng COVID at 5,678 ang gumaling. Sumipa naman sa 514 ang active cases sa lungsod matapos na 79 ang magpositibo sa swab test at 12 lamang ang naitalang gumaling. Nabatid naman sa City Health Department ng Malabon City na…

Read More