LOCKDOWN SA WEST KAMIAS, QC PINALAWAK

NAGPATUPAD ng expanded lockdown ang Quezon City government sa Barangay West Kamias para isama ang karagdagang 12 pamilya sa lugar. Noong Marso 3, ang No. 46, K-9th St. sa Barangay West Kamias ay inilagay sa city’s special concern lockdown (SCL) matapos malaman na may tatlong coronavirus cases sa populasyon ng 60 individuals. Ang compound na may 27 pamilya ng mga nangungupahan at informal settlers ang natukoy na hotspot. Umabot sa 72 individuals mula sa nasabing lugar ang isinailalim sa RT-PCR test. Sa bilang na ito ay 28 ang kumpirmadong dinapuan…

Read More

Mahuhuli sa labas, iku-quarantine ng 14 days STRICT LOCKDOWN SA MAYNILA

SISIMULAN ngayong Huwebes ang pagpapatupad ng strict lockdowns sa tatlong barangay sa lungsod ng Maynila na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 at huhulihin at dadalhin sa quarantine facility ang sinumang susuway na mga residente. Ito ang naging babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsabi na ang mga barangay na makakapagrehistro ng 10 o higit pang kaso ng COVID-19 ay agad ila-lockdown. Tanging ang authorized persons outside of residence (APORs) ang papayagang makalabas. Tiniyak ni Moreno na magpapadala ng ayudang pagkain ang pamahalaang lungsod na sapat…

Read More

PAGTAAS NG COVID CASES DULOT NG PAGBALEWALA SA HEALTH PROTOCOLS

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang pagbabalewala ng maraming Pilipino sa minimum health standards ang dahilan kung bakit muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa. Kaya ang panawagan ni Pangulong Duterte sa publiko ay huwag kalimutang sumunod sa health and safety protocols. Para naman kay Health Secretary Francisco Duque, kasing-bisa ng mga bakuna ang pagsunod sa health protocols para makaiwas sa COVID-19. Tinatayang may 597,000 tao sa bansa ang nahawaan na mula nang una ito’y maitala noong nakalipas na taon. Kaya ang pakiusap ng…

Read More

‘MISCOMMUNICATION’ SA PAGPAPABAKUNA

IGINIIT ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na miscommunication lamang ang insidente ng nangyaring pagsalang sa bakuna ng ilang opisyales ng pamahalaan kahit hindi pa dapat mabakunahan. Ito’y sa harap pa rin ng komento ng mga kritiko ng pamahalaan na inuuna pa ring bakunahan ang mga opisyal ng gobyerno kasabay ng mga health worker na numero uno sa priority list ng vaccination program ng pamahalaan. Sinabi ni CabSec Nograles, hindi pagkakaintindihan ang lumalabas sa isinasagawang imbestigasyon at wala namang intensiyon o pananadya ang mga government official na nakauna na sa…

Read More

Duda sa Sinovac ginagatungan LENI NILILITO ANG PUBLIKO

BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo nang sabihan siya nitong pikon. Sa public address ng pangulo, Lunes ng gabi ay tila itinama pa nito ang sinabi ng bise-presidente na siya ay pikon dahil ang totoo aniya ay siya ay galit dahil pinatataas ng bise-presidente ang pagdududa ng publiko sa Sinovac vaccine. “Imbes na magtulong to convince the people, here she comes and making it appear that government has failed in its mandate of securing…Ma’am, hindi ako napikon. Hindi ako mapikon kay hindi ko sarili ito,”…

Read More

Employment apektado sa mabagal na vaccine rollout JOBLESS PINOY 4 MILYON PA

UMAKYAT sa halos apat na milyong Filipino adult ang walang trabaho na kumakatawan sa 8.7 percent ng labor force sa unang buwan ng 2021, ayon sa inilabas na pag-aaral ng Philippine Statistics Authority kahapon. Mas mataas ito kumpara sa naitalang joblessness rate na 5.3 ng kapareho ring buwan nuong nakalipas na taon na tinatayang aabot 2.39 million Filipinos ang walang kayod bago pa maranasan ang epekto ng coronavirus pandemic. Sa datos ng PSA, umakyat sa 4 million noong Enero 2021 ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Ayon kay National…

Read More

Utos ng DILG sa LGUs, PNP CRACKDOWN SA HEALTH PROTOCOLS VIOLATORS

MULING inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na muling kumilos laban sa pagsirit ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa ilang rehiyon, lalo na sa National Capital Region (NCR). Sa biglaang direktibang inilabas ng DILG, inatasan ng kagawaran na ipatupad ang “crackdown on quarantine violators and intensify the enforcement of minimum health standards in all barangays as new COVID-19 cases has reached more than 3,000 cases a day for three days now”. Ang naturang direktiba ay makaraang aminin…

Read More

SCIENTIFIC DATA SA F2F CLASSES

Samantala, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na gumamit ng scientific data sa pagsusuri kung itutuloy ang pagbubukas ng pilot testing ng localized at limitadong face-to-face classes dahil hindi lamang ang “quarantine classification” ang basehan sa isang lugar. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na importante ang epidemiological data tulad ng positivity rates, transmission rates, at iba pa upang matukoy ang posibilidad ng pagbubukas ng face-to-face classes. “Dapat maging mas tiyak tayo pagdating sa lokasyon at sa mga magiging batayan ng risk assessment. Hindi lamang ang quarantine…

Read More

LOCKDOWN SA 5 MANILA BARANGAY

SASAILALIM sa limang araw na lockdown ang limang barangay sa lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Alinsunod sa inisyung direktiba ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kay Manila Barangay Bureau (MBB) Chief Romeo Bagay, kaagad magsasagawa ng localized lockdown sa mga lugar na nakikitaan ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases. Iiral ang lockdown sa Barangay 351 sa Sta. Cruz at mga Barangay 675, 699, 701 at 725 sa Malate simula 12:00 ng hatinggabi ng Marso 11, Huwebes, hanggang…

Read More