DROGA HINDI MASUSUGPO NI PDU30

IMBESTIGAHAN NATIN

Tara sa x-ray hadlang sa programa Hangga’t patuloy umano ang agresibong koleksyon ng tara sa Bureau of Customs, partikular na sa x-ray ay hindi magtatagumpay ang kampanya ng liderato ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang ilegal na droga sa bansa. Protektado umano ng mga opisyal ng BOC, lalo na ng mataas na opisyal sa Intelligence Group, ni Dep. Comm. RR at X-ray Inspection Project ang kolektor na sina Agent Dekuku at Joey R. na ilang beses na ring isinusumbong ng mga lehitimong consignee at broker. “Hindi man lang naapektuhan…

Read More

KOLEKSYON NG BOC PINALALAKAS PA

BOC-12

(Ni JO CALIM) Bilang bahagi ng pagpapalakas at pagpapaganda ng koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) ay aktibo ang Post Clearance Audit Group (PCAG) sa kanilang post clearance audits sa  importers. Ang hakbang ay naaa­yon sa  RA 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na ang PCAG ay muling binuhay noong  nagdaang Disyembre  sa ilalim ng  Executive Order No. 46. Pangunahing mandato nito ay ang pagkakaroon ng post clearance audits para matiyak ang tamang  duties at taxes na nakolek­ta maging pagkatapos ng pag-release ng…

Read More

DTS, CCPS TRAINING SA BOC PORT OF CEBU ISINAGAWA

PORT OF CEBU TRAINING-2

Isinailalim sa Document Tracking System (DTS) at Customer Care Portal System (CCPS) ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu at Sub-Port nito na Port of Mactan nitong nakaraang Oktubre 17 hanggang 18 ng taong kasalukuyan. Ang DTS ay isang online document status tracking system na kung saan malalaman ng stakehol­ders  ang totoong kalaga­yan ng kanilang mga dokumento sa totoong oras sa paggamit ng QR code na hindi na mangangailangan ng personal follow-ups. Ang CCPS naman ay papayagan ang stakeholders na mag-submit ng kanilang concerns, feedbacks at complaints sa BOC…

Read More

REVENUE COLLECTION NG PORT OF SUBIC SUMIRIT

Port of Subic-1

MAHIGIT sa  22.8% ang itinaas ng kabuuang re­venue collection ng  Port of Subic mula Enero 1 hanggang Oktubre 25 ngayong taon. Sa inilabas na pahayag ng Port of Subic nitong nakaraang Sabado, sinabi nitong  nalagpasan nila ang kanilang target na P24.7 bil­yon para sa taong 2019 matapos na makapagtala sila ng kabuuang  P26.9 bilyon koleksyon nitong Oktubre 25. Maging noong buwan ng    Setyembre, sumobra  rin ng P731 milyon ang kanilang koleksyon base sa pahayag ni Port of Subic District Collector Maritess Martin. Malaking  ambag ng pagtaas ng koleksyon ng Port…

Read More

TARA SA BOC DAPAT AKSYUNAN NG PACC AT NBI 

IMBESTIGAHAN NATIN

Agent Dekuku at Joey R. ‘di natitinag sa koleksyon Lumakas ang panawagan ng mga lehitimong consignee at broker sa Bureau of Customs (BOC) na aksyunan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi natitinag na agresibong pangongolek­ta nina Agent Dekuku at Joey R. ng tara sa ahensya. Nakasandal umano sa pader ang dalawa dahil protektado ng mataas na opisyal sa Intelligence Group ni Dep. Comm. RR at mataas na opisyal ng X-Ray Inspection Project ng BOC, kaya’t hindi umano nag-aalala ang mga ito kahit makarating…

Read More

TARADOR NG X-RAY INSPECTION PROJECT AGRESIBO SA PAGKOLEKTA

IMBESTIGAHAN NATIN

Agent Dekuku, Joey R at Agent Dan Pabuko namamayagpag Hindi na kinaya ng mga lehitimong consignee at broker sa Bureau of Customs (BOC) ang agresibong pagtatawag sa kanila ng mga nagpapakilalang bagman ng mga bagong opisyal sa ahensya. Batay sa mga impormasyong ipinadala sa Sumbungan, napag-alaman ng SAKSI Reportorial Team na napalitan na ang hepe ng X-Ray Inspection Project (XIP) na dating pinamumunuan ni Romeo B. Guan na may item na Supervising Customs Operation Officer. Sa bagong Customs Personnel Order B-101-2019 na inilabas kamakailan, nakasaad na ang bagong itinalagang hepe…

Read More

BOC NANGUNA SA INITIAL MARKETING ACTIVITY NG UNIOIL TERMINAL DEPOT SA BATAAN

INITIAL MARKETING ACTIVITY

Ang Unioil Terminal Depot sa Mariveles, Bataan, ang pangalawang fuel company na sumailalim sa  initial marking acti­vity ng Bureau of Customs (BOC), Department of Finance (DOF), at Bureau of  Revenue (BIR) nitong nagdaang Oktubre 22, 2019. Isinagawa ang official fuel marker ng Fuel Mar­king Team sa tinatayang  53 million liters ng gasolina  na may kabuuang halagang  P405,367,424.00 sa pamumuno ni Port of Limay District Collector Michael Angelo DC Vargas kasama ng kinatawan mula sa fuel marking provider SGS-SICPA at Oilink International Corp. Terminal Depot. Ang marker ay ibinuhos sa storage…

Read More

IMBESTIGASYON NG PACC SA KORAPSYON APRUB SA BOC

PACC-BOC

(Ni Boy Anacta) Aprub sa Bureau of Customs (BOC) ang kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa ilang empleyado ng Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) na umano’y sangkot sa smuggling at hindi awto­risadong pag-release ng shipments. Kasunod ito sa pagsilbi ng subpoenas sa mga sangkot. Una nang tiniyak ni  BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mananatili ang polisiya ng ahensya  sa pagpapatupad ng reporma upang tuluyan nang malinis ito mula sa  katiwalian. Sa katunayan simula Nobyembre 2018, ang BOC ay nag-isyu ng…

Read More

HABAMBUHAY SA COLOMBIAN ‘DRUG MULE’

COLOMBIAN ‘DRUG MULE’

(Ni Joel O. Amongo) Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte ang isang Colombian na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Anti-Illegal Drugs Task Force (AIDTF) at Phi­­­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuhanan ng P8.9 mil­yon halaga ng cocaine na kanyang  nilunok. Batay sa ibinabang desisyon ni Presiding Judge Maria Sophia Tirol Solidum-Taylor ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 31, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang akusadong si Alberto Pedraza Quijano, 67, kilala sa Colombia bilang “The Swallower” matapos mapatunayang ‘guilty beyond reasonable doubt’…

Read More