13% NG P71-B KOLEKSYON NG PORT OF LIMAY PASOK SA LGU

Tumataginting na P9.23 bilyon mula sa P71 bilyong koleksyon ng Bureau of Customs – Port of Limay ang pumasok na sa kaban ng mga Local Government Unit (LGU), batay na rin sa itinadhanang pasya ng Korte Suprema kaugnay ng implementasyon ng Local Government Code. Ayon kay Port of Limay District Collector William Balayo, 13% ng kanilang ganansya ang nailipat na ng Bureau of Treasury (sa kumpas ng Department of Budget and Management) sa mga LGUs bilang tugon sa Mandanas Ruling na iginiit ng husgado. “Yes, Bataan and other LGUs can…

Read More

PUSPUSANG PAGHAHANDA SA NEW TERMINAL NG CLARK INT’L AIRPORT

PUSPUSAN na ang pag­hahanda ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-POC) sa nalalapit na operasyon ng bagong terminal sa Clark International Airport. Sa isinagawang live integrated trials, ipinamalas naman ng mga kawani ng BOC-POC ang kahandaan sa pagtugon sa mas mala­king hamong kalakip ng pagpasok ng mas mataas na bilang ng mga pasahero, bitbit na bagahe at mga kalakal na laman ng mga kargamentong papasok sa naturang paliparan. Sa isang pahayag, binigyang halaga ni BOC-POC District Collector Alexandra Lumontad ang aniya’y ma­halagang papel na ginagampanan ng kanilang tanggapan…

Read More

Kalakip ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo EVAT COLLECTION NG BOC LUMOBO

KASABAY ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang paglobo ng nakokolektang value added tax (VAT) ng Bureau of Customs, ayon sa isang opisyal ng Department of Finance (DOF). Sa isang pagdinig sa senado, binigyang diin ni Finance Undersecretary Valery Joy Brion na bagama’t sadyang mahirap ang sitwasyon ng Pilipinas, may kaakibat din naman aniyang positibong tulong sa dagdag presyo sa mga pro­duktong petrolyo kung saan aniya nakalikom ang gob­yerno ng buwis sa ilalim ng batas na nagtatakda ng 12% value added tax. Sa kanyang datos na saklaw ang…

Read More

P20M GANANSYA SA SUBASTA

HUMIGIT kumulang P20 milyon ang ipinasok ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) ng Manila International Container Port (MICP) sa isinagawang pagsusubasta ng mga na­sabat na kargamento ng nasabing ahensya. Sa kalatas ng Bureau of Customs, lumalabas na may kabuuang 19 na containers na naglalaman ng kumpiskadong kalakal ang dinispatsa dalawang linggo na ang nakaka­raan sa isang public auction na ginanap, nilahukan ng 19 na bidders at nasaksihan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang katuwang na ahensya sa bulwagan ng MICP. Sa tala ng BOC, isa ang MICP sa…

Read More

PINUSLIT NA KEMIKAL NATUNTON, GINAMIT PAGGAWA NG SHABU

WALANG kamalay-malay ang isang malaking sindikato na palihim na sinusundan ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kontrabandong kemikal na ipinuslit sa bansa kamakailan. Ang resulta – bulilyaso ang isang laboratoryo sa lungsod ng Caloocan kung saan umano gumagawa ng drogang ipinapalaganap sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. Bagama’t wala nang in­abutan ang raiding team na sumalakay sa isang pasilidad sa kahabaan ng Luis Gochuico Street, nakasamsam naman ng mga liquid shabu na naka­imbak sa isang cold storage, mga kemikal na…

Read More

PINIRATANG DESIGNER ITEMS HAGIP SA PASAY

TUMATAGINTING na P80-milyong halaga ng mga piniratang branded designer goods mula sa ibang bansa ang kinumpiska ng mga operatiba sa isang pinagsanib na operasyon sa lungsod ng Pasay. Bitbit ang isang Letter of Authority (LOA) na ni­lagdaan mismo ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC), kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang katuwang na ahensya ng gobyerno, ang isang bodega sa kahabaan ng Kalye Vergel sa nasabing lungsod. Sa isinagawang inspek­syon ng Customs Intelligence and Investigation Service Field Office-Intellectual Property Rights…

Read More

Gulay, prutas, karne at yamang-dagat AGRI-SMUGGLERS SWAK SA ASUNTO

JOEL O. AMONGO KABI-KABILANG kaso ang inihain kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga kum­panyang nasa likod ng tangkang pagpuslit ng mga produktong agrikultura tulad ng gulay, prutas, karne at mga yamang-dagat. Sa isang kalatas ng ahensya, kabilang sa mga kinasuhan sa paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016) ang mga kumpanyang GJ&M Global Resources, PFL Export Trading, GQA Prime Commodities at Zeechai Root Crops Trading kaugnay ng mga tangkang pagpuslit…

Read More

BOC ELECTRONIC EXCHANGE BUMIDA SA ASEAN CUSTOMS

IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC) ang pinaiiral na mekanismong gamit ng Pilipinas at mga karatig bansa sa mas maayos na kalakalan, at sabayang pagpuksa sa mga sindikato sa likod ng illegal smuggling activities sa timog-silangang Asya. Sa ginanap na ASEAN consultation and briefing session, pinangunahan ni Deputy Commissioner Allan Geronimo ng BOC Management Information System and Technology Group (MISTG), at Vice-Chair for Technical Matters of the National Single Window – Technical Working Group (NSW-TWG) ang talakayan para sa ASEAN Customs Declaration Document (ACDD). Giit ni Geronimo, malaking bentahe ang…

Read More

KULANG SA SENTIDO-KUMON

HINDI ikinatuwa ng Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) ang kastigong inilapat ng kawanihan  sa isang empleyadong buntis dahil hindi suot ang takdang uniporme para sa mga kababaihan. Ang totoo, angkop lang naman ang isang mahigpit na patakaran sa alin mang tanggapan ng pamahalaan. Subalit may mga pagkakataong dapat din naman maunawaan, bagay na arok lamang ng mga taong may sentido kumon (common sense). Ito mismo ang giit ng BOCEA sa kaso ni Gng. Darlence Aranas na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) at Subpoena ng tanggapan ni Donato San…

Read More