Nagsampa ng kasong smuggling ang Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), sa Department of Justice (DOJ) laban sa tatlong importers at kanilang customs brokers para sa paglabag sa iba’t ibang mga batas ng Customs, patakaran at regulasyon. Isinampa ang kaso laban sa JOBADEC INTERNATIONAL TRADING at kanilang customs broker para sa umano’y importasyon ng iba’t ibang ‘infringing and counterfeit merchandise’ noong Nobyembre 1, 2020, sa Manila International Container Port (MICP). Ang halaga ng kalakal ay nasa P729,730.14. Isa pang criminal case ang…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
ISANG COORDINATION CENTER NG BOC – NAIA, PAIRCARGO AT PDEA, BINUKSAN
Isang Coordination Center ang binuksan at pinasinayaan sa pasilidad ng People’s Air Cargo and Warehousing Incorporated (PAIRCARGO) para lalo pang mapalakas ang pagbabantay ng Bureau of Customs sa pagpasok ng ilegal na droga sa bansa. Ito ay batay na rin sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero kung kaya agad na nakipagtulungan ang BOC Port of NAIA sa Paircargo Inc. at Phililpine Drug Enforcement Agency (PDEA). “The facility was provided for by the management of Paircargo to support the initiatives of BOC NAIA and the government in protecting the country…
Read MoreP10.6-M PUSLIT NA YOSI SABAT SA ZAMBOANGA CITY
Ni JOEL O. AMONGO Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Zamboanga City ang mahigit sampung milyong piso (10.6) na halaga ng smuggled na sigarilyo. Ang operasyon ay ginawa ng BOC – Port of Zamboanga kasama ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS – CPD) at sa tulong ng Naval Forces Western Mindanao. Narekober ang mga puslit na sigarilyo sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City matapos na makarating ito sa nabanggit na lungsod sakay ng barkong…
Read MoreP3-M ECSTACY, KUSH MARIJUANA SABAT SA AIR PARCEL SA PASAY
Aabot ng tatlong milyong pisong (P3-M) halaga ng ecstacy at kush marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs NAIA sa pamamagitan ng Port’s Anti-illegal Drugs Task Force (CAIDTF), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IATDITG) sa air parcels at ibat-ibang warehouse sa Pasay City. Nasa 1,681 tablets ng ecstacy na may tinatayang street value na Php 2,857,700 ang nakitang nakalagay sa loob ng microwave oven, habang 133 gramo naman ng kush marijuana na may halagang Php 159,600 ang nakita sa loob ng isang metal…
Read MoreISO 9001:2015 CERTIFICATION, IPINAGKALOOB SA BOC-SUBPORT DUMAGUETE
Pormal na ipinagkaloob sa Bureau of Customs (BOC) Subport of Dumaguete ang ISO 9001:2015 Certification ng TüvSüd Asia Pacific. Sa pamamagitan ng virtual awarding ceremony na isinagawa noong nakaraang Abril 5, 2021, Lunes, ang aktibidad ay dinaluhan nina BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero kasama ang kaniyang mga Deputy Commissioners at District Collectors, Subport Collector of Dumaguete Fe Lluelyn G. Toring at ang mga customs personnel. Ang award of certificate ay isinagawa ni TüvSüd Asia Pacific Business Development Manager Rustan V. Torre. Ang ISO 9001:2015 Certification ay isang international standard…
Read MorePara sa 1st quarter ng 2021 P287-M KARAGDAGANG KITA NAKOLEKTA NG BOC-PCAG
Aabot ng mahigit sa 287 milyong piso (287,036,700.02) ang kitang naidagdag mula sa customs duties and taxes para sa 1st quarter ng 2021 mula sa koleksyon ng Bureau of Customs -Post Clearance Audit Group (BOC-PCAG). Ayon sa BOC – PCAG, dahil sa kanilang pinaigting na pagsisikap sa trabaho, nakolekta nila ang dadag na kita ng ahensiya mula sa 51 Prior Disclosure Program (PDP) applications na naka-file sa kanilang tanggapan. Bukod pa dito ang kanila ring kinita mula sa mga demand letters na inisyu sa mga importers matapos na isagawa ang…
Read MoreField testing enforcement activities sa mga produktong petrolyo ISASAGAWA NG BOC AT BIR Ni JOEL O. AMONGO
MULING sisimulan ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pinagsamang Field Testing Enforcement Activities para sa mga produktong petrolyo na nasa mga warehouses, storage tanks, gas stations at iba pang retail outlets. Ito ay nakatakdang magsimula sa Abril 26, araw ng Lunes nang taong kasalukuyan, upang masiguro ang pagsasakatuparan ng Fuel Marker level sa mga nabanggit na produkto. Ang aktibidad na ito ay saklaw ng enforcement powers ng BOC at BIR pati na ang mga barko, tank trucks at iba pang fuel transporting vehicles. Ito…
Read MoreBOC NAGBABALA SA PUBLIKO VS PEKENG COVID VACCINES
Muling inulit ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang panawagan bilang suporta sa Food and Drug Administration (FDA) sa matinding babala sa publiko laban sa paglaganap ng pekeng COVID vaccines na gawang lokal. Ang BOC ay naninindigan sa direktiba ng national government para sa awtorisadong private sectors para mag-import ng COVID-19 vaccines, at laban naman sa walang prinsipyong entity na nananamantala para pagkakitaan ang panahon ng pandemic sa pamamagitan ng paggawa ng ilegal na pekeng bakuna. Ang counterfeit vaccines ay mapanganib sa kalusugan ng publiko at kaligtasan. Hinikayat naman ng…
Read MoreBOC, WCO NAGSAMA PARA SA ‘PEOPLE DEVELOPMENT DIAGNOSTIC VIRTUAL MISSION’
Bilang bahagi ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang layunin na pagpapahusay ng personnel development, ang BOC sa pamamagitan ng Human Resource Management (HRM) Modernization Working Group, ay nakipagmiting sa World Customs Organization (WCO) para sa isang People Development Diagnostic Virtual Mission. Ang virtual mission ay isinagawa sa pamamagitan ng sunod-sunod na online meetings at interviews na dinaluhan ng WCO Experts at BOC HRM Modernization Working Group na pinangunahan nina Si Mohamed EL HAIL, WCO People Development Programme Manager, at Donato B. San Juan, Chairperson ng HRM Modernization Working Group…
Read More