SMUGGLING VS IMPORTER, CUSTOMS BROKER ISINAMPA SA DOJ

Nahaharap ngayon sa kasong smuggling ang isang importer at customs broker matapos sampahan  ng Bureau of Customs Bureau’s Action Team Against Smugglers (BOC-BATAS) sa Department of Justice (DOJ). Ang kinasuhan ay ang SPI Semicon Asia Inc. dahil sa umano’y misdeclaration na isa sa mga aspeto ng smuggling. Bukod sa SPI Semicon Asis Inc., kasama sa kinasuhan ay ang kanyang customs broker para sa misdeclaration at illegal importation ng tatlong 40-footer containers na naglalaman ng iba’t-ibang general merchandise na nagkakahalaga ng P7,208,666.14, kasama ng duties and taxes. Ang respondents ay nakitaan…

Read More

Para palakasin ang border security FORUM ISINAGAWA NG BOC, PDEA AT PHILPost

Ni JOEL O. AMONGO   PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs ang pag-organisa ng isang Inter-Port coordination virtual forum para sa lalo pang pagpapalakas ng border protection na isinusulong ng pamahalaan. Kasama sa naturang aktibidad na pinagunahan ng BOC-NAIA at Port of Manila ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) noong nakaraang Marso 29, 2021. Sa nasabing forum ay tinalakay ang tinatawag na interdiction processes at iba’t-ibang operations and best practices para matiyak na maging maayos ang inter-port at inter-agency na koordinasyon sa panahon ng pagsasagawa…

Read More

BOC-K9 BARRACKS PINASINAYAAN

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang BOC sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS) ay pinasinayaan ang unang BOC K-9 Barracks na matatagpuan sa warehouse 159 Port of Manila South Harbor, Port Area, Manila. Ang inauguration at blessing ceremony ay dinaluhan nina PDEA Deputy Director General for Administration Randy R. Pedroso, PDEA Director for Plans and Operations Wardley Getalla, PDEA Director for Special Enforcement Rogelito Daculla at PDEA K-9 Chief Erwin Magcamit. Para naman…

Read More

MASS SALIVA TESTING ISINAGAWA NG BOC-CDO

CAGAYAN DE ORO – Isinagawa sa Port of Cagayan De Oro ng Bureau of Customs ang mass saliva testing para sa COVID-19 sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross Misamis Oriental – Cagayan de Oro Chapter. Ang saliva o laway ay isang alternatibong specimen para sa RT-PCR testing na magugunitang inaprubahan ng Department of Health at pinangunahang isagawa ng Philippine Red Cross. Ang saliva test ay mada­ling paraan ng COVID-19 testing dahil idudura lang ng isang indibidwal ang kaniyang laway sa loob ng isang 1-milliliter vial at pagkatapos ay hihintayin na…

Read More

P12M CHINESE CIGARETTES, MEDICINES HULI SA BOC-MICP, PCG AT NBI

Para sa lalo pang pina­igting na operasyon laban sa smuggling, nagsanib pwer­sa ang ibat-ibang tanggapan ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation at Philippine Coastguard na nagresulta sa pagkakasabat ng ibat-ibang mga kalakal sa lungsod ng Mandaluyong at Parañaque. Armado ng tinatawag na Letter of Authority na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, narekober ng pinagsanib na pwersa ng BOC-MICP, Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service at NBI at PCG ang may 12 milyong pisong ilegal na kalakal na kinabibilangan ng mga Chinese medicines, sigarilyo at…

Read More

NCEN SYSTEM INILUNSAD NG BOC

ni joEL O. AMONGO Naglunsad nang National Customs Enforcement Network (nCEN) System ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng Risk Manag­ement Office (RMO) na isinagawa sa OCOM Conference Room ng BOC. Ang nasabing paglulunsad ay nakalinya sa implementasyon ng CMO 8-2021 o ang panuntunan ng paggamit ng National Customs Enforcement Network (nCEN) System ng World Customs Organization (WCO) na nagkabisa noong nakaraang Pebrero 8, 2021. Ang okasyon ay dinaluhan nina BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Ms. Agnieszka Bielatko, Senior Technical Officer ng Customs Enforcement Network (CEN) ng WCO at…

Read More

UNDERVALUED SHIPMENT NA MAY PALSIPIKADONG MGA DOKUMENTO BISTADO SA PORT OF CEBU

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Port of Cebu ang tangkang pagpapalabas ng ‘undervalued bulk shipment’ ng Brand New 2020 Model KR165C Rotary Drilling Rig mula sa China matapos matuklasang palsipikado ang mga dokumento nito. Ang nasabing shipment na tinangkang ipuslit ay sinasabing aabot ng higit sa 1.3 milyong piso ang kaukulang duties and taxes na dapat bayaran sa Customs. As per goods declaration, ang shipment na naka-consigned sa JLINKS Marketing ay may presyo umanong $25,600.00 at suportado ito ng Load Port Survey Report (LPSR) na isinumite ng kinatawan ng…

Read More

BOC NAG-DONATE NG GADGETS, SCHOOL SUPPLIES SA DEPED

Bilang pagtupad ng Bureau of Customs’ (BOC) sa kanilang pangakong suporta sa Department of Education (DepEd), ang BOC-NAIA ay nagbigay ng mga educational gadgets at ibat-ibang school supplies bilang suporta sa Department’s Bridge Program. Ang turn-over ng donasyon ay dinaluhan mismo nina DepEd Secretary Leonor M. Briones, DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua, Department of Finance Undersecretary Antonette Tionko, BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Deputy Commissioners, at Port of NAIA District Collector Carmelita M. Talusan. Ang donasyon ay mula sa mga abandonadong kalakal na kinabibilangan…

Read More

SUPORTA SA IMPLEMENTASYON NG NSW MAGPAPATULOY AYON SA BOC

Nananatili ang suporta ni Customs Commissioner at National Single Window-Technical Working Group (NSW-TWG) Chairman Rey Leonardo Guerrero sa pagpapatupad ng tinatawag na National Single Window (NSW) sa bansa. Sa back-to-back NSW-TWG Cluster Meetings na isinagawan noong nakaraang Marso 2, 2021 para sa Chemicals, Oils, Minerals, Environment, Drugs, at Dangerous Goods Cluster; at Marso 4, 2021 para naman sa General Merchandise and Retail Goods Cluster, binigyan halaga ni Commissioner Guerrero ang Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) sa bansa sa paghabol na maabot ang Single Window environment. Ang NSW, sa ilalim ng…

Read More