BOC PUMASOK SA PAPERLESS TRADE AGREEMENT

Pinagtibay na ng bansa ang Framework Agreement on Facilitation of Cross-border Paperless Trade sa Asia and the Pacific noong nakaraang Pebrero 20, 2021 para sa lalo pang pagpapaganda ng pamamalakad sa Bureau of Customs (BOC). Noon pang 2016 nalikha ang naturang Framework Agreement sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga bansang kasapi sa United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) Layunin nito na mapabilis ang ‘trade digitalization at ang  tinatawag na electronic exchange of trade-related information across borders’. Ang naturang kasunduan ay makakatulong upang mapagbuti pa…

Read More

CRIMINAL CASES VS 3 IMPORTERS, ISINAMPA NG BOC-BATAS

Nagsampa ng pormal na reklamo ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), laban sa tatlong (3) importers para sa hinihinalang misdeclaration at illegal importation ng mga ipinagbabawal na kalakal. Ang unang kaso ay laban sa Mountain View Multi-Purpose Cooperative para sa umanoy ‘unlawful importation and misdeclaration’ ng ibat-ibang agricultural ­products, na may halagang PHP 7,252,561.85 na naganap sa Port of Subic. Kinasuhan din ang MBS Cargo Movers Co. para sa ‘alleged unlawful importation and misdeclaration of cigarettes’ na nangyari sa Manila International Container…

Read More

P60-M SMUGGLED YOSI HULI SA BOC-MICP

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang 2×40 container van na naglalaman ng 2000 master cases ng smuggled cigarettes. Ang shipments ay nagmula sa China at naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures Corp. at Atlantic Globe Movers Inc. Ang container van ay idineklarang naglalaman ng 1,134 cartons ng Zhong Su brand pe stretch film at 74 packages ng  lowering device packing equipment. Subalit, sa physical­ ­examination na isinagawa ay natuklasan ang 2000 master cases ng sigarilyo…

Read More

Sa pamamagitan ng E-TRACC BORDER SECURITY NG BANSA HINIGPITAN NG BOC

Sa pamamagitan ng  Electronic Tracking of ­Containerized Cargoes (E-TRACC) system ng Bureau of Customs (BOC),  inaasahan na ngayon ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo upang mabilis na matuklasan at mapigilan ang mga ilegal na aktibidad sa Customs Bonded Warehouses, freeport, economic zones, containers for export at shipments ng mga karne, fisheries, at agricultural products. Nagsimula ang paggulong ng E-TRACC noon pang Hunyo 2020 sa ilang mga piling BOC ports sa buong bansa para masubaybayan, ma-monitor, at ma-audit ang galaw ng containerized cargoes na pumapasok at lumalabas sa buong bansa. Ayon…

Read More

CIGARETTE MAKING MACHINES, PEKENG SIGARILYO HULI SA BOC-ESS

Naglunsad ng sabay-sabay na operasyon ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (EG-ESS) na dahilan ng pagkakahuli ng cigarette ­making machines, ­counterfeit cigarettes at iba pang paraphernalia sa mga storage facilities na matatagpuan sa Barangay Balagtas, Orion Bataan. Armado ng Letter of ­Authority (LOA) na pirmado ni Commissioner Rey ­Leonardo B. Guerrero, ang mga ­miyembro ng BOC-ESS sa pakikipag-ugnayan sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng inspeksyon sa dalawang storage facilities at nadiskubre ang…

Read More

SCANNING CAPABILITIES NG BOC PINALAKAS

Bilang isang border protection unit na ang mandato ay mapalakas at magbantay sa 17 puerto sa buong bansa, dinagdagan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang ipinapatupad na mga pamamaraan sa scanning at inspection capabilities kaugnay ng tinatawag na enhancement ng kanilang x-ray operations. Sa pamamagitan ng kanilang Interim Training and Development Division (ITDD), nagsagawa ang ahensiya ng ibat-ibang pagsasanay sa kanilang mga tauhan na nakatalaga sa X-ray Inspection Project (XIP). Ang mga ito ay ang port personnel ng XIP, Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation…

Read More

CLAIMANT HULI SA P13.62-M SHABU SA BOC-NAIA, PDEA, NAIA-IADITG

Huli sa Bureau of Customs NAIA, BOC Quick Response Team (QRT ESS), Philippine Drug Enforcement Agency Region III at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang panibagong claimant ng illegal drugs sa isang controlled delivery operation sa Sta. Maria, Bulacan noong Marso 5, 2021. Dakong alas-5:00 ng hapon ang consignee, na nagngangalang “Jayson Quiloy”, 38-anyos, ang nag- claimed ng package na naglalaman ng 2,003 gramo ng metamphetamine o “shabu” na nasa loob ng 2 hotpot grills. Ang nasabing ­package ng shabu ay ­tinatayang may street value na Php13,620,400. Naunang…

Read More

2ND BATCH NG BAKUNA MABILIS NA PRINOSESO NG PORT OF NAIA

Muling pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Port of NAIA ang pagpoproseso ng mabilis na pagpapalabas ng COVAX Facility sourced vaccine ng kumpanyang AstraZeneca. Ang nasabing bakuna laban sa covid-19 ay ­dumating sa bansa noong Marso 04, 2021 sakay ng KLM Royal Dutch Airlines na isang commercial plane. Nauna rito, noong Pebrero 08, 2021, ay prinoseso rin ng BOC ang 600,000 donated na Sinovac vaccines mula sa China. Base sa inilabas na report ng BOC Port of NAIA, dalawang (2) batches na ng vaccines ang klarong ­nakarating,…

Read More

‘INTER-PORT MEETING ON VACCINE’ ISINAGAWA NG 3 PORTS

Isinagawa ng tatlong malalaking pwerto ng Bureau of Customs ang isang inter-port meeting kaugnay ng inaasahang sunod-sunod na ­pagdating ng mga supply ng covid-19 vaccine sa bansa. Ang pagpupulong ay nilahukan ng Port of NAIA, Port of Davao, at Port of Cebu na kung saan tiyak na dadaan sa nasabing mga pwerto ang mga paparating na bakuna. Layunin ng mga port sa kanilang pagpupulong ay ang matiyak na mabilis na mapo-proseso ang mga dokumentong kailangan ng vaccines upang agad din itong maipadala sa kani-kaniyang destinasyon saan mang panig ng bansa.…

Read More