ARESTADO ang isang 39-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng .45 kalibreng baril at granada na nakatago sa kanyang belt bag, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 649, Port Area, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Aliman”, tubong Cotabato City, at residente ng Tambacan, Baseco, Brgy. 649, Port Area. Ayon sa ulat nina Patrolman Lemuel Bill Montino at Patrolman Ron-Ron Pestaño kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander,…
Read MoreCategory: METRO
DISCAYA ITINANGGING SANGKOT SA GHOST PROJECTS
NANINDIGAN ang pamilya Discaya na wala silang kinalaman sa umano’y ghost projects sa Mindoro, kasunod ng mga alegasyong lumabas sa imbestigasyon ng flood control projects. Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ng kanilang tagapagsalita at legal counsel na si Atty. Cornelio Samaniego III na natapos at maayos ang flood mitigating project sa Mag-asawang Tubig River sa Naujan, batay sa mga certification mula sa lokal na pamahalaan at municipal assessor. Giit niya, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagkamali sa pagtukoy ng lokasyon ng proyekto. Dagdag…
Read MoreLGBT MEMBER TUMALON SA MALL SA VALENZUELA
NASAWI ang isang miyembro ng LGBT community matapos tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Valenzuela City kahapon. Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng itim na pantalon, itim na damit at may taas ng 5’5″ hanggang 5’7″. Sinasabing naganap ang insidente, bago magtanghali kahapon sa Paso de Blas, Valenzuela City. Kumalat sa social media ang video at larawan ng pagpapakamatay umano ng biktima kung saan ay maraming netizen ang naawa at nagpaabot ng pakikiramay. Ayon sa isang testigo, namimili siya nang makarinig…
Read MoreMMDA NAGLUNSAD NG BAGONG TEAM PARA SA NCAP
INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Swift Traffic Action Group (STAG) na binubuo ng 100 traffic enforcers para sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ang grupo ay pamumunuan ni Bong Nebrija at gagamit ng body cameras para sa transparency. Ipakakalat sila sa mga pangunahing kalsada at Mabuhay Lanes upang mag-monitor ng illegal parking at iba pang paglabag. Tulad ng NCAP, makatatanggap ang motorista ng abiso sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng SMS, email, o sa “May Huli Ka”…
Read MoreEX-DPWH ASSISTANT DISTRICT ENGINEER BRICE HERNANDEZ, IDIDIRETSO SA PNP CUSTODIAL CENTER
ILILIPAT sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez para sa kanyang seguridad. Kaagad na nagsagawa ng inspeksyon ang PNP-Headquarters Support Service (HSS) kasama ang Senate Sergeant-at-Arms sa nasabing pasilidad upang tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng pasilidad na pagkukustodiyahan kay Hernandez. Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pansamantalang sa Custodial Center muna dadalhin si Hernandez para masiguro ang kanyang kaligtasan. Naging desisyon ng Senado at ng House of Representatives na hindi na muna…
Read MoreIsasampa ng grupo ng mga abogado CIVIL CASE VS KONTRATISTA, OPISYAL SA FLOOD CONTROL PROJECTS
MAGSASAMPA ng kasong sibil ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) laban sa mga kontratista at public official na isinasangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Atty. Ariel Inton, pangulo ng LCSP, layunin ng kaso na papanagutin ang mga responsable sa malawakang pagbaha sa Metro Manila na nagdulot ng matinding perwisyo sa mga motorista at pasahero. Sa ginanap na Quezon City Journalist Forum nitong Martes, Setyembre 9, sinabi ni Inton na kabilang sa posibleng kasuhan ay mga matataas na opisyal ng Department of Public Works and…
Read MoreVICO SA MGA DISCAYA: SINUNGALING!
IPINUNTO ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga pagsisinungaling ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya ukol sa flood control programs. Sa pagdinig ng House Infra Comm, tinawag ng alkalde na “lantarang kasinungalingan” ang mga sinabi ng mag-asawa sa kanilang pagharap sa Senado. Aniya, napansin niya na maraming pagkakaiba sa mga pahayag ng mag-asawa sa mga nakalipas na pagharap nila sa Senado. “Lantarang kasinungalingan naman po ‘yung mga sinasabi nito. Hindi naman po bago sa kanila ang pagsisinungaling, naobserbahan na po natin ito on the record and…
Read MoreLUMA AT OVERPRICED NA DUMP TRUCK ISOSOLI
PINAGHAHANDAAN ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue ang pagbabalik ng dalawang garbage truck na nagkakahalaga ng halos ₱22 milyon matapos mabunyag ang umano’y matinding overpricing at misrepresentation sa isang transaksyong nag-ugat sa nakaraang administrasyon. Ibinunyag ni City Administrator Gonzalo “Sally” Malig-on na ang bawat truck ay binili sa halagang ₱10.99 milyon, samantalang ang parehong uri ng unit sa merkado ay mabibili lamang ng humigit-kumulang ₱3 milyon. Natuklasan din na ang mga sasakyan ay 2017 year model at hindi brand new gaya ng ipinapakita sa mga dokumento. Lalong lumaki ang kontrobersiya…
Read MoreBRIONES ITINANGGI ANG AKUSASYON NG MGA DISCAYA
MARIING itinanggi ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones ang pagkakasangkot niya sa listahan ng mga politikong umano’y tumanggap ng porsiyento mula sa mga proyekto ng pamilya Discaya. Sa testimonya ni Curlee Discaya, may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp., sinabi nilang may ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanghingi ng “parte” mula sa kanilang mga proyekto. Ayon kay Discaya, aabot umano sa 10% hanggang 25% ang hinihinging porsiyento bilang kondisyon para hindi maipit…
Read More