IBINUNYAG ng Department of Justice (DOJ) na dumarami na ang gustong “kumanta” sa kontrobersyal na flood control scam — at karamihan umano sa kanila ay mula mismo sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Prosecutor General Atty. Anthony Richard Fadullon, may mga nadagdag na aplikante na nais tumestigo laban sa mga sangkot sa umano’y malawakang korupsyon sa flood control projects. “Merong mga nadadagdag. Kinu-consider namin ‘yan at tinitingnan kung saan sila maaari mag–state witness,” pahayag ni Fadullon sa isang press conference kahapon. Dagdag pa niya, karamihan sa…
Read MoreCategory: METRO
PCG KINONDENA VIDEO POST NI BARZAGA
NAGBABALA ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa isang video post ni Cavite Congressman Kiko Barzaga na umano’y sumisira sa integridad at propesyonalismo ng kanilang institusyon. Ayon kay PCG West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriela, naglalaman ang naturang video ng mapanlinlang at nakapipinsalang pahayag na layong pababain ang kredibilidad ng Coast Guard. Pinalagan ni Tarriela ang mga sinabi ni Barzaga na “walang silbi” umano ang operasyon ng PCG sa West Philippine Sea at posibleng magdulot pa ng “World War III.” “Bahagi ng aming mandato ang protektahan ang soberanya ng…
Read MoreHigit 50,000 pulis ikinalat sa buong bansa HEIGHTENED ALERT NG PNP MANANATILI HANGGANG NOB. 3
MANANATILI ang heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) hanggang Nobyembre 3, 2025. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking ligtas at mapayapa ang publiko sa paggunita ng Undas 2025, itinaas ng PNP sa heightened alert status ang kanilang hanay simula nitong Miyerkoles. Ayon kay PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng hakbang na palakasin ang presensya ng kapulisan, mapanatili ang kaligtasan ng publiko, at matiyak ang mabilis na pagtugon sa anomang emergency habang dagsa ang mga tao sa mga sementeryo, terminal,…
Read MoreDIGITAL SALN FILING IPATUTUPAD NA SA 2026 – CSC
SIMULA sa susunod na taon, online na ihahain ng lahat ng empleyado at opisyal ng pamahalaan ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ayon sa bagong patakaran ng Civil Service Commission (CSC). Sa inilabas na CSC Resolution No. 2400263, papayagan na ang digital filing at online oath-taking para sa SALN upang mas mapadali ang proseso at maiwasan ang abala sa taunang pagsusumite. “The issued Omnibus Rules on the SALN aim to intensify the promotion of integrity and transparency in government,” ayon kay CSC Chairperson Atty. Marilyn Barua-Yap.…
Read MorePOSIBLENG KASABWAT SA PAGLABAS NG INMATE SA CALOOCAN BINUBUSISI
TULOY-TULOY ang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para alamin kung may kasabwat ang isang opisyal na nauna nang inaresto matapos umanong palabasin ang isang murder suspect sa Caloocan na aniya’y para sa isang “case build-up.” Kinilala ang suspek na si Police Lt. Col. Emmanuel Gomez, 54-anyos, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD), na agad isinailalim sa inquest proceeding matapos ang kanyang pagkakaaresto. Nahaharap ngayon si Gomez sa kasong paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code o “conniving with or consenting…
Read MoreFacebook Live gamit sa operasyon 11 DINAMPOT NG QCPD SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING
NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang labing-isa katao na sangkot umano sa online illegal gambling operation sa lungsod noong Oktubre 24, 2025. Ang operasyon ay bahagi ng kampanya ni QCPD Acting District Director PCol. Glenn Silvio laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal. Kinilala ang mga suspek sa mga alias na Joel (35), Oliver (45), Florentino (49), Roel (45), Emerson (46), Jerwin (34), Angelito (43), Luis (47), Carlos (63), Alma (42), at Felicidad (56) — pawang mga residente ng Quezon City at Marikina City. Ayon sa…
Read MoreAFP, COAST GUARD SUPORTAHAN SA HALIP GAWAN NG PANINIRA – GOITIA
IPINAHAYAG ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang kanyang buong suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng mga batikos at alegasyong bumabalot sa kanilang katapatan. “Ang ating mga sundalo at coast guard ay naglilingkod hindi para sa pulitika o para sa ibang bansa, kundi para sa sambayanang Pilipino,” diin ni Goitia. “Ang pagdududa sa kanilang katapatan nang walang patunay ay insulto sa bawat Pilipinong nagsasakripisyo para sa bayan.” Nagpahayag si Goitia kasunod ng palitan ng pahayag nina Rep. Paolo “Pulong”…
Read MorePaalala sa mga byahero PPA MAY UNDAS 2025 TRAVEL ESSENTIALS
NAGLABAS ng listahan ng travel essentials ang Philippine Ports Authority (PPA) ngayong Undas 2025, kasabay ng paalala para sa ligtas at maayos na biyahe sa mga pantalan sa bansa. Para sa mga pamilyang may bata: Dalhin ang tickets at IDs, snacks at inumin, laruan, aklat o tablet, wet wipes, extrang damit, sumbrero o jacket, basic first-aid kit (band-aid, thermometer, paracetamol drops), at name tag o safety wristband. Paalala rin ng PPA, hawak-kamay dapat ang mga bata sa mataong lugar para iwas sa pagkaligaw. Para sa mga solo travelers: Bitbitin ang…
Read MoreMAKABULUHANG SERBISYO NG QCPD IBINIDA NI PCOL. SILVIO
IPINAGMALAKI ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga makabuluhang nagawa nito sa serbisyo mula Oktubre 19 hanggang 25, 2025, kabilang ang mga programang pangkalusugan, parangal sa mga tauhan, at tulong sa komunidad. Ayon kay Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio, umabot sa 194 benepisyaryo ang natulungan ng QCPD Medical and Dental Unit, kabilang ang mga pulis, dependents, sibilyan, at Persons Under Police Custody (PUPC). Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang medical check-ups, dental care, chest X-ray, at pre-medical exams para sa mga papasok sa PFT sa Nobyembre. Kasabay…
Read More