INILUNSAD ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang 1st batch ng pamamahagi ng Electronic Mamamayan Identification Card o Emi card sa mahigit 1,700 na mga scholarship na mag-aaral sa kolehiyo ng lungsod. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pumila ang mga mag aaral para sa kanilang scholarship kada semester na nagkakahalaga ng P4,000 dahil gagawin nang cash-less ang pamimigay ng educational allowances sa mga estudyante. Bukod sa EMI Card, mamimigay din si Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ng libreng Electronic Wallet…
Read MoreCategory: METRO
PNP PATULOY SA PAGPLANTSA SA SEGURIDAD NG IKA-4 SONA
PINANGUNAHAN ni PNP chief Nicolas Torre lll, ang command conference nitong Martes dakong alas-kwatro ng madaling araw sa Camp Crame. Sa command conference na dinaluhan ng mga miyembro ng Command Group, Regional at District Directors ng NCRPO at mga director ng Operations, Investigation and Detection Management, Intelligence at Police Community Relations ay tinalakay ang seguridad sa nalalapit na ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 28, 2025. Sinabi ni Gen. Torre, ang paggising nang maaga ay maliit na sakripisyo kumpara sa…
Read MorePinaglibingan sa missing sabungeros ‘GROUND ZERO’ SA TAAL LAKE TUKOY NA – DOJ
(JULIET PACOT) TUKOY na ng mga awtoridad ang isang fishpond sa Taal Lake bilang “ground zero” sa paghahanap sa mga nawawalang sabungeros. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa partikular na lugar na ito, sa kabila ng lawak ng lawa na umaabot sa 200 kilometro kwadrado. “Merong fishpond lease yung isang suspect na tinutukoy natin. Bale, ‘yun ang ating ground zero,” ani Remulla sa isang panayam. Bagaman inamin niya ang posibilidad na may iba pang mga lugar, sinabi ni Remulla na maaasahan ang kasalukuyang…
Read MorePAGSUSULONG NG TOTAL BAN SA ONLINE GAMBLING, MATINDING LABAN SA SENADO
AMINADO si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na matindi ang magiging laban nila sa pagsusulong na i-ban ang online gambling sa bansa. Binigyang-diin ni Zubiri na mayayaman at maiimpluwensyang indibidwal ang nasa likod ng ilang mga kilalang online gambling na kinahuhumalingan na rin ng maraming Pilipino. Sinabi ni Zubiri na batay sa datos sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon, umaabot na sa P47 bilyon ang nakolektang buwis mula sa online gambling. Nangangahulugan anya ito na maraming Pilipino ang tumataya kaya’t hindi siya naniniwalang nasa lima hanggang 10 milyong…
Read MoreP749-M NASABAT NG PDEA, BOC
NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) noong Lunes ang mahigit 110 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P749 milyon, na nakalagay sa apat na “balikbayan” box sa Manila International Container Port sa Tondo, Maynila. Nasamsam ang ilegal na droga sa isinagawang interdiction operation dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng Container Facility Station 3, kung saan ininspeksyon ang mga kahon mula sa California at naka-address sa mga recipient sa Mandaluyong City at Quezon City, ayon sa PDEA. Nadiskubre ang 106 vacuum-sealed plastic…
Read MorePara hanapin ang missing sabungeros PHIL. NAVY HANDANG GALUGARIN ANG TAAL LAKE
INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine Navy na nakahanda ang kanilang Naval Special Operation Group anomang oras, para sisirin at galugarin ang lalim ng Taal Lake para hanapin ang nawawalang mga sabungero na sinasabing karamihan ay inilubog sa nasabing lawa. Ito ay kasunod ng naging pahayag ng Department of Justice na posibleng ngayong linggo ay pasimulan ang pagsisid sa Taal Lake subalit hindi muna umano makasasama ang mga technical diver ng Japan na plano nilang hingian ng tulong. Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, hindi pa makasasama sa search and retrieval…
Read MorePAGSISID SA TAAL LAKE PARA SA MISSING SABUNGEROS POSIBLE NGAYONG LINGGO – DOJ
POSIBLENG simulan ngayong linggo ang pagsisid sa Taal Lake para hanapin ang mga labi ng mga missing sabungero. Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, aniya hiniling na niyang simulan ngayong linggo ang technical diving operation sa Taal Lake para matunton ang mga hinahanap na bangkay. Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na hindi pa kasali ang Japan sa operasyon pero inaasahan nilang tutugon ito sa hiling ng Pilipinas na tumulong sa paghahanap sa Taal Lake gamit ang kanilang mga makabagong equipment. May posibilidad din umanong hindi…
Read MoreSa gitna ng welga ng union officers PATAS AT ‘COMPETITIVE’ SAHOD SA KAWASAKI MOTORS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IGINIIT ng Kawasaki Motors (Phils.) Corporation (KMPC) na makatarungan at competitive ang pasahod at mga benepisyong ibinibigay nito sa mga empleyado, sa kabila ng patuloy na welgang inilunsad ng ilang opisyal ng Kawasaki United Labor Union(KULU) na nagsimula noong Mayo 21, 2025 at patuloy na nakaapekto sa operasyon ng planta sa Muntinlupa City. Ayon sa KMPC, sa kabila ng matinding epekto ng pandemya—kabilang ang pagbagsak ng benta at produksyon—nanatili itong nakatuon sa kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng pasahod at benepisyong mas mataas kaysa sa…
Read MoreANTI-E-SUGAL BILL NADAGDAGAN
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga mambabatas na nagsusulong ng panukalang batas laban sa online gambling subalit hindi itinutulak ang tuluyang pagbabawal nito tulad ng ginawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Kahapon ay pormal nang inihain nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Ismula at Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao ang House Bill (HB) 1351 o Kontra E-Sugal Act of 2025 na una nilang ipinangako. Karagdagan ito sa HB 721 na unang inihain nina Bukidnon Reps. Jonathan Keith Flores, Rep. Jose Manuel Alba, Rep. Audrey Zubiri, Rep.…
Read More