ANIM NA DESTROYER IBIBIGAY NG JAPAN SA PHILIPPINE NAVY

KINUMPIRMA ng Philippine Navy na may imbitasyon na ang Japanese Maritime Self-Defense Force para sa visual inspection ng anim na barkong pandigma ng Japan para sa posibleng paglipat nito sa Philippine Navy. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, inimbitahan sila ng Japanese Ministry of Defense para sa joint visual inspection ng ilang Abukuma-class destroyer escort, mga barkong idinisenyo para sa anti-submarine at anti-ship warfare. Nabatid na plano ng Japan na i-donate ang anim na Abukuma-class Destroyer Escort vessels sa Pilipinas bilang “defense assistance” package. Sinasabing malaking karagdagan…

Read More

MODERNISASYON NG AFP AT PNP, DAPAT LAANAN NG TIG-P25B

MULING isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano sa Senado ang panukalang naglalayong maglaan ng P25 bilyon sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa loob ng limang taon para sa modernisasyon ng kanilang mga kampo at pasilidad. Layon ng proposed AFP and PNP Camp Development Fund Act ni Cayetano na palakasin ang AFP at PNP. Sinabi ni Cayetano na mahalaga ang papel ng militar at pulisya sa pagbabantay sa pambansang seguridad kaya’t kailangan ng tuloy-tuloy na pondo para sa kanilang pagpapaunlad. “Peace and order is essential to…

Read More

MINORITY BLOC SA KAMARA BUO NA

TATLONG linggo bago pormal na magsimula ang 20th Congress, buo na ang grupo ng mga mambabatas na tatayong minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Inanunsyo ito kahapon ni 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan na muli umanong tatakbong minority leader kung saan 26 congressmen umano ang sumusuporta sa kanya kasama sina Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Chel Diokno at Leyte Rep. Richard Gomez. Ayon kay Libanan, lumagda sa joint manifesto ang 11 first time at 6 na comebacking congressmen para sa tinatarget nitong posisyon…

Read More

VACATION LEAVE NG SEAMAN NAUUBOS LANG SA F2F REFRESHER COURSES – SEN. ERWIN TULFO

SA halip makasama ang pamilya, nauubos lang sa mga face-to-face schooling o refresher courses training ang bakasyon ng mga seaman sa bansa tulad ng marine engineers at deck officers ng barko. Ito ang hinaing ng ilang mga nagbabakasyong Maritime Officers kay Senator Erwin Tulfo na kaagad naman niyang itinimbre kay Senator Raffy Tulfo, ang chairman ng mga Komite ng Public Services at Migrant Workers sa Senado. Nangako si Erwin Tulfo na agad tatawagan ng pansin sina Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia B. Malaluan at Department of Migrant Workers Secretary…

Read More

OPISINA SA NAPC PINALULUSAW

IPINANUKALA ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagbuwag sa Senior Citizens Sectoral Council na nasa ilalim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). Ikinatwiran ni Ordanes sa inihain niyang House Bill 783 na ang mandato ng naturang konseho ay bahagi na ng responsibilidad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Paliwanag ng mambabatas, nilikha ang NCSC base sa Republic Act 11350 at isa sa mga mandato nito ay iangat ang uri pamumuhay ng mga edad 60 pataas na nasa laylayan ng lipunan. Naniniwala ito na mas magiging madali, mabilis…

Read More

NAGPAPAKILALANG ‘NBI BAGMAN’ SWAK SA ILLEGAL ONLINE SABONG

TULOY pa rin ang illegal na sabong online kahit na mahigpit ang tagubilin ng Executive Order No. 9 ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Ito’y dahil na rin sa proteksyon na ibinibigay ng isang alyas Paul Tangkad na diumano’y miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI). Si Paul Tangkad na nagpapakilalang ahente ng NBI-Special Task Group ay hayagang gumagamit sa pangalan ngayon ni NBI director Jimmy Santiago — bagay na dapat aksyunan para matigil ang kabuktutan ng suspect. Ipinagmamalaki ni Tangkad na barkada, kabarilan at ka-basketball niya si alyas Taba na…

Read More

CONG. LENLEN ORETA NANUMPA KAY SEN. BAM AQUINO BILANG KINATAWAN NG MALABON

PORMAL nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta bilang bahagi ng 20th Congress nitong Hulyo 5. Nanumpa si Oreta kay Senador Bam Aquino na kilalang nagsusulong ng mga programa sa edukasyon at kabataan. Bukod kay Aquino ay sinaksihan din ng mga kapamilya, kaibigan, tagasuporta at local officials ang panunumpa ni Oreta. Tiniyak ni Oreta na kanyang pag-iibayuhin ang pagbibigay ng serbisyo publiko at pagpapalago ng mga komunidad sa Malabon. Bukod kay Oreta, nanumpa rin sina Councilor Enzo Oreta at Councilor Sonia Lim na…

Read More

JEEPNEY DRIVER SA COMMONWEALTH AVE. ACCIDENT BINAWIAN NG LISENSYA

PARA maging bahagi ng road safety measures, binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng jeepney driver na sangkot sa malalang road crash sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Abril 13, ngayong taon. Nabatid na ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang estudyante sa kolehiyo at hindi bababa sa 16 na iba pang mga pasahero ang nasugatan. Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, napatunayang guilty sa kasong reckless driving ang driver ng pampasaherong jeepney sa isinagawang imbestigasyon ng LTO. Kaugnay nito,…

Read More

2 LALAKI TIMBOG SA P3.9-M VAPES SA PARAÑAQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang lalaki sa pagbebenta ng illegal vapes sa ikinasang entrapment operation sa Parañaque City noong Miyerkoles. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Reginald”, 28-anyos, at alyas “Ace”, 23-anyos, iniharap sa media makaraang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Republic Act 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act). Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, dahil sa impormasyon sa pagbebenta ng mga suspek ng ilegal na vapes, kumuha ng certification sa Department…

Read More