PASLIT SUGATAN SA DELIVERY RIDER

NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang 2-anyos na babaeng paslit makaraang masagi ng isang motorsiklo sa southbound lane ng Anacleto at Mayhaligue Streets, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury ang 22-anyos na delivery rider na residente ng San Ildefonso, Bulacan. Habang ligtas na sa panganib ang paslit na si alyas “Elize”, residente ng Sta. Cruz, Manila, na mabilis na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Base sa ulat ni Police Corporal Riddick Fajardo kay Police Major Jaime Gonzales,…

Read More

NSC ITINANGGI NA MAY NAMUMUONG HIDWAAN SA SECURITY SECTOR

MARIING pinabulaanan kahapon ng National Security Council na may namumuong rift o hidwaan sa hanay ng security sector ng bansa bunsod umano ng isinagawang reorganization ng NSC. Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, posibleng ipinakakalat lamang ito ng ilang hanay kabilang ang mga militanteng grupo partikular ang Makabayan Bloc para lumikha ng isyu at pag-awayin ang mga nasa pamahalaan. Magugunitang sa inilabas na pahayag ng Makabayan Bloc, kaugnay sa isinagawang reorganization sa NSC kung saan inalis sina Vice President Sara Duterte at tatlong dating pangulo ng bansa ay pagpapakita…

Read More

‘BOSES NG BAYAN’ SENATE 2025 SURVEY— RPMD

INILABAS ng RPMD Foundation Inc., bilang bahagi ng kanilang “Boses ng Bayan” na inisyatiba, ang mga resulta ng kanilang independiyente at hindi kinomisyon na survey hinggil sa ‘senatorial preferences’ para sa nalalapit na halalan ng 2025. Ang survey na isinagawa mula Disyembre 20 hanggang 28, 2024, ay kumolekta ng mga sagot mula sa 3,500 na kalahok sa buong Pilipinas, kung saan tinanong sila kung sino-sino ang 12 kandidatong pinakamalamang nilang susuportahan sa Senado kung ang halalan ay gaganapin ngayon. Statistically-tied sina Sen. Bong Revilla Jr. (53%) at Rep. Erwin Tulfo…

Read More

HIGIT 1K PCG PERSONNEL IDI-DEPLOY SA TRASLACION 2025

MAGTATALAGA ng mahigit isang libong personnel ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa Quiapo, Manila. Ang nasa 1,100 na mga tauhan ng PCG ay tutulong para magbantay sa seguridad sa kapistahan ng Poong Jesus Nazareno at sa seguridad ng mga deboto at makikiisa sa banal na aktibidad. Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan PCG, ipakakalat ang kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar na daraanan ng ruta ng prusisyon ng Traslacion 2025 gayundin sa paligid ng Simbahan ng Quiapo. Nasa 21 floating…

Read More

MAHIGIT 10 KILO NG SHABU NASABAT NG PDEA, NAIA IADITG

HAWAK ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 10.7 kilo ng shabu na kanilang nasabat, katuwang ang mga tauhan ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at Bureau of Custom, kahapon. Base sa ulat na isinumite ng PDEA Regional Office NCR sa tanggapan ni PDEA chief Director General Moro Virgilio Lazo, nadiskubre ang nasabat na droga sa Custom Exclusion Room, International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City. Sa nasabing anti-narcotics operation ay nasamsam ang 10.706 kilograms ng shabu na may standard drug price na umabot sa P72,800,800…

Read More

NCR HOSPITALS, VOLUNTEERS ALL SET NA SA TRASLACION 2025

(JULIET PACOT/CHRISTIAN DALE) NAKAALERTO na ang mga ospital sa buong Kamaynilaan bilang paghahanda sa tradisyunal na Feast of the Black Nazarene na taunang dinadagsa ng mga deboto sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025. Ito ay makaraang isailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga ospital para sa pagresponde sa emergencies sa anomang oras partikular na ang mga concerned hospital personnel gaya ng doktor, nurses, surgeons at iba pa. Iniulat sa press conference ni DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Irvin Miranda, bukod sa NCR,…

Read More

KAMARA NAGTALA NG PINAKAMARAMING NAIPASANG PANUKALA SA PAMUMUNO NI SPEAKER ROMUALDEZ

NAITALA ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas, isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress. Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta. Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara. Sa bilang na…

Read More

NCR MAY PINAKAMARAMING FIRE INCIDENTS

NANGUNGUNA ang National Capital Region sa may pinakamaraming fire incidents na naitala nitong nakalipas na taon ng 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon sa inilabas na datos ng BFP, ang NCR ang nangunguna sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sunog sa bansa. Ayon sa talaan, nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala ng 3,334 na mga insidente ng sunog. Habang malayo naman ang CALABARZON na nasa ikatlong pwesto na may 2,045 recorded fire incidents. Nasa ika-apat naman…

Read More

MARY JANE VELOSO: KWENTO NG PAKIKIBAKA AT PAG-ASA

(Ni LEA BAJASAN) ANG pangalan na Mary Jane Veloso ay tumatak na sa maraming Pilipino. Ang kanyang kwento ay tungkol sa sakripisyo, kawalan ng katarungan, at pag-asa. Ipinanganak sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija noong Enero 10, 1985, si Mary Jane ay lumaki sa kahirapan. Bilang nag-iisang magulang ng dalawang lalaki, nagsumikap siya para matustusan ang kanyang mga anak. Tulad ng maraming Pilipino, nangarap siya ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Noong 2010, inalok siya ng trabaho bilang domestic worker sa Malaysia. Nagtiwala siya sa taong nagrekrut…

Read More